Chapter 23

258 10 0
                                    

Unedited... walang update kahapon wala po kasing signal
----------------------------------------------------


Present……

“GAANO BA KAHIRAP NA BUMALIK SAKIN MONIQUE, tanong nito sa kanya. mahal kita at alam kong mahala mo padin ako… “hindi mo ibibigay ang sarili mo sakin kung hindi mo ako mahal.. madali lang naman umoo ka lang”
 
“Nahihirapan kang makipag hiwalay sa kabit mong matanda, madali lang din gawan ng paraan yon kung gusto mo ako pa mag sasabi sa kanya.. kung kinakailangan kong putulin ang partnership ko sa kanya gagawin ko Monique bumalik ka lang sakin please” nadudurog ang puso niya habang sinasabi nito ang mga salitang iyon…
 
Nandito padin silang dalawa sa pool area habang ang mga kasama nila ay pumasok na sa loob ng unit. Hinawakan niya ang kamay ng binata bago yon dinala sa mga labi niya at buong suyong hinalikan.. hindi niya iyon binitawan sa halip ay ipinatong niya iyon sa kanya maga binte at marahang ninaplos..
 
“Brent” panimula niya bago niya ito pinakatitigan sa mata..
 
“masaya akong malaman na hindi kana galit sakin… masaya akong nakakasama kita ngayon nahahawakan at nakakausap ------ pero” bahagya siyang tumigil sa pag sasalita upang kumuha ng lakas ng loob na sabihin sa kaharap ang mga dapat niyang sabihin..
 
“iba na ang sitwasyon natin ngayon” noon mga bata pa tayo, walang ibang responsibilidad kundi ang mag aral.. walang ibang iniisip kundi ang mag saya.. malayang gawin lahat ng gustohin na walang ibang kailangang isa-alang-alang, walang mga dapat ingatan at protektahan…  ngayon matatanda na tayo… sampong taon na ang lumipas, sa sampong taon na yon alam kong maraming nangyare sayo at ganun din naman sakin.. marami ng nagbago at isa doon ang mga priorities natin sa buhay… 
 
“Aaminin ko, hindi ko talaga mahal si lei” lalo niyang hinigpitan ang hawak dito ng ipagtapat niya ang bahaging iyon ng katotohanan.. sobrang hirap na kasi talagang mag sinungaling sa taong pinaka mamahal niya pero wala siyang pag pipilian hindi nito dapat malaman ang buong katutuhanan..ito lang para matahimik nadin ang puso niya.. sabi niya sa sarili bago nag patuloy sap ag saslita. “Hindi ko siya totoong mahal…  pero kailangan ko siya….  bakit sa palagay mo ako nag titiis na makipag relasyon sa kanya kahit hindi ko siya mahal at kahit may asawa na siya hhmmm..? yon ay dahil kailangan ko siya brent”
“hindi ko siya pwedeng iwan sa ngayon kahit pa bumalik kana sa buhay ko..” “kaya brent patawarin mo ako pero hindi ko siya pwedeng iwan.. hindi ako pwedeng bumalik sayo tulad ng gusto mo.… hindi niya namalayang kanina pa pala tumutulo ang kanyang luha kung hindi pa iyon marahan pinahid ng binata bago siya mahigpit na niyakap..
 
“hindi ko maintindihan and dahilan mo.... pero hindi ko gustong nakikita kang umiyak Monique so please don’t cry.. hindi kita gustong paiyakin.. ang gusto ko ay pasiyahin ka.. ang mga ngiti mo ang gusto kong makita hindi yang mga luhang yan…” matapos nitong sabihin yon ay naramdaman niya ang pag buga nito ng malalim na buntong hininga…
 
“hindi ko alam kung ano ang pwede mong kailanganin sa kanya na hindi ko kayang ibigay sayo..  pero nakikita kong nahihirapan ka sa sitwasyon natin ngayon.. Muli itong nag buga ng hanggin bago bahagyang inilayo ang katawan sa kanya at tinitigan siya sa mukha…
 
“kaya pag iisipan ko ang mga sinabi mo kanina. Pero hindi ibig sabihin ay susuko na ako sayo, hindi ko gagawin yon, hindi ko kaya.. papayag lang akong itago kay lei ang nakaraan natin dahil hindi naman na yon mahalaga sa ngayon... basta maipapangako mong hindi kana mawawala ulit at hindi mo ako iiwasan… Ang tagal ko ng nag hintay. Ang tagal ko ng nag tiis na wala ka.. ngayong nandito kana pasensiya na pero hindi ko kayang pakawalan ka ng ganun ganun nalang kahit ano pa man ang dahilan mo…
 
Tuluyan niyang inilayo ang katawan sa binata “pero brent, kung hindi natin iiwasan ang isa’t isa baka malaman ni lei ang naging ugnayan nating dala-----” hindi na niya natapos ang gustong sabihin ng bigla siya nitong halikan sa labi bago siya muling pinaka titigan sa mata..
 
“wala akong pakialam sa matandang yon…” bumuntong hininga nanaman ito… tila pinipilit ang sarili sa isang bagay na ayaw nito.
 
“pero mag iingat ako.. mag iingat tayo basta wag mo lang akong iiwasan at wag kang lalayo.. pag ginawa mo yon hindi ako mananahimik monique.. ipinapangako kong hahanapin kita kahit saan ka magpunta kahit mabuking pa ng matandang yon ang nakaraan natin wala akong pakialam. Kaya kung gusto mong namatiling lihim ang sekreto mong hindi naman dapat sinisekreto alam mo ang dapat mong gawin… okay?” tila paniniguro nito.
 
Tumango na lamang siya.. sa ngayon wala siyang ibang pag pipilian.. ang mahalaga ay wala itong sasabihin kay lei, at hindi din nito ipapaalam ang nagyayare ngayon… ligtas padin ang sekreto niya at maipagpapatuloy niya ang mission niya.. kailangan lang niyang maging mas maingat dahil nararamdaman niyang hindi nag bibiro ang kausap… mas lalong naging mahirap ang sitwasyon niya ngayon..
 
“Mukhang pagod kana.. magpahinga kana sa kwarto” bigla nitong pag iiba ng usapan… “halika ihahatid na kita..”  tinaasan niya ito ng kilay ng sabihin nitong ihahatid siya sa kwarto na ikinatawa naman nito…
 
“I won’t do anything na hindi mo papayagan” inirapan nalang niya ito bago ito hinayaan na ihatid siya sa kwarto.
 
Pag dating nila sa kwarto ay agad siyang nag handa sa pag tulog.. nakakapagod ang araw na ito… sa dami ng nangyare sa kanya ngayong araw ay kailangan niya talaga ng mahaba habang pahinga.. hindi na siya nagulat ng maramdaman niya ang matigas na brasong yumakap sa kanya mula sa likod, maging ang banayad nitong pag halik sa kanya… pero dahil pagod na pagod na ang utak niya ay hindi na niya ito pinansin.. isang simpleng hhmm nalang ang naging tugon niya dito ng mag good night sa kanya ang binata.
 
KINABUKASAN ay nagising siya dahil sa masusuyong halik sa kanyang mga labi… napabalikwas naman siya ng bagon at handa na sanang bugbugin ang walang hiyang nanloob sa kanya ng makita niya ang mukha ng salarin..
 
“nagulat ba kita? Tanong nito
 
Oo nga pala, wala nga pala siya sa bahay niya.. nag staycation nga pala sila dito sa condo ni brent.. ng medyo makabawi ay inayos niya ang pag upo sa kama at tinignan ang oras sa bed side table.. it’s already 10am..
 
“halika na kain kana..” pag-aya sa kanya ng lalaki  “hindi na kita ginising kanina kasi ang sarap ng tulog mo pero late na hindi kapa nag aagahan kaya ginising nadin kita… ininit ko na ang pagkain mo.. halika na.. nasa sala na ang mga kasama natin
 
Tumayo naman siya,. Nagpunta sa CR at mabilis nag hilamos bago nag momog.. ng mataps ay lumabas na siya at sabay na silang nag lakad papunta sa kusina.. nadaanan nila ang mga kasama sa sala na nag lalaro ng chess, boys vs girls ata ang laban dahil magkatabi sila chelle at fire habang nasa kabilang side naman sila puma at dane…
 
Dumeretso na sila sa kusina, pagkarating doon ay agad siyang pinaupo ng lalaki sa isang upuan, ipinag hila pa siya nito ng upuan.. hhmm gentle man padin.. napangiti siya sa isiping iyon.. ng makaupo na siya ay agad nitong inasikaso ang mga pagkain niya na ayon dito ay ininit na nito..
 
“kain kana” sabi nito matapos siyang ipaghanda.. magana naman siyang kumain habang pinapanood lamang siya ng lalaki.. medyo na conscious siya dahil sa paninigtig nito kaya sinaway niya ang binata pero hindi ito tuminag kaya hinayaan nalang niya..  ng matapos siyang kumain ay iniligpit niya ang pinag kainan bago iyong hinugasan.. akala niya ay lumabas na ang kasama niya sa kusina kaya nagulat pa siya ng makita itong naka tayo sa may pinto habang pinapanood siyang mag hugas… nginitian siya ng lalaki bago inunat ang kamay nito parang sinasabi sa kanyang lumapit dito na agad naman niyang sinunod.
 
Pagkalapit niya ay hinila siