Chapter 32

269 10 0
                                    


 


Tangina naman bal eh.. akala ko ba ikaw ang nakipag hiwalay?  Pag kausap ng kakambal sa kanya pero hindi niya ito pinansin.
 
Tahimik lang siyang umiinom, ilang bwan nadin naman ang lumipas simula ng sundan siya ni Monique sa bar at sabihin niya dito ang mga bagay na hindi naman niya dapat sinabi,  bwisit talaga, lasing na lasing siya noon at dahil narin sa sobrang galit na nararamdaman niya ay hindi niya napigil ang bibig.. Ngayon ay pinag sisisihan niya ang bawat salitang sinabi sa babae.
 
Simula kasi ng gabi na yon ay hindi na siya nito pinansin.. hindi din naman niya ito pinuntahan dahil nadin sa pride.. pero umaasa siyang kahit papano ay susuyuin siya ng babae dahil may kasalanan din naman ito sa nangyare pero nag kamali siya. Walang Monique na dumating para suyuin siya… and sabi niya siya ang hindi na mag papakita dito pero ang ending ito ang hindi na nag pakita sa kanya..
 
Kahit papano ay umasa siya na sasama ito noong nag meeting sile ni lei bago paman lumabas ang balita tungkol sa mataanda.. umasa siyang makikita man lang sana niya ang maganda nitong mukha, pero mag isang pumunta ang matanda at kakaiba ang mga tingin na ibinibigay nito sa kanya. Sobrang disappointed siya dahil wala ang babae pero hindi niya ipinahalata sa matanda. Yon ang huli nilang pag uusap ni Mr.Chin, ilang araw matapos ang meeting na yon ay biglang lumabas ang balita tungkol sa matanda at ngayon nga ay  mahigit isang lingo na ang lumilipas simula ng lumabas ang balitang iyon..
 
Gustong gusto niyang puntahan ang dalaga sa unit nito at kausapin pero nag aalangan siya.. Hindi niya maintindihan pero parang iba ang pakiramdam niya nung nakaraang linggo pa. pero hindi niya pinapansin ang kakaibang nararamdaman dahil busy ang utak niya sapag iisip sa babaeng iyon na hindi na talaga nakipag usap pa sa kanya…
 
Mababaliw nanaman siya sa kakaisip dito.. ilang araw nadin siyang pabalik balik sa bar para ibaling sa iba ang attention niya pero walang epekto ang mga iyon.. tulad ngayon hindi parin mawala ang babae sa isip niya.
 
“man” naramdaman niya ang pag tapik sa balikat niya.  “kung hindi mo kayang mawala sayo ipag laban mo. Ngayon kapa susuko eh bulilyaso na ang matandang kabit niya.. Wag mo nang hintayin na siya pa ang lumapit sayo.. babae yon kaya hindi yon mauunang lumapit sayo,  baka mamaya nag hihintay lang yon na puntahan mo siya. Ikaw nadin nag sabi masasakit na salita ang sinabi mo sa kanya nung puntahan ka niya sa bar. Adik ka din kasi eh itataboy mo, hindi mo naman pala kaya..
 
Puntahan mo na doon hindi yong pinapatay mo ang atay namin nitong kakambal mo…” ano ihahatid ka pa ba namin?
 
Bigla siyang napaisip sa sinabi ni puma.. Dapat ba talaga puntahan na niya? Shit.. Sige na nga pupuntahan na niya total naman ay siya lang din ang nababaliw kakaisip dito..
 
Bigla siyang tumayo na ikinagulat ng dalawa, narinig pa niya ang pag mumura ng mga ito pero hindi niya pinansin deretso lang siya sa parking lot, alam niyang nakasunod ang dalawa sa kanya, mabilis siyang sumakay ng sasakyan ganun din ang ginawa ng mga ito. tapos mabilis niyang pinaharurut ang sasakyan papunta sa condo ng babaeng bumabaliw sa kanya.. Kailangan nilang magka linawan, ngayong nag tatago si lei siguro naman ay siya na ang pipiliin nito..
 
Sa hindi niya malamang kadahilanan, palakas ng palakas ang kaba na nararamdaman niya habang nag mamaneho siya. Hindi nag tagal ay naratig nila ang pakay at mabilis na silang umakyat..
 
Nakailang doorbell na sila pero walang nag bubukas ng pinto kaya muli silang bumaba sa reception area.
 
