Unedited.
This is the untold scene. Yey! we have reach this far. As promise tatapusin ko to ngayong week. Pahinga lang ako ng mga 1 week then see you again sa story ni Alexous Dane Silva.
----------------------------------------------------
“HOWS MY DAUGHTER?” tanong sa kanya ni tito Antonio
“Still inside tito, hindi pa po lumalabas ang mga doctor” sagot niya dito bago niya naramdamang umupo ito sa kanyang tabi. May inabot itong isang papel, tinignan niya iyon bago itinago sa kanyang bulsa. He will pay dearly, sabi niya sa isip.
Ilang araw matapos niyang matanggap ang papel galing kay tito Antonio ay pinuntahan niya ang address na nakasulat doon, it was a warehouse in a very secluded area. Private property ang lugar na iyon at may guard na nag babantay. Pinapasok naman agad sila ng mag pakilala siya. Kasama niya sa sasakyan ang kanyang kaibigan at kakambal, nakalabas na ito ng hospital pero hindi pa ito pwedeng mag pwersa ng husto. Gusto lang nitong sumama, tulad niya ay gigil na gigil din ang dalawang lalaking kasama niya ngayon.
Ng marating nila ang warehouse ay sabay sabay na silang bumaba at pumasok sa loob, may nakita silang isang pinto kaya naman pumasok sila doon. Bumungad sa kanila ang hagdan pababa, marahan silang bumaba ng hagdan pag dating nila sa dulo ay isa nanaman pinto ang bumungad sa kanila pag pasok nila ay may nakita ulit silang pinto. Muli silang pumasok, saka lang nila nakita ang kanilang papa at si tito Antonio, parehas na may dugo ang mga kamao ng dalawa, napalingon sila sa glass window ng makarinig ng sigaw, doon lang nila napansin ang tao sa loob niyon na ngayon ay nakaupo sa isang bakal na upuan kasalukuyang sumisigaw habang kinokoryente. Dahan dahan ang pag pag koryenteng ginagawa dito, sinisiguradng ramdam nito ang sakit pero hindi sasapat upang mamatay ito, napansin din niyang hindi lamang sila ang tao sa lugar na iyon. May mga naka uniform na nurses at doctors siyang nakita.
Imbis na makaramdam ng pangingilabot ay napangiti pa siya, nakaramdam siya ng kaunting kasiyahan na makita si Lei Chin na nag durusa at nag mamakaawa na itigil na ang pag papahirap dito. Duguan ang matanda, putok ang labi, may napansin siyang tahi sa bandang kilay nito, lalo siyang napangiti sa naisip. So kaya may mga doctor na nandito ay upang masigurado na hindi agad ito bibigay. Mukhang mag i-enjoy talaga siyang pahirapan ang matandang dahilan kung bakit na coma ang babaeng mahal niya. Sinisigurado niyang igagati niya ang ginawa nito kay Monique at sa kakambal nitong si Elise.
TULAD NG PALAGI NIYANG GINAGAWA, nag babad si Elise sa bathtub na nasa kanyang silid, ginagawa niya ito gabi gabi dahil pakiramdam niya ay napakarumi niyang babae, lalo pa at nandito nanaman ang hayop na Lei na iyon. Sabagay palagi naman talaga itong nandito dahil natutuwa itong nakikita siyang nag durusa, sabi nito sa kanya ay siya ang kabayaran sa kasalanan dito ng mga magulang niya kaya kailangan niyang mag tiis.
Sinubukan na niyang kitlin ang sariling buhay noong una siya nitong gahasain pero wala namang nagyare, ito at buhay parin siya. Sinubukan nadin niyang tumakas noon ng makailang beses pero palagi siyang nahuhuli at sa tuwing mahuhuli siya ay mas lalong tumitindi ang pag papahirap nito sa kanya.
Napansin niyang nitong mga nakaraan ay bihira na itong pumunta sa kanya na ipinag papasalamat niya, ipinapanalangin niya na sana ay mamatay na ang matandang iyon lalo na sa mga ganitong pag kakataon. Kanina ng dumating ito ay agad siyang hinalay ng walang hiya. Wala siyang magawa dahil mas malakas padin ito kesa sa kanya. Sa pag lipas ng panahon ay natutunan na niyang maging manhid sa tuwing hahalayin siya ng matanda, wala siyang pinapakitang reaction dito, hindi na siya nag mamakaawa na tumigil ito at hinihintay nalang niyang matapos bago siya aalis upang mag linis ng katawan. Pero ang katawan lamang niya ang naging manhid, ang kanyang puso ay patuloy na nasasaktan, minsan ipinapanalangin nalang niyang mamatay na siya kung hindi si lei, sana siya nalang.
