Chapter 27

239 8 0
                                    

Unedited
----------------------------------------------------
 


Inayos niya ang sarili bago nag punta sa meeting place nila ni lei.. tulad ng dati nag disguise siya para walang makakilala sa kanya… her daddy knew about her date with lei… palagi niyang sinasabi dito sa tuwing lalabas sila ng matanda para kung mag kagipitan man, may rescue siyang maaasahan.. the only good thing about this mission is that she’s not working alone.. marami silang gumagalaw para sa misyong ito.. sa tuwing lalabas sila ng matanda ay alam niyang maraming agents ang nakasunod sa kanila  para bantayan siya.. she is not an official agent but she have all the skill needed to be one.. she is a special case.. Tinanggap ng ahensiya ang inaalok nilang tulong ng daddy niya para mahuli ang matanda dahil matagal na pala  itong sinusundan ng ahensyang kinabibilangan niya ngayon pero hindi sila makapalit dahil matinik ang matanda..
 
She don’t know how her daddy does it pero nagawa siya nitong ipasok sa buhay ni lei.. ang mission niya ang mapalapit dito upang malaman ng ahensiya ang mga galaw nito sa loob… kaya nakipag relasyon siya sa matanda.. alam din ng ahensiya kung ano ang mutibo nila ng daddy niya sa pag alok ng tulong.. her father must have offered the agency something that they can’t refuse kaya kahit bawal nakapasok siya… she didn’t bother asking the details basta inaral nalang niya ang mission niya at ginalingan… hanggang opisina lang ang mission niya at sa lahat ng lugar na madalas nitong tambayan.. its simple mag tanim ng mga hidden cameras para makakuha ng ebedensiya.. pero nahirapan sila kaya kamakailan lang niya natapos ang mission.. kaso naantala ang pag pullout sa kanya dahil sa pakikipag partner nito sa bagong biktima si brent nga.. dahil mas wais na manatili siya sa tabi nito kesa kumuha ng bagong tao na mag pipilit makalapit dito para makakuha ng mga impormasyon tungkol sa mga plano ng matanda ay nanatili siya sa tabi nito. Kaya nandito padin siya.
 
Nag mamadali siyang sumakay sa sasakyan ng matanda ng makita niya ito.. agad niya itong hinalikan sa pisnge at nginitian ng matamis.. matamis na ngiti din ang ibinigay nito sa kanya.. dinala siya ng lalaki sa Tagaytay… talaga naman lumayo pa sila… the old man seems ready for the date.. pag dating nila sa Tagaytay ay may reservation na pala ito para sa tanghalian nilang dalawa sa isang tagong restaurant.. VIP area ang pinili nito para close door dahil hindi pwedeng may makakita sa kanila… the old man hug her from behind na hinayaan lang niya.. bahagya nitong inaamoy amoy ang kanyang buhok…
 
“masama ba ang loob mo dahil kailangan mong I cancel ang meetup nio ng friend mo para dito” tanong nito.
 
“uhm hindi naman, pero medyo nalungkot lang ako kasi matagal ko na siyang di nakakasama, pero okay lang.. madalang lang naman tayong lumabas ng ganito “
 
Hinawakan nito ang kamay niya at hinalikan ang likod ng kanyang palad.. “ng malaman kong may lakad ang asawa ko ay agad kitang tinawagan dahil gusto kong bumawi sayo… ayaw ko ng magtampo ka nanaman sakin dahil wala na akong panahon sayo” sabi nito..
 
Inihilig niya ang likod sa dibdib nito… “it’s okay, I understand our situation.. tsaka ako naman ang humiling na wag tayong mag pahalata.. I was just emotional this past days kaya siguro hindi ko napigil ang sarili kong mag isip ng kung ano ano..” sagot niya dito..
“uhm dear” marahan niyang ipinalig ang ulo paharap dito upang makita ang mukha nito..
 
“yes” sagot naman sa kanya ng matanda.
 
“totoo bang, ako lang ang minahal mo? I mean.. wala ka bang minahal na ibang babae nung kabataan mo” tanong niya out of nowhere..
 
“you want an honest answer?” balik tanong nito..
 
“yes”
 
“hindi ka mag seselos?” tila paniniguro nito
 
“may dapat ba akong ipagselos” balik taong naman niya na ikinatawa niyo..
 
“wala kang dapat ika selos” sabi nito bago siya hinalikan sa nuo
 
“yes, may minahal akong babae noong kabataan ko pa.. sa katunayan ay mahal na mahal ko siya… kaya nga hindi ko akalain na magagawa ko pang mag maal ulit pagkatapos niya” sabi nito.. nakikita niya ang katotohanan sa mga mata nito habang sinasabi iyon.. that got her full attention..
 
