Epilogue

451 11 1
                                    

Did you know that this man (see picture) yeah! His Aqua Man fell inlove with his wife at the age of 8 y.o. and his wife is 12 years older than him. Sabi nia his a full pledge stalker.

Parang Brent and Dane lang ang peg ( Brent for falling inlove at a very young age and Dane for stalking) hehehe..

Wala lang ha! Ha! Ha! Anyways enjoys reading 😊

----------------------------------------------------

3 years after

It’s just 6:00 in the morning pero lahat sila ay sobrang busy, they are now in a hotel room kung saan gaganapin ang kanilang wedding preparation. Yes! It’s her wedding day today, kaya naman lahat ay abalang abala lalo na ang mga wedding professionals na kinuha nila upang asikasuhin ang importanteng event na ito sa kanilang buhay.
 
It’s a double wedding, napag pasyahan nilang gawing double wedding dahil mas masaya iyong para sa kanila. Her twin sister was her maid of honor si Fire naman ang made of honor ng kaibigan na kasabay nilang ikakasal. Tulad sa kwartong kinaroroonan niya ay busy din ang nasa kabilang kwarto, dahil nandon ang isa pang bride at inaayusan nadin tulad niya, mamayang hapon pa naman ang kasal pero kukunan pa sila ng video kaya naman ngayon palang ay inaayusan na sila.
 
The shoot went well and she is so happy, this was her dream when she was still young. To be married with the man she loved, to be married with Brent, at ngayon nga ay mangyayari na. She is wearing a very simple gown, wala siyang masyadong accessories sa katawan, she is unadorned for a bride, sinadya niya iyon. Tanging ang kwentas lang na regalo sa kanya ni Brent noong mga bata pa sila ang isinuot niya habang suot din nito ang binigay niyang leather bracelet dito.
 
Habang hinihintay ang hudyat ng wedding coordinator nila ay kinakabahan siya. Nakita niyang kinakabahan din ang kaibigan sa tabi niya kaya naman hinawakan niya ang kamay nito bago ngumiti dito na tinugon naman nito ng isa ring ngiti.
 
Hindi nag tagal ay sinenyasan na sila ng coordinator kaya naman sabay na silang nag lakad, hindi naman kalayuan ang kinaroroonan nilang dalawa sa mismong pag dadausan ng ceremony, pero hindi sila agad makikita dahil sa nakaharang na customized door.  It was a garden wedding, they want to be near the nature on their special day so it was a unanimous decision. Pinili nila ang mapunong lugar na ito sa Quezon Province because it gave them the vibes that is perfect for their dream wedding.  
 
Sandali silang huminto sa tapat ng customized door bago iyon unti unting binuksan, when she looked forward, her eyes meet with the most beautiful pair of eyes she had ever seen. The mesmerizing eyes of her handsome groom. Bumilis ang tibok ng puso niya ng makita itong nakatayo sa harap ng manmade altar waiting for her with a sweet smile on his lips.
 
Marahan siyang nag lakad palapit sa lalaking without breaking their eye contact, wala siyang ibang nakikita ng mga sandaling iyon kundi ang lalaking kanyang papakasalan.  She gave him her sweetest smile na tinugon naman nito ng isang kindat, lokoloko talaga.
 
Ng malapit na siya sa altar ay sinalubong siya ni Brent, ganun din ang ginawa ng groom ng kaibigan niyang kasabay niyang naglalakad. Inabot nito ang kanyang mga kamay at marahan iyong hinalikan habang nakatitig sa kanyang mga mata, pakiramdam niya ay malulunod siya sa pag mamahal na nakikita niya ngayon sa mga mata nito.
 
Matapos nitong halikan ang likod ng kayang palad ay dinala nito ang kanyang kamay sa braso nito bago siya inakay palapit sa latar, the ceremony was simple, halos hindi na niya namamalayan ang mga nangyayare haggang sa kailangan na nilang ibigay ang kanilang vow sa isat isat. Nginitian muna siya ng kanyang groom bago nito kinuha ang kamay niya at agad na isinuot ang singsing sa kanyang palasingsingan bago ito tumikhim at nag bigay ng vow nito. Ang loko loko hindi lang basta isinuot sa kanya ang singsing, talagang itinulak nito iyon hanggang sa pinaka dulo ng kanyang daliri na para bang may kukuha niyon o kaya ay mahuhulog.
 
“My Sweet” panimula nito “take this ring as the symbol of my love! Loyalty! and fidelity! I vow to love you in sickness and in health, in riches and in poorer. But I promise that you will only experience the riches part of line,” nag tawanan ang mga guest dahil sa sinabi nito. “I will work hard so I could give you and our future children all the best in life. I vow to make you happy for the rest of our lives, I can’t promise you a perfect life with me my sweet, but I will do everything to give you the life next to perfect. I love you so much my sweet, I also vow to protect you with my life, I vow to hold your hands always and never let it go no matter what will happen, so please don’t let go of mine as well. You are my world, you are like the air that I breath, I simple can’t live without you in my life. I love you!. Pano ba yan wala kana talagang kawala, sinigurado kong hindi malalaglag ang sising natin sa daliri mo, pina customize ko yan kaya finger print ko lang ang makakahubad diyan, kaya dapat mag ready kana dahil sisimulan agad natin ang pag buo sa basketball team natin.” Sabi pa nito na muling ikinatawa ng mga guest. Ng matapos na itong mag bigay ng vow nito ay hinalikan nito ang daliri niya kung saan nakasuot ang kanilang singsing.
 