Pag katapos ng gabing iyon ay isang taon ding hindi nagagawi sa tinitirahan niyang bahay sa isang isla si Lei, nakailang lipat nadin siya ng tirahan pero hindi siya nito pinupuntahan. Simula ng mag kaisip siya ay palagi na siyang inililipat ng tirahan kaya naman sanay na siya. Ngayon lang nangyari na isang taon siyang hindi pinuntahan ng matanda sa bago niyang tirahan, dahil doon ay medyo nakakaramdam siya ng kapayapaan sana hindi na talaga ito mag pakita.
Ilang taon pa ang lumipas na hindi niya nakikita kahit anino manlang ng matanda. Nakailang lipat pa siya ng tirahan pero hindi siya nito dinadalaw, siguro ay namatay na ito. Lihim siyang nag bubunyi sa isiping namatay na ito. Nakasanayan narin niya ang kapayapaang ilang taon na niyang tinatamasa simula ng hindi ito mag pakita sa kanya. Walang buhay ang isla na kinarorounan niya, pero okay na sa kanya ang ganun kesa sa makasama niya ang hayop na matandang iyon. Isang araw pag uwi niya galing sa pag lalakad sa isla ay naabutan niya itong nakaupo sa sala. Ganun na lamang ang pagbilis ng tibok ng kanyang puso dahil sa matinding kaba, pero hindi tulad ng dati ay hindi siya nito sinungaban sa halip ay pinaupo siya sa sofa at kinausap.
Sinabi nitong may kakamabl siya na ngayon ay namumuhay ng parang prinsesa sa Manila, sinabi nito na alam ng kambal niya ang tungkol sa kanya pero wala daw itong pakialam sa kanya. Ni ayaw daw siyang dalawin dahil sa hindi nito maiwan ang magandang buhay. Kabi-kabila daw ang ginagawa nitong pag pa-party habang siya dito ay nag durusa. Sinabi pa nito na kinausap daw ito ng mga magulang niya at sinabi na wala na silang pakialam kahit ano pa ang gawin ng matandang kaharap sa kanya. May ipinakita din itong larawan ng isang lalaki at ng isang magandang babae na sa tantya niya ay kaidad lang niya, sabi ni Lei ay iyon daw ang daddy ng kapatid niya at ang babe naman ay ang kanyang kakambal. Sobrang sakit ng mga nalaman niya. Pano siya nagawang tiisin ng sariling kapatid at mga magulang. Habang sila ay nag papakasarap sa mga buhay nila ito siya at makailang ulit na binaboy ng matandang ito. Inaasahan na niyang gagahasain nanaman siya ng matanda kaya nagulat pa siya ng bigla itong umalis ng hindi manlang kinakanti kahit na ang dulo ng kanyang buhok.
Pagkatapos ng araw na yon ay tila bumalik siya sa impeyerno, napapansin niyang medyo napapadalas nanaman ang pag balik ni Lei dito sa tinitirahan niya. Ang tanging kaibahan lang ngayon ay hindi siya ginagalaw ng lalaki bagay na labis niyang ipinag papasalamat. Hindi man siya nito ginagalaw ay panay naman ang sabi nito ng mga bagay na ikinasasama g loob niya, lalo na ang mga bagay na may kinalaman sa pamilya niyang walang pakialam sa kanya.
Muling lumipas ang mga araw at hindi nanaman nag pakita sa kanya ang matanda, kahit papano ay nakakalma na ulit ang kanyang sistema na palaging nagugulo kapag nakikita niya ang hayop na matandang yon, kaya ipinag dasal niya na sana ay wag na talaga itong bumalik.
Ng araw na iyon ay may kakaiba siyang nararamdaman pero wala namang kakaibang nangyayari kaya hinayaan na niya. Matapos ang isang buong araw ay nag handa na siya sa pag tulog, kasalukuyan niyang inaayos ang kanyang higaan ng makarinig siya ng kalabog sa labas ng kwarto niya, nakaramdam siya ng takot, may nakapasok bang masasamng loob? Pero imposible dahil isla ang kinaroroonan niya at kilala na niya ang mga tao doon, kung si lei naman iyon ay bakit hindi niya narinig ang tunog ng helicopter na palagi nitong gamit tuwing pupuntahan siya doon. Higit sa lahat ay may susi si lei ng bahay na iyon kaya siguradong hindi ito ang pumasok at gumawa ng mga kalabog na narinig niya. Nakaramdam siya ng takot kaya agad siyang pumasok sa closet niya. Nanginginig siya sa sobrang takot na nararamdamam kaya isiniksik niya ng husto ang sarili sa pinaka dulo ng closet, abot langit ang panalangin niya na sana ay huwag siyang makita ng mga ito. Tinakpan niya ang bibig upang hindi siya makagawa ng kahit na anong ingay. Maya maya ay narinig niya ang malakas na pag bukas sa pinuan ng kanyang kwarto, hindi na siya humihinga sa pinag tataguan niya ng marinig niya ang pag tawag ng kung sino sa kanyang pangalan.
