chapter 28

226 10 0
                                    

Unedited
----------------------------------------------------
 


Tinawanan lang siya ng binata… lalong umiinit ang ulo niya dito..
 
“Ikaw, anong ginagawa mo dito? Naka disguise kapa.. takot kang mahuli ng kalaguyo mo?” nanlaki ang mata niya dahil sa sinabi nito at agad na napaligon sa paligid.. buti nalang walang ibang tao doon maliban sa kanilang dalawa.. may pailan-ilan pero malayo naman kaya walang nakarinig dito.. tinignan niya ang binata bago huminga ng malalim, lasing ito, she needs to calm herself.
 
“Halika na iuuwi na kita”.. sabi niya sa binata bago ito hinawakan sa braso pero pinalis nito ang mga kamay niya..
 
“I don’t want to go home, at bakit kaba nakikialam.. why don’t you go back to your fucking old mam, why? can’t he satisfy you in bed.. hindi ba siya masarap humalik huh… “ galit na galit nitong sigaw sa kanya.. medyo napapalingon na sa kanila ang ibang dumadaan.. pinigilan niya ang sariling umiyak lasing lang siya Monique paalala niya sa sarili..
 
“lets go home” muli niya itong hinawakan pero tulad kanina pinalis nito ang kamay niya..
 
“don’t touch me… malakas nitong sabi… umalis kana at wag mo na akong pakikialaman.. total hindi naman kita girlfriend hindi ba? Girlfriend ka ng matanda mong kalaguyo kaya yong matandang yon ang intindihin mo.. “ mahina ngunit madiin ang bawat pag bigkas nito ng mga salita..
 
“ayaw mo sakin diba, I asked you Monique.. I asked you to break up with him pero ayaw mo kasi sabi mo kailangan mo siya.  Pinilit kong intindihin dahil mahal kita.. taina Monique mahal kita eh” tumulo na ang luha sa mga mata nito dahilan para madurog ang puso niya para sa lalaking ito..” pero kanina.. I was hoping to spend the whole day with you, I planned everything.. I want to date you just like before pero what did you do, you left me for that old man.. tapos ngayon pupunta ka dito sasampalin mo yong mga kasama ko hihilahin mo ako pabalas at tatanungin kung anong ginagawa ko…. Eh ikaw anong ginagawa mo? Lalaki ako Monique.. masakit sakin na may iba ang taong mahal na mahal ko pero wala akong magagawa yan ang gusto mo kaya sige mag pakasaya ka sa lalaki mo.. mag sama kayo.. hindi lang ikaw ang nag iisang babae sa mundo, I can replace you anytime if I want too.. taina ang daming babaeng nag hahabol sakin pero ipinipilit ko ang sarili ko sayo…” bahagya itong tumigil at pinahid ang luha.. “ umalis kana.. sabi nito sa kanya..  bumalik kana sa lalaki mo.. hindi na kita gagambalain tulad ng gusto mo”  yon lang at iniwan na siya nito..
 
Hindi niya napigilan ang pag patak ng luha sa kanyang mga mata… ang sakit ng mga salitang binitawan nito pero wala siyang ginawa para pigilin ang lalaki… ito ang tama.. tama lang na lumayo na ito sa kanya kahit parang binibiyak ang puso niya sa sakit.. at least ngayon solve na ang problema niya hindi na siya nito kukulitin makakapag focus na siya sa mission niya… dapat maging masaya siya dahil nangyare na ang original plan nila ng daddy niya.. pero bakit ganun.. pakiramdam niya mamamatay na siya sa sakit.. literal na masakit ang puso niya para siyang nahihirapan huminga kaya hinayaan lang niyang dumaloy ang luha sa kanyang mga mata.. baka sakaling sa pamamagitan nun ay mabawasan ang sakit.. pero ilang oras nadin siyang nakatayo doon hindi padin nababawasan ang sakit.. pinag titinginan na siya ng mga dumadaan may pailan ilang na lumapit na sa kanya upang tanungin kung okay lang siya pero wala siyang pinansin kahit isa… hangang sa wakas at nahanap niya ang lakas sa kanyang mga paa.. tuloy tuloy siyang nag lakad papaunta sa kanya sasakyan at nag drive papunta sa kanyang condo at doon muling umiyak ng umiyak hanggang sa makatulog siya..
 