“Ms. Good evening, umalis ba si Ms. Santez?” tanong niya sa babaeng receptionist “wala kasi atang tao sa unit niya kanina pa kami nag do-doorbell.”
 
“naku sir, more than a week na pong hindi umuuwi dito si ms. santez, umalis siya last week naka casual na damit lang tapos hindi na po siya bumalik. Hinahanap na din nga po siya ng daddy niya.. ilang araw ng pabalik balik dito ang father niya”
 
Kinabahan siya sa narinig.. Shit! More than a week ng hindi umuuwi..
 
“Natatandaan mo ba kung anong araw siya umalis?” tanong ulit niya sa babae.
 
“uhm hindi po, pero yon po ang araw na nabalita ang tungkol kay Mr. Chin sa T.V.,  opo yon nga natatandaan ko kasi nanonood ako noon ng balita ng makita ko siyang lumabas, hindi ko lang po matandaan ang eksaktong araw” sabi nito
 
Lalong dumagondong ang puso niya sa kaba. Sumama kaya ito ay Lei? Sinabi noon ng babae na hindi nito pwedeng iwan si lei dahil kailangan niya ang matanda, kahit wala itong pag mamahal para sa matanda… aabot ba sa puntong sasama ito sa pag tatago ng matanda para sa bagay na yon na kailangan nito.
 
Ano ba kasing kailangan nito sa matandang yon.. hindi siya mapakali.. sa utak niya alam niyang mataas ang chance na sumama ito sa matanda sa pag tatago.. pero ayaw maniwala ng puso niya.. hindi yon gagawin ni Monique..
 
Umalis sila ng condo at dumeretso sa unit ni puma dahil yon ang pinakamalapit na uuwian nila..  nakaupo siya sa sofa hindi parin siya nag sasalita.. iniisip niya kung saan pwedeng nag punta si moinque.. kung pati ama nito ay hinahanap na ito ibigsabihin walang alam ang ama nito sa kinaroroonan ng babae.. kailangan niyang makausap ang ama nito pero saan? Hindi niya alam kung saan ito nakatira ngayon o kahit ang phone number nito.. hindi rin nila ito napag usapan ni Monique.
 
Nahihiwagaan siya sa mga nangyayare ngayon.. possible bang hindi alam ng daddy ni Monique ang pakikipag relasyon nito sa matanda?  Possible yon, dahil kung tama ang pag kakaalala niya ay conservative ang daddy nito.. napagalitan pa nga siya noon ng maging sila at pinag bantaan na wag kakantiin ang anak nito hanggat nag aaral pa. malamang hindi iyon papayag na makipag relasyon ang nag iisang anak sa matandang may asawa na..
 
Nakita niyang may nag abot ng isang lata ng beer sa kanya.. ng iangat niya ang tingin ay nakita niya ang kakambal. Kinuha niya ang alak mula dito at uminom.. umupo naman ito sa kanan niya at si puma naman sa kaliwa..
 
“anong plano mo ngayon man?” tanong ni puma sa kanya.
 
“I don’t know” 
 
“sa tingin mo bal sumama siya sa matanda?”
 
“possible pero ayaw kong maniwala” sabay na napatingin sa kanya ang dalawa..
 
“What do you mean?”
 
“inamin niya sakin na hindi niya mahal ang matandang yon”
 
“hindi niya mahal pero nakipag relasyon siya? Naguguluhang tanong ni dane.
 
“oo hindi niya mahal.. pero sinabi niya na kailangan niya ang matanda kaya kahit hindi niya ito mahal ay nakipag relasyon siya dito.. iyon din ang dahilan kaya ayaw niyang iwan ang matanda..”
 
“ano daw ang kailangan niya sa matanda?” sabay na tanong ng dalawa.. napasabunot siya sa sariling buhok dahil sa frustration na nararamdaman..
 
“hindi ko alam, hindi niya sinabi ayaw niyang sabihin”  naguguluhan na din ako, mataas ang tyansa na sumama siya sa matanda para doon sa sinasabi niyang kailangan niya dito, pero taina ayaw kong maniwala na aabot siya sa ganun” sabi niya sa dalawa..
 
“o pwede din naman na pinilit o tinakot siya ng matandang iyon para sumama siya… baka ginagamit ng matanda iyong sinasabi niyang kailagan niya dito” sabi naman ni Puma na gumagana nanaman ang pagiging pulis.
 
“possible iyon” sabi ng kambal niya..
 