“what happened? Bakit iba ang naging asawa mo?”
 
“I was poor then, you see my dear, I’am a self-made man.. pinaghirapan ko lahat ng meron ako ngayon.. we were happy before.. pero nabusy ako sa trabaho at sa negosyo kaya nawalan ako ng panahon sa kanya na ikinagalit niya ng husto…  I was eager back then na makaahon sa hirap at lahat gagawin ko para lang makaangat.. bagay na hindi niya nagustuhan.. kaya nakipag hiwalay siya sakin.. hindi ako pumayag but she is determined to leave me.. then after some time, I found out that she married a reach man” Napaka seryoso ng mukha nito habang nag kukwento..
 
Where you mad that time? What did you do?
 
“I was so mad.. hindi ko matanggap na may iba na siya samantalang ako ay siya padin ang itinitibok ng puso… so I did what I should do..” sabi nito bago bumuntong hininga… “wala akong pinag sisisihan sa ginawa ko” sabi nito na may talim ang mga mata.. hindi na niya kailangan pang hulaan kung ano ang ginawa nito sa dating kasintahan.. baka isa ang babae sa mga biktima ng lalaking ito.. “pero matagal ng panahon iyon.. nakalimutan ko na ang lahat ng sakit.. at masaya na ako ngayon dahil dumating ka.. ikaw ang muling bumuhay sa aking puso na buong akala ko ay hindi na mag mamahal ulit” madamdamin nitong sabi..
 
Nginitian niya ng matamis ang matandan bago ito niyakap ng mahigpit na tinugon naman nito.. matapos ang kanilang tanghalian ay namasyal silang dalawa.. parehas silang naka disguise para makasiguro na walang makakakilala sa kanila.. hapon nadin ng umuwi sila.. ayaw pa sana nito kaso tinawagan ito ng tao sa kanilang bahay upang sabihing na cancel ang appoint ng asawa nito ngayong gabi.. ibigsabihin he should be home before his wife… kaya wala nadin itong choice kundi ang iuwi siya.. ibinaba siya nito sa kung saan sila nag kita kanina.. pagod na siya pero kanina pa binabagabag ang isip niya ng lalaking alam niyang galit sa kanya ngayon..
 
Nag mamadali siyang umuwi ng kanya unit at naligo.. nag babad din muna siya sa bath tub bago muling nag bihis ng panibagong disguise.. pupuntahan niya si brent at hindi iyon  pwedeng malaman ni lei.
 
Dumeretso siya sa condo nito pero wala doon ang lalaki.. tinawagan niya ito pero hindi nito sinasagot ang mga tawag niya.. minabuti niyang tawagan si dane, buti nalang nakuha niya ang number ng mga ito noong nag staycation sila.. agad naman sumagot si dane..
 
“hello Monique?”
 
“dane, itatanong ko lang sana kung alam mo kung nasaan si brent.. hindi kasi sinasagot tawag ko eh..” tuloy tuloy niyang sabi sa lalaki
 
“nag away ba kayong dalawa?”
 
“uhhmm, can you just tell me where he is?”
 
“Monique, we both know how much my brother loves you, I did not question you ng bumalik ka matapos kang mawala ng ilang taon because I can see my brother smiling genuinely again.. but seeing him being wasted again because of you is a different thing.. kung ang plano mo lang ay paasahin ulit ang kapatid ko at saktan sa dulo makakaalis kana ulit sa buhay niya.. because I swear pag sinaktan mo nanaman ang kakambal ko there will be hell to pay Monique” mahaba nitong sabi sa kanya.. naiintindihan naman niya kung saan ito nang gagaling pero wala itong alam sa sitwasyon niya kaya wala rin itong karapatang takutin siya..
 
“wala kanga alam sa mga pinagdaanan at pinagdaraanan ko dane, kaya wala kang karapatang questionin kung ano ang intension ko sa kapatid mo.. wag mo din akong tinatakot dahil wala na akong kinatatakutan ngayon.. bring it on I don’t care, take me to hell for all I care, I’ve been there so no big deal’” bahagya siyang tumigil “that is if you can, I’m not the same woman you used to know.. now tell me where the fuck is your brother because we need to talk” ma autoridad niyang sabi.. tila naman nagulat ang kausap sa mga binitawan niyang salita.. pero binigay din naman ang address kung nasaan daw ang kambal nito ngayon.
 
SA KABILANG LINYA NAMAN ay naiiling na pinatay ni dane ang tawag… tama nga ang kambal niya… Malaki na ang ipinag bago ni Monique.. hindi lang pangalan nito ang nag bago kundi maging ang pagkatao nito.. she is fierce now, napakalayo sa malambing at sweet nitong character noong mag bata-bata pa sila.. she’d been in hell naalala niya ang sinabi nito.. mabigat siguro talaga ang pinag daanan ng babae para mag bago ito ng ganun. Nailing nalang na ibinalik niya ang telepono sa lamesa at ipinag patuloy ang ginagawa.
 