SHE WAS SITTING IN HER CONDO’S SALA WATCHING TV alone.. si lei ang laman ng balita, pinapanood niya kung papaanong mabunyag sa publiko ang mga bahong itinatago nito ng matagal na panahon.. nag tagumpay din silang ibunyag ang taong iyon.. at ngayon nga ay pinag hahanap na ito ng batas.. natunugan ng matanda ang plano nila kaya nakapag tago kaagad ito bago pa man mahuli.. pero ayos lang yon sa kanya.. ang mahalaga tapos na din ang mission niya.. dapat masaya na siya pero kabaliktaran ang nararamdaman niya.. ngayong tapos na ang mission niya.. ano ng gagawin niya.. galit sa kanya ang taong gusto niyang balikan pag katapos ng lahat ng ito.. di bali kakausapin nalang niya ito sa ibang araw.
 
Sumandal siya sa sandalan ng sofa bago muling itinuon ang pansin sa balita.. hanggat hindi pa nahuhuli ang matanda ay hindi pa sila makakampante dahil maari pa sila nitong balikan.. maayos naman niyang nagawa ang mission niya.. hindi naman nag duda si lei sa kanya hanggang sa huli kaya Malaya na siya ngayon.. isa nalang ang hinihintay nila ang mahuli ito para tuluyan ng mawala ang bigat sa kanyang kalooban.
 
Lei was one of the biggest criminal na matagal ng minamanmanan ng batas.. lahos 15 years nadin pala itong minamanmanan ng mga autoridad pero talagang madulas ang matanda at malinis mag trabaho.. nakakita lang sila ng butas dito simula ng mahumaling ito sa kanya na hindi naman siya nahirapang gawin.. dahil sa simula palang ay tila nabighani na ito sa kanya… iba iba nag negosyo ng matanda, ang construction business ng asawa nito ang ginagamit nitong panakit butas para hindi ma question ng pamahalaan ang sangkaterba nitong kayamanan.. pero maliban doon ay kabikabila ang iligal nito negosyo, he is a drug lord..
 
Itong nakaraan nga ay nakipag deal ito kay brent  dahil nasa logistics and supply chain ang linya ng negosyo ng binata ay naging perfect itong kasangkapan upang mabilis na maitransfort ang mga bawal na gamot na negosyo ni lei sa pamamagitan ng negosyo ni brent ng hindi natutunugan ng autoridad..
Malaki nadin ang pangalang ginawa ng kompanya ni brent at tuwid ang bawat business venture nito kaya hindi agad agad pag hihinalaan.. iyon ang nakita ni lei kaya nakipag partner ang matanda sa binata.. itinatago nila lei ang mga bawal na gamut sa ibat ibang contraction materials na dinadala naman ni brent sa ibat ibang lugar… buti nalang nailabas na nila ang katotohanan kaya kampante na siya ngayon na ligtas na ang binata maging ang negosyo nito na ilang taon din nitong pinaghirapang mabuo..
 
Nagawa din nilang iligtas ang asawa ng matanda na gulat na gulat sa lahat ng nalaman tungkol sa asawa nito.. wala itong kamalay malay na ginagamit lamang ito ng asawa upang pag takpan ang mga iligal nitong negosyo kaya naman ganun na lang ang pag iyak ng babae.. hindi man ito na sangkot sa gulo ay medyo napektohan naman ang pangalan ng negosyo nito kaya ngayon ay nahihirapan itong muling ibangon ang pangan ng kompanya na dinungisan ng asawa nito.. at upang patunayan na wala itong kinalaman ay nakipag tulungan ito sa autordad upang madakip ang matanda.. galit na galit ito sa asawa lalo na sa mga lumabas na balita tungkol sa pang gagahasa nito sa mga babaeng natitipuhan nito.
 
That old man is a psycho.. wala itong respeto sa mga babaeng katulad niya.. kaya maituturing na swerte siya dahil bukod tanging siya lamang ang nerespeto ng matanda.. marami ang lumabas na mga kababaihan na ginahasa di umano ng matanda.. awang awa siya sa mga babaeng iyon, she’s still a woman.. she may not suffer the same fate sa kamay ng matandang iyon but she's still a woman kaya matinding awa ang nararamdaman niya para sa mga biktima.. ang ilan sa mga ito ay nagpakamatay dahil sa paulit ulit na pambababoy ng matanda.. ang ilan ay Nawala sa sarili sahil sa trauma.. ang ilan ay nahihirapang mag move on sa buhay.. may ilang matatapang yon ang mga babaeng tumulong din sa kanila habang nag iimbistiga sila pero mas marami ang nanahimik at nag tago na lamang.. dahil nadin sa pananakot ng matanda.. . Ngayon nga ay patong patong na ang kaso ng matanda . dapat talaga mabulok na ito sa kulungan para matapos na..
 