“sabi ng receptionist hinahanap din si Monique ng daddy niya” si puma ulit, “so ibig sabihin, either hindi alam ng ama niya ang relasyon nil ani mr. chin o talagang sapilitan siyang kinuha ng matanda kaya hindi siya nakapag paalam sa daddy niya” napakunot ang nuo ng kaibigan habang tila ina-analisa ang pangyayari.
“kung halimbawa na sumama si Monique sa matanda.  siguro naman tatawagan niya ang daddy niya para sabihi ditong okay lang siya diba, kahit sabihin nating walang alam ang ama niya sa relasyon nil ani lei, pwede naman niyang sabihin na nag bakasyon siya para hindi mag alala ang daddy niya diba”
 
Bigla siyang napatango, may punto si puma… so mas mataas ang chances na pinilit ito ng matanda kung sumama man dito ang dalaga kaya pati daddy nito ay walang alam kung nasaan ito at ngayon ng ay hinahanap ang anak.
 
“nalaman mo ba kay Monique kung saan nakatira ang daddy niya?” tanong pa nito sa kanya..
 
Marahan siyang umilng.. “damn, kailangan kong makausap ang daddy niya para ma confirm kung talaga bang sumama ito sa matanda o pwersahan itong pinasama o kinuha”
 
Napatingin siya sa kakambal ng kunin nito ang telepono sa bulsa at may tawagan.
 
“Detective, good evening! May ipapahanap kami sayong tao.. possible siyang nasa palawan o nandito lang sa manila.. please find him for us.. his name is Antonio Diaz”
 
Bigla silang nag katinginan na tatlo. Oo nga kung hindi totoong Diaz si Monique so ibig bang sabihin ay hindi din Antonio diaz ang pangalan ng ama nito?  shit ang hirap naman, ang daming tanong na wala siyang sagot..
 
“detective, si dane ulit.. there is a chance na nag palit ng pangalan ang taong ito  possible ding Santez ngayon ang apelyedong gamit niya.. ill send you his picture to help you investigate.. we need to know his address the soonest possible. Or kahit ang contact number man lang”
 
Hindi na mapakali si Brent sa isiping maaring sapilitang sinaman ng matanda ang dalaga.. ang dami ng possibilities na pumapasok sa kanyang isipan lalo pa sa mga nabalitaan nila sa T.V.. the man was a fucking rapist.. at Nakita niya kung papano nito hagurin ng nag nanasang tingin si Monique noon.. and Monique was a virgin, he was her first.. Tapos biglang naging masama ang paraan ng pagtingin sa kanya ng matanda noong huli silang nag usap.
 
Hindi kaya nalaman na nito ang tungkol sa kanila ni Monique nakita kaya sila nito pero papaano? hindi naman sila lumabas na dalawa maliban noon nasa bar at nung nag staycation sila. Pero parang impossible na noong nag staycation sila.. aaahhhh mababaliw na siya kakaisip.. Monique please be safe.. pipi niyang panalangin.. hindi niya kakayanin kung may ginawa ng masama dito ang matandang yon na halang pala ang bituka..
 
“relax bal, makikita natin si Monique” dane give him assurance pero kinakabahan talaga siya.. kaya siguro iba ang pakiramdam niya nung nakaraang lingo pa dahil nga nawawala pala ang babae.
 
“I don’t know what I will do pag may ginawang masama sa kanya ang matandang yon”
 
“bakit sa tingin mo may gagawing masama ang matanda sa kanya? Diba mahal siya ng matandang yon?” tanong naman ni Puma.
 
“I think so pare,mukha namang mahal siya ng matanda,  pero nabanggit ni Monique sakin na seloso ang matandang yon, at kung ibabase ko sa huli naming pag kikita ng matanda bago siya mahuli.. masasabi kong may kakaiba sa paraan niya ng pag tingin sakin.. parang may galit” tsaka napannod naman ninyo ang balita, masamang tao ang matandang yon baka ano ang gawin niya kay Monique.
 
