Chapter 7

347 11 0
                                    

Unedited
----------------------------------------------------


Kinabukasan ay maagang nag ayos si Monique.. dahil hindi siya pumasok kahapon panigurado tambak ang mga gagawin niya….

Pagkalapag niya ng gamit sa kanyang lamesa ay nag ayos muna siya doon saglit.. inilagay muna niya ang mga papeles sa isang sulok.. mamaya na niya iyon titignan bago niya dalhin sa lamesa ng boss niya para mapag aralan nito.

Sinipat niya ang sarili sa salamin at nag lakad papunta sa maliit na pantry upang ipagtimpla ito ng kape… mag aalas otso palang naman pero maya maya ay nandito na iyon… matapos mag timpla ay muli siyang nag lakad papunta sa opisina nito.. nasa labas kasi ng opisina nito ang table niya at ang pantry..
Mahina siyang kumatok … nakagawian na niyang gawin iyon bago pumasok sa opisina nito kaya kahit alam niya na wala pa ito ay kumakatok nadin siya…

Marahan niyang itinulak ang pinto at nag lakad papasok deretso sa table nito… muntik na niyang matapon ang daladalang tasa ng kape ng makita ang boss niya na nandoon na sa table nito at masuyong nakangiti sa kanya…. Pero ang higit na nag pagulat sa kanya ay ang kausap nito sa harap ng mismong lamesa nito…

Anong ginagawa ng lalaking ito dito… may sinabi ba ito kay lei… nanigas siya sa kinatatayuan ng maalala na binigyan nga pala siya nito ng 24 hours… at hindi siya nag paramdam dito sa loob ng 24 hours…..

“Monique” si lei…

“ang aga mo ngayon… kumusta na ang pakiramdam mo?”

Muli siyang natauhan dahil sa sinabi nito…

“uhm.. okay na po sir” I’m sorry I didn’t know that you have a visitor.. “ I just came to ready your coffee”

Nag mamadali siyang lumapit sa table nito at inilapag ang kape sa harapan nito..

“oh… yes… brent here called me dahil may importante daw siyang sasabihin sakin… no need to be formal dear..   brent knows the real score..”

Nginitian niya ang matanda kahit nanginginig na ang tuhod niya sa kaba….

“is that so?, then I should go back to my table so you two can discuss this matter alone”

Bumaling siya sa kameeting ng kanyang boss,

“Can I bring you anything Mr. Silva” Bahagya niya itong pinandilatan ng bumaling sa kanya ang tingin nito….

Isang matamis na ngiti naman ang sumilay sa labi nito.. ang damuho mukhang nag ienjoy na makita siyang kinakabahan…

“a cup off coffee will do Ms. Secretary”

“then I shall prepare you coffee now,..  please excuse me”

 nginitian niya muna si lei bago lumabas ng opisina nito..
Napasandal siya sa pintuan ng makalabas na siya.. ang lakas ng tibok ng puso niya.. shit wag naman sana..

plano niyang kausapin sana ito mamaya para sa condition nito.. pero napaka bilis kumilos ng hudyo na yon…

Ng medyo kumalma na ang puso niya ay bumalik na siya sa pantry upang ipag timpla ito ng kape… bumalik siya sa loob at marahang inilapag ang kape malapit dito…

Pangiti-ngiti lang sa kanya ang lalaki…..

Lumabas siya ng opisina at bumalik sa kanyang pwesto…. Hindi siya makapag concentrate… shit talaga.. simula ng mag cross ulit ang mga landas nila ay nahihirapan na siyang mag concentrate sa trabaho niya… hindi ito pwedeng mag patuloy… kailangan niyang gumawa ng paraan..

Bumukas ang pinto ng opisina at lumabas ang bss niya… nilapitan siya nito sa sinabing lalabas saglit upang kausapin ang asawa nito dahil tumatawag nanaman… tinanguan niya ito bilang pag payag…

(Silva Series Book 1) Alexous Brent Silva - CompletedWhere stories live. Discover now