“Elise? nasaan ka? Alam kong nandito ka. Please lumabas, ka nandito ako para kunin ka at ilayo sa hayop na si Lei. Lumabas ka hija, hinihintay ka ng kapatid mo sa Manila, wag kang matakot sakin wala akong gagawing masama sayo, narito lang ako para kunin ka kay Lei.” Ng marinig niya iyon ay nakaramdam siya ng pananabik na makaalis sa lugar na iyon, pero ang sabi nito ay hinihintay siya ng kapatid niya, kasinungalingan! Hindi nga ba at pinabayaan siya ng mga ito na mabuhay sa imperyerno tapos ngayon ay hinihintay siya? Nanatili siyang tahimik sa pinag tataguan ng muli niyang marinig ang lalaki.
“Elise, hindi ko alam kung ano ang sinabi ng hayop na si Lei sayo, pero kung ayaw mo sa amin ng kapatid mo maiintindihan namin, lumabas kana, kailangan kana naming mailayo sa hayop na Lei na iyon bago pa siya makagawa ng hakbang upang saktan ka. Nahuli na namin siya pero madami padin siyang koneksyon baka mapapano ka kung hindi ka sasama samin”
Nag dadalawang isip siya, pero malakas ang kutob niyang kailangan niyang sumama sa lalaking ito, isa pa pag kakataon na niyang makatakas kay Lei saka na niya iisipin kung papano tatakasan ang lalaking ito.
Dahil doon ay dahan dahan siyang lumabas sa pinag tataguan, sobra sobra ang nararamdaman niyang kaba pero ano paba ang mawawala sa kanya? Wala na, kaya mabuti ng sumubok kesa mag patalo siya sa kaba niya.
Ng makita siya ng lalaki ay mabilis siya nitong niyakap dahilan para manigas siya sa kinatatayuan. Ito ang pangalawang lalaki na nadikit sa kanya, dahil ayaw na ayaw niyang nadidikitan ng mga lalaki. Pakiramdam niya ay masasaktan siya, pero ang lalaking ito ay kakaiba, hindi niya nararamdaman ang pandidiri at ang takot na nararamdaman niya sa tuwing si Lei ang hahawak sa kanya, o sa tuwing lalapitan siya ng mga tauhan ng matandang yon, mainit ang yakap nito, may pag iingat at wala siyang nararamdamang malisya o panganib dito.
“Thank God, nakita rin kita! Ang tagal na kitang hinahanap alam mo ba yon, ang tagal-tagal ka na naming hinahanap ng kakambal mo!. Salamat sa diyos at nakita na kita!” sabi nito habang narahang hinahaplos ang kanyang buhok. Hindi niya maintindihan ang sarili, bakit parang naiiyak siya.
Ng maramdaman nito ang kanyang paninigas ay dahan dahan siya nitong binitawan, bahagya din itong lumayo sa kanya upang magkaroon sila ng kaunting distansya, ngunit ng makita nito ang kanyang mga luha ay muli siya nitong hinawakan upang palisin ang mga luhang tumutulo sa kanyang mga mata at muling hinaplos ang kanyang buhok.