Naging mabait sa kanya ang matanda maliban sa ilang pagkakatan na nagiging aggressive ito pero isang beses lang siya nitong nasaktan.. ganun pa man ay wala siyang maramdamang awa para sa dito.. pagkatapos ng ginawa nito sa pamilya niya dapat lang dito kung parurusahan ito ng batas.. mas maganda nga sana kung papatayin nalang ito pero hindi naman siya masama kaya hahayaan niyang ang batas ang mag parusa dito, sapat na yon para sa kanya upang pag bayaran nito ang mga kasalanan sa pamilya niya.. mataps ang pinapanood na balita ay nag pasya siyang lumabas… tinatamad siyang mag luto kaya kakain nalang siya sa labas..
 
Naligo siya at nag bihis ng casual na damit.. wala naman siyang planong mag tagal sa labas.. nag libot libot siya sa mall nag hanap ng makakainan.. pumuli siya ng hindi ganun kadami ang tao dahil gusto niya ng katahimikan..  pagkatapos niyang kumain ay tinamad naman siyang umuwi ng bahay.. dahil wala naman siyang gagawin ay nag pasya nalang siya na mag libot pa.. pumasok siya sa ibat ibang boutique buti nalang kahit wala siyang planong mag gala kanina  naisipan niyang mag dala ng wallet kaya namili nalang siya.. dumeretso nadin siya sa grocery upang mamili ng stocks.. ng makaramdam siya ng kakaiba.. parang may nag mamasid sa kanya.. kaya pasimple siyang nag palingalinga at inalam kung may nagmamasid ba sa kanya…
“Ate Monique?” Narinig niyang pag tawag sa kanya.. ng lingunin niya ito ay nakita niya si fire..
 
“Sabi na nga ba ikaw iyan eh. Kanina pa kita sinusundan ng tingin  dahil hindi ako sure kung ikaw nga yan..  kumusta kana ate?” tanong nito sa kanya.. ito ba ang naramdaman niyang nakatingin sa kanya kanina pa? ito nga siguro galing nadin naman dito na kanina pa siya tinitignan.. kaya naman nginitian niya ito..
 
“fire ikaw pala, okay naman ako.. bakit ikaw ang namimili?”
 
“hay naku.. utos ng feeling boss na si puma… mamaya na kasi ang alis namain papunta doon sa bakasyon na napanalunan niya.. kaya ito wala akong choice.. bwisit na yon libre na nga siya ng bakasyon tapos ginawa pa akong taga grocery napaka gentle man niya diba ate?” natawa siya dahil namumuti ang mata nito sa asar habang nag kukwento..
 
“o siya ate.. gusto sana kitang kakwentohan kaso kailangan ko pang mag prepare ng mga gamit ko… nakalimutan ko kasing ngayon na nga pala ang alis namin kaya hindi pa ako nakakapag ligpit.. babay ate ingat ka huh..” ikikiss ko si kuya brent para sayo” dagdag pa nito…
 
Bahagya naman siyang nalungkot.. hindi siguro nito alam na ilang bwan nadin silang hindi nag kikita ni brent kaya ganun itong mag salita… ng maalala ang babae ay napangiti nalang siya.. marami ng nagbago dito.. isa lang ata ang hindi.. ang kadaldalan nito..
 
Pumula na siya sa counter para bayaran ang mga pinamili niya ng muli nanaman niyang maramdamn na parang may nag mamatyag sa kanya… kinabahan sya.. bilang agent alam niyang hindi dapat binabaliwala ang mga ganung pakiramdam.. tahimik siyang nag manman sa paligid upang alamin lkung may sumusunod nga sa kanya.. sa di kalayuan ay nakita niya ang lalaking nakaitim na jaket at naka cup.. nag salubong ang mga mata nila.. hmp hindi masyadong magaling sabi niya sa sarili.. ganun pa man hindi siya dapat pakampante baka may kasama ito.. ng siya na ang mag babayad ay mabilis ang naging kilos niya.. dapat matakasan niya ang lalaking sumusunod sa kanya.
 
Medyo nakahinga siya ng maluwag ng makarating sa parking area ng walang ng sumusunod sa kanya.. inilagay niya ang mga gamit sa sasakyan ng makita nag matandang babae na pasakay sa kotse nito.. may kasama itong nurse pero natumba ang matanda at natumba din ang nurse kaya tinakbo niya ang dalawa para tulungan ang mga ito.. nagpasalamat sa kanya ang matanda matapos niyang tulungan ang dalawa.. tatalikod na sana siya ng makaramdam siya ng matigas na bagay na tumama sa kanyang ulo then everything went black.

(Silva Series Book 1) Alexous Brent Silva - CompletedWhere stories live. Discover now