When it’s her turn to give her vow ay huminga muna siya ng malalim bago sinumulang sabihin ang vow niya na ilang lingo din niyang pinag handaan.
 
“Brent, heart take this ring as the sign of my unending love! Loyalty! and fidelity! I vow to love, respect and honor you in everything that I do. I vow to put you always on top of my priority list. I vow to stay by your side in sickness and in health, in riches and in riches” narinig niyang ang mahinang tawa ng mga tao sa sinabi niya  “I will always support you in everything, I love you! and I will always love you for as long as I live, till death do us part.” Ng matapos niya ang vow ay isinuot nadin niya dito ang singsing, pinakatitigan niya iyon bago ito tinignan at nginitian. Agad naman siya nitong niyakap. Akmang i-aangat na nito ang suot niyang belo upang halikan siya ng sawayin ito ng officiating officer.
 
“Please be patient Mr. Brent Silva, mag bibigay din ng vow ang mga kasabay ninyo” sabi nito ng nakangiti, dahilan para muling magtawanan ang mga tao. Naka mike ang officiating officer nila kaya dinig na dinig ng lahat ang mga sinabi nito. Napakamot naman sa ulo ang asawa niya, ay hindi pa pala, hindi pa sila official na deni-declare na husband and wife. Ng matapos na sa kanilang vow ang mga kasabay nila ay ini announce  na ng officiating officer nila na sila ay ganap ng husband and wife. Hindi paman sinasabi ang “you may now kiss the bride” ay nakapasok na sa loob ng belo niya si Brent at ginawaran siya ng makapogtong hiningang halik. Ni hindi na inalis ang belo niya basta pumasok nalang din ito doon.
 
“Excited po talaga sila”  narinig niyang sabi ng nag kasal sa kanila at ang malakas na tawanan ng mga tao gayon din ang mga palakpakan. Pero wala na doon ang kaniyang pansin kundi sa lalaking tila wala pang plano na pakawalan siya kung hindi pa niya ito bahagyang tinulak.
 
Ng pakawalan nito ang labi niya ay lumabas na ito sa belo niya saka lamang nito iyon inayos sa bandang likod niya. Pagkatapos ay na busy na ulit sila sa pag kuha ng mga larawan. Hawak lang ni Brent ang kanyang mga kamay hanggang sa umabot sila sa reception, kanina pa siya kinukulit ng isang ito na tumakas na daw sila, kung hindi ba naman lokoloko talaga.
 
The wedding went well, walang pagsidlan ang kanyang kaligayahan. Yon naman talaga ang gusto niya ang matapos ng maayos ang simple nilang kasal. Now they are in the airport waiting for their flight, at tulad ng inaasahan napaka clingy ng kanyang asawa habang nag hihintay ng kanilang flight. They decided to go to Switzerland for their honeymoon, excited na siya to travel and discover the beauty of the country, they will stay there for one month para talagang ma enjoy nila ang ganda ng lugar at siempre pa ang isa’t isa.
 
 
ISANG MALAKAS NA SAMPAL ANG GUMISING SA KANYA MULA SA PAG KAKATULALA, his beautiful wife who is now in labor slap his face real hard, pakiramdam niya ay tumalsik na ang ulo niya sa lakas niyo.
 
“Alexous Brent Silva, I swear! pag hindi kapa gumalaw diyan sa kinatatayuan mo ipapasipa kita dito sa mga anak mo!” mahina ngunit mariing sabi ng asawa niya. Kaya tumingin siya sa asawa na halatang nahihirapan sa kalagayan nito ngayon.
 
“Anong gagawin ko?” tanong niya dito dahil talagang na memental block siya. Huminga naman ito ng malalim. Tila kinakalma ang sarili bago muling nag salita upang mag bigay ng instruction sa kaniya.
 
“Call my OB, tell her na manganganak na ako, then call the driver and tell him to ready the car, I will get the baby’s things in our room, pagkalabas ko alalayan mo akong bumaba ng hagdan, then we will go to the hospital. Pag nasa sasakyan na tawagan mo sila daddy pati nadin sila Elise, Do it now!” sabi nito sa kanya bago tumalikod upang bumalik sa kwarto. Mabilis naman niyang sinunod ang bawat instruction nito. Kakababa lang niya ng telepono ng makarinig siya ng sigaw galing sa kwarto, kaya natataranta man ay agad siyang napatakbo doon. Ganun nalang ang takot na naramdaman niya ng makita ang asawang tila hirap na hirap na, may nakita siyang tubig sa paahan nito, her water broke. Mabilis niya itong binuhat, hindi na niya pinansin ang bag na hawak nito ng mapasukan niya, nag mamadali siyang bumaba ng hagdan habang sinisigaw ang pangalan ng driver. Ng makalabas siya ng bahay ay nandoon na ang sasakyan, agad niyang ipinasok ang asawa doon at sinabihan ang driver na mag patakbo ng mabilis.
 