“Tahan na, ligtas kana! hindi ko hahayaan na makuha ka ulit ng hayop na Lei na iyon, pangako ko yan sayo! tahan na anak!” Tinawag siya nitong anak, nangangako itong hindi na siya ibabalik kay Lei, napakasarap sa pakiramdam. Pakiramdam niya ay nakakita siya ng kakampi, pero naroon parin ang agam agam, sinabi ni Lei na pinabayaan siya ng pamiya niya. Marahil ay napansin nito ang kanyang pag aalinlangan kaya muli itong nag salita. “Hindi kita sasaktan, ipapaliwanag ko ang lahat sayo pagkabalik natin sa Manila, sa ngayon ay wala na tayong panahon at kailangan na nating umalis, may mga tao pa si Lei na nag kalat baka maabutan nila tayo dito, dilikado, kaya sumama kana muna sakin, pangako hindi kita sasaktan, wala sa mga kasama ko ang mananakit sayo, nandito kami upang bawiin kana kay Lei” ng masabi iyon sa kanya ay marahan siya nito inakay hanggang sa makasakay siya sa sasakyang pandagat na ginamit ng mga ito. Sa kabilang bahagi ng isla pala ang mga ito dumaan kaya wala siyang narinig na tunog. Ng nakaupo na siya ay naramdaman niya ang pag balot sa kanya ng isang kumot, sinulyapan niya ang gumawa nun at nakita niya ang isang lalaki na nakangiti sa kanya, gwapo ito at mukhang mabait, maganda ang mga mata nito pero tila may mabigat na dinadala.
“Mabuti nakita kana namin, matutuwa ang kakambal mo” nakangiti ito habang sinasabi iyon pero hindi umaabot sa mata nito.
“Ako nga pala si Brent, kasintahan ako ng kakambal mo, wala siya ngayon dahil hindi niya kaya pero matutuwa yon pag nalamang ligtas kana, sige na mag pahinga kana, babantayan ka naming wag kang mag alala ligtas ka dito” pag kaalis nito ay nanatili lang siyang nakaupo at nakatingin sa kanyang mga paa, wala siyang suot na panyapak.
Abala siya sa pag iisip kung totoo bang mabuti ang intensyon ng mga kumuha sa kanya nang may napansin siyang isang pares ng paa na tumayo sa harapan niya kaya tumingala siya, isang gwapo at matangkad na lalaki ang nakita niya, prominente ang panga nito, makapal ang kilay at matangos ang ilong. Seryoso ito at hindi katulad nung nag pakilalang Brent na nakangiti kahit halatang malungkot.
Nakita niyang bumuga iyo ng hangin bago inabot sa kanya ang hawak na bottled water, bigla naman siyang nakaramdam ng uhaw kaya kinuha niya iyon at uminom. Umalis ang lalaki kaya ipinatong nalang niya sa gilid ang wala ng laman na bottled water, hindi nag tagal ay muli itong bumalik at may dalang maliit na planggana na may tubig, may hawak din itong pares ng tsenelas na sa tanya niya ay nasa 10 or 11 ang sukat. Nagulat siya ng bigla nalang itong lumuhod sa harap niya at inangat ng bahagya ang kanyang paa, napa piksi siya dahil sa ginawa nito kaya tinignan siya nito sa mga mata, at hindi binibitawan ang kanyang paa.
“Lilinisan ko lang para magamot ang mga sugat mo. Wala akong gagawing masama sayo” sabi nito sa kanya. Nang hindi siya gumalaw ay sinimulan na nitong hugasan ang kanyang paa bago iyon pinunasan at ipinasuot sa kanya ang malaking tsinelas “Pasensya kana, yan lang ang meron ako dito, ibibili nalang kita ng bago pag dating natin sa Manila” sabi nito sa kanya dahil napakalaki ng tsenelas nito para sa paa niyang nag lalaro lang sa 8 or 9 ang sukat. “Dito ka lang huh kukunin ko lang yong medicine kit” sabi ulit nito sa kanya, marahan siyang tumango kaya umalis na ito, pag balik nito ay may dala ng medicine kit. Mabilis ang bawat kilos nito pero kapansin pansin ang pag iingat doon, ng matapos ito ay muli siyang iniwan upang ibalik ang medicine kit sa lalagyan.
Akala niya ay hindi na ito babalik kaya medyo nagulat pa siya ng muli itong bumalik sa harap niya, may dumaang lalaki at tinapik ang balikat nito, “ayos na Nik, pwede na siya doon mag pahinga” sabi ng bagong dating dito, tumango naman ang lalaking nag asikaso sa kaniya bago siya muling binalingan.
“Okay lang ba sayo kung bubuhatin kita? Dadalhin lang kita sa cabin para makapag pahinga ka ng maayos.” dahil may mga sugat pala siya sa paa na ngayon lang niya nararamdaman ay tumango nalang siya. Marahan siya nitong binuhat at maingat na inilapag sa malambot na kama, pero nanigas padin ang katawan niya, alam niyang naramdaman nito ang paninigas niya pero hindi na ito nag komento, inayos nito ang pagkakahiga niya bago siya kinumutan, nakatingin lang siya dito habang inaasikaso siya ng lalaki, ito ang kauna unahang lalaki na gumawa ng ganoon sa kanya. Lahat ng lalaking lumalapit sa kanya noon ay upang saktan lamang siya at gawan ng masama. Nang matapos siya nitong asikasuhin ay tumayo na ito ng maayos bago nag paalam na aalis na, bago nito mabuksan ang pinto ay nag pasalamat siya sa lalaki. Saka lamang niya ito nakitang ngumiti. “Anong pangalan mo?” tanong niya dito. “Nikko, Nikko ang pangalan ko” sabi nito bago tuluyang umalis.
NAPABALIKWAS siya ng bangon ng mapansin na hindi niya kilala ang kwarto na kinaroroonan, malambot ang kama na kinahihigaan niya at napaka aliwalas ng kanyang paligid, hindi tulad ng tirahan niya sa isla.
Medyo kinabahan siya dahil hindi niya alam kung nasaan siya. Tatayo na sana siya ng bumukas ang pinto at pumasok ang lalaking kumuha sa kanya sa isla kagabi. May dala itong pagkain at matamis na nakangiti sa kanya.
“Good morning Elise, breakfast in bed, kain kana” Sabi nito sa kanya ng mailapag ang pagkaing dala nito sa kanyang harapan. Kumain naman siya, masarap ang luto nito kaya hindi niya namalayang naubos niya ang dala nitong pagkain. Ng matapos na siyang kumain at itinabi nito ang pinag kainan niya at muling naupo sa kama. Kinausap siya ng lalaki at sinabi nito ang katotohanan sa likod ng mga kasinungalingan ni Lei.
May ipinakita ito sa kanyang video ng isang babae na parang patay na pero patuloy pading binubogbg ng mga lalaki. Ayon sa lalaking kasama niya ay iyong si Monique ang kakambal niya na ngayon ay nasa hospital at naka coma.
Ng mga oras na iyon ay halo halo ang naramdaman niya. Una ay pag sisisi dahil ang dami niyang hiniling na hindi magandang bagay para sa kapatid niya dahil sa kasinungalingan ni Lei. Pangalawa ay kasiyahan dahil kahit hindi sila nagkasama ay ginawa nito ang lahat para lang mahanap siya at mailigtas. Nalaman din niya na ang kapatid ang dahilan kung bakit sa mahabang panahon ay hindi siya ginambala ni Lei sa tintuluyan niya.
Pagkatapos siyang sagipin sa isla ay kinausap siya ni tito Antonio upang mag patingin sa isang Psychiatrist, makakatulong daw iyon para makalimot siya. Ngayon ay pupunta sila sa hospital upang makita ang kakambal niya, nahihiya siya dito sapagkat dahil sa kanya kaya ito napahamak, pero nagulat siya na imbes na galit ay kasiyahan ang nakita niya sa mga mata nito, agad din siyang niyakap ng kakambal, ang gaan ng loob niya dito, marami silang napag usapan ng araw na iyon, natigil lang sila ng kailangan na niyang umalis dahil may session pa siya with her psychiatrist, ayon nadin sa suggestion ni tito Antonio para daw makapamuhay siya ng maayos at malayo sa multo ng kanyang nakaraan.
Niligawan din siya ni Agent Nikko, ang lalaking nag asikaso sa kanya noong gabi na sagipin siya mula sa isla. Agad pala itong nag kagusto sa kanya ng gabing iyon, kaya siguro siya inasikaso. Mabait ito at maalaga, higit sa lahat ay tanggap siya nito at inirerespeto padin siya nito sa kabila ng mga pangit niyang karanasan, hindi tulad ng ibang lalaki na sasamantalahin ang iyong kahinaan. Kaya hindi nag tagal ay sinagot nadin niya ito, wala siyang pinag sisihan sa naging disisyon dahil ramdam niya ang pag mamahal at pag papahalaga ng lalaki. Pagkalipas lang ng isang taon ay nag pasya silang mag pakasal at nag karoon ng kamabal na anak na lalaki.
Naging close nadin niya ang mga kaibigan ng kakambal na dati ay kinaiilangan pa niya. Masalimuot man ang kanyang naging nakaraan ay nag papasalamat padin siya dahil nakakita siya ng liwanag, nakaranas ng kalayaan at nakahanap ng lalaking mag mamahal at tatanggap sa kanya ng buong puso.
YOU ARE READING
(Silva Series Book 1) Alexous Brent Silva - Completed
רומנטיקהHe was lucky to have found the love of his life at a young age, but his happiness disappear like she never existed, his life turned upside down, his paradise turned into hell and he became an asshole and a total jerk trying to survive the hell his...