“hindi kaya nalaman niya ang tungkol sa inyo kaya  niya kinuha si monique”  tanong ng kakambal
 
“hindi ko din alam.. isang beses lang naman kaming nag kita pagkatapos ng staycation natin at hindi naman kami lumabas.. maliban nalang nung sinundan niya ako sa bar”
 
“possible kayang nasundan siya ng matanda noong gabing iyon? Tanong din niya. “naka disguise siya nung puntahan niya ako pero alam ko magkasama sila dapat ni lei ng araw na yon.. kaya nga kami nag away dahil mas pinili niyang sumama sa matandang iyon”
 
“wait” sabi ni puma.. una hindi tayo sure kung si mr. chin nga ang kasama niya.”
“pangalawa, hindi tayo sure kung sumama ba siya o sapilitang kinuha.” Pero base sa mga possibilities na namention natin kanina ay possible na kinuha siya ng sapilitan ni lei dahil nalaman ng matanda na may relasyon kayo noong sinundan ka niya sa bar.”  Pag iisa isa ni puma sa mga posibleng mangyare sa pagkawala ng babae.
 
“okay” si puma ulit “ 1st thing 1st” sabi nito
 
“may napansin ka na bang kakaiba kay Mr. Chin? Pag katapos ng staycation natin” tanong ni puma
 
Nag isip siya.. naalala niyang wala naman siyang nakikitang galit sa mga mata nito noong nag usap sila sa opisina nito noong panahong nahuli niya ang mga ito na muntik na mag halikan yon yong araw na pinuntahan niya si Monique tapos kinabukasan nga ay pinili nito ang matanda..
 
“hindi wala pa… maayos niya pa akong kinausap sa opisina niya.. nito lang huli naming pag uusap pagkatapos ng insidente sa bar” sagot niya sa kaibiga.
 
“shot.. kung nalaman man niya ang tugkol sa inyo malamang doon kayo nahuli sa bar nung gabi na sinundan ka ni monique” conclusion ni puma..  “at kung nahuli nga kayo.. ibigsabihin kailangan nating makita si Monique sa lalong madaling panahon..” sa mga balitang lumabas sa matandang iyon hind nga malayong may gawin siya masama kay monique..”
 
Lalo naman siyang kinabahan.. magaling si puma sa mga gantong bagay kaya ito palagi ang kinukuha nilang mag batay kay fire.. kaya pag kunutuban ito or may naging conclusion madalas ay tama.. bihira itong pumalpak..  lalong lumakas ang pag tibok ng puso niya…
 
“may mga naiisip ka bang pwedeng maging palatandaan para mas mabilis nating mahanap si monique?” tanong nanaman ni puma..
 
Nag isip naman siya pero wala siyang maisip dahil wala naman silang napang uusapan na tungkol sa babae dahil parang iniiwasan nito ang mag kwento tungkol sa sarili.. lalo tuloy siyang napapamura sa sarili.
 
“Nawawala si ate Monique?” nagulat pa silang tatlo sa biglang pag salita ng kung sino sa likod nila, pag lingon nila Nakita nilang nandoon si fire kasama nito si chelle.
 
“anong ginagawa ninyo dito? Pano kayo nakapasok?” sunod sunod na tanong ni puma.. na tinirikan lang mata ng kapatid nila bago nito pinakita ang susi nito ng condo nilang tatlo…
 
 Naalala niyang may susi nga pala ito sa condo nilang tatlo kaya madali itong makapasok..
 
“nag pasama ako kay ate chelle para ihatid to dahil naiwan mo sakin” sabi nito kay puma bago may inabot itong isang paper bag.. “nag pasama na ako kay ate chelle kasi may pupuntahan din sana kami kaso narinig naming ang usapan niyo.. “
 
“so nawawala si ate Monique at possibleng yong matanda niyang boss ang kumuha sa kanya?” pangungulit ng kapatid niya..
 
“fire, umuwi kana wag ka ng makisali dito..” sabi niya sa kapatid.. ang gusto niyang gawin ngayon ay hanapin ang babaeng mahal niya na possibleng nasa panganib sa mga oras na ito at hindi ang mag baby sit dito sa kapatid niyang walang kasing kulit..
“no,” sabay na sagot ng dalawang babae bago umupo sa sofa.. “sasama kami friend naming si Monique kaya hindi ninyo kami pwedeng paalisin.. pag hindi ninyo kami sinama, kami ni fire ang kikilos sa sarili naming” sabi naman ni chelle.
“fuck” mura nilang tatlo.. kilala nila ang dalawang ito pag nag sanib pwersa ang katigasan ng ulo ng mga ito ay wala silang magagawa dahil talagang kikilos ang mga ito kahit hindi nila payagan.

(Silva Series Book 1) Alexous Brent Silva - CompletedWhere stories live. Discover now