Habang nasa sasakyan ay hindi siya mapalagay, tahimik lang ang asawa niya pero hindi maipag kakaila ang sakit na nararamdaman nito sa bawat pag higpit ng hawak nito sa tuwing mag co-contract ang tiyan nito..
 
“Sweet, malapit na tayo, hold on hhmm, malapit na.” sabi niya dito bago hinarap ang driver  “Manong wala nabang ibibilis?” tanong niya dito “mabilis na po tayo masyado Sir baka mabangga na tayo pag mas binilisan ko pa” sagot naman nito sa kanya.
 
Nang sa wakas ay makarating na sila sa hospital ay mabilis ulit niyang binuhat ang asawa, naka abang na ang doctor nito sa may bungad ng ER pati ang stretcher na gagamitin sa pag dala sa asawa niya sa delivery room. Ng maisakay doon ang kanyang asawa ay mabilis na itong inasikaso ng doctor at ng mga nurse, hindi na siya pinasama sa loob kahit nag pumilit siya na sumama.
 
Naupo muna siya sa waitng area. Pakiramdam niya ay nanghihina ang tuhod niya. Hindi pa siya nag tatagal sa kinauupuan ng marinig niya ang pag dating ng mga tinawagan niya kanina.
 
“how is she?” tanong ng papa niya.
 
“I don’t know pa, nasa loob pa sila” sagot naman niya, hindi talaga siya mapalagay. Naramdaman niya ang pag upo ni Elise sa tabi niya, tinapik nito ang balikat niya bilang pag papakalas ng loob “Kayang kaya ng kakambal ko yon, pinag daanan ko nadin sa kambal namin ng asawa ko yan kaya alam kong kaya ni Monique yon, so relax ka lang. Nasan na pala ang gamit ng mga bata? Tanong nito.
 
Napahawak siya sa batok ng maalala na iniwan nga pala niya iyon kanina ng makita niyang pumutok na ang panubigan ng asawa. As if on cue, biglang sumulpot ang kasambahay nila at inabot sa kanya ang bag na nag lalaman ng gamit ng kambal nila.
 
“Naiwan ninyo po kanina kaya ipinasunod agad ni manang” magalang nitong sabi. Nginitian naman niya ang kasambahay nila bago nag pasalamat dito. Sabay sabay silang napalingon sa hall way ng makita nilang may isa pang manganganak na kasalukuyan ding itinatakbo papasok sa isa pang delivery room, he was surprise to see his twin bother  busy pushing the stretcher of his wife to the delivery room, tulad niya kanina ay hindi din ito pinapasok sa loob, napahilamos naman ito sa mukha.
 
“Bal” tawag niya dito, napalingon naman sa kanya ang lalaki, natawa siya ng makita ang gulat nitong expression ng mag tama ang kanilang mga mata, “it seems na magiging parehas din ang birthday ng mga anak natin” sabi niya dito dahilan para matawa nadin ang kapatid niya, kambal din ang dinadala ng asawa nito, nakakatuwa na sabay na isisilang ang kanilang mga kambal.
 
“Don’t tell me parehas nasa delivery room ang mga asawa ninyo” sabay silang napalingon ng kambal sa kapatid na bagong dating, sabay din silang napatango bilang tugon sa tanong ito.
 
“Grabe sabay na nga kayong pinanganak dahil kambal kayo tapos pati mga anak ninyo mga kambal din tapos sabay pa talaga ng birthday! Mukhang mamumulubi ako tuwing ganitong buwan taon taon dahil 4 na pamangkin ko ang kailangan kong regaluhan” sabi nito na hindi nila malaman kung masaya ba ito para sa kanila o nag rereklamo ito dahil sa sabay sabay na kailangan nitong regaluhan.
 
Hinayaan nalang nila ito. Naupo ulit siya sa upuan dahil kinakabahan parin talaga siya para sa asawa. Ganito pala ang pakiramdam, ilang oras pa ang lumipas ng sabay na bumukas ang pinto ng dalawang delivery room, agad siyang lumapit sa doctor na nag paanak sa asawa niya ganun din ang ginawa ng kakambal niya.
 
“Congratulations Mr. Silva, you are now officially a father of two healthy baby boy” nakangiting pag babalita ng OB sa kaniya. Nagkatinginan sila ng kambal at sabay na napangiti. Nag appear pa silang dalawa. Apat na batang lalaki na ngayon ang nadagdag sa kanilang pamilya, and he is so happy, wala na siyang mahihiling pa, he now has everything that he ever wanted.  

(Silva Series Book 1) Alexous Brent Silva - CompletedWhere stories live. Discover now