MABILIS NA NAKARATING SI MONIQUES SA BAR NA SINASABI NI dane…  pumasok siya doon at nagpalinga linga.. kung dati siguro siya pumasok dito ay mahihilo siya sa mga ilaw dahil hindi siya sanay sa ganitong environment.. pero ngayon sanay na siya.. kasama ito sa mga pwersahan niyang inaral.. ahhh napaka dami na talagang nag bago sa buhay niya but she don’t have time to reminisce now.. iisa lang ang pakay niya sa lugar na ito, at hindi parin niya nakikita ang lalaki.. ilang minute nadin siyang nag palakad lakad sa loob ng bar, ilang tao na ang nakabangaan niya pero hindi niya ito mahagilap hanggang sa dumako ang kanyang mata sa dance floor, doon Nakita niya itong nakikipag sayawan sa ilang babae.. hindi lang isa.. dalawa ang kasayaw nito at mukhang enjoy na enjoy ang damuho sa pakikipag sayaw sa mga malalanding iyon.. panay pa ang haplos sa magandang katawan ng brent niya.. nag pupuyos na nag lakad siya palapit sa tatlo ng malapit na siya ay bigla naman umalis ang mga ito sa dance floor na lalo niyang ikinainis…  Nakita niyang umupo ang mga ito sa isang table, agad naman siyang sumunod sa mga ito bago pinag sasampal ang dalawang babaeng kausap nito.. gulat na gulat ang dalawa kaya sinadya  niya ang pag kakataon at hinila ang lalaki palabas ng lugar na iyon.. ng makalabas na sila ay binitawan niya ito bago tinignan ng masama… What do you think your doing?
 
NAG PUPUYOS SIYA SA GALIT ng makalabas ng unit ng dalaga, akala niya masosolo niya ito ngayong araw, he did his investigation at nalaman niyang hindi nito madalas kasama ang kalaguyo at madalas na wala itong ginagawa pag week end.. kaya kagabi palang ng punthan niya ito sa condo ay nakapag plano na siya ng mga gagawin nila ngayon araw.. nag pa book pa siya sa isang mamahaling restaurant para sana sa lunch nila at sa dinner naman ay plano niyang iuwi ito sa condo niya at doon ito ipagluto ng paburito nitong sinigang… pero isang tawag lang ng matanda at naitsapwera na siya.. talagang ang matandang yon ang pinili nitong samahan kaya naman galit na galit siyang lumabas ng unit nito.. hindi kayang pawiin ng sorry nito ang sakit nanararamdaman niya ngayon.. ang hirap.. ang sakit sakit na may kahati ka sa taong mahal mo samantalang ikaw buong buo mong ibinibigay ang sarili mo sa kanya.. tinawagan niya ang kambal upang sabihin lang dito na mag iinom siya ngayong gabi para hindi na ito magulat pag tinawagan ito ng mga waiter sa bar na iyon pag wala na siyang malay.. he plan to drink till he drop.. ganun din ang ginawa niya kay puma baka ito ang tawagan at hindi ang kambal nita.. ang pangalan ng dalawang iyon ang nasa taas ng contact niya kaya ang mga ito ang madalas matawagan pag may emergency siya..

He was enjoying his night in the bar.. may mga babaeng bigla nalang sumama sa kanya pagkatapos nilang mag sayaw.. hindi niya kilala ang mga ito.. basta bigla nalang siyang nilapitan kanina sa dance floor at nakipag sayaw sa kanya.. wild kind of women.. they were talking happily ng may bigla nalang huminto sa harap nilang tatlo at sinampal ang mga kasama niya bago siya mabilis na hinila.. dahil sa pagkabigla ay wala siyang nagawa ng hilahin siya nito.. familiar sa kanya ang bulto ng katawan nito.. shit sino ba tong babaeng to.. kahit lasing na siya ay kaya pa naman niya ang sarili  niya pero hinayaan lang niya itong dalhin siya sa labas.. ng makalabas na sila ay binitawan siya nito bago matatalim ang matang tumingin sa kanya.. what do you think your doing? Tanong nito.. nag marinig ang boses nito ay tila nawala lahat ng kalasingan niya.. pinasadahan niya ito ng tingin mula ulo hanngang paa kaya pala hindi niya agad ito nakilala dahil naka disguise ang babae. So Monique is here.. what is she doing here anyway..

(Silva Series Book 1) Alexous Brent Silva - CompletedWhere stories live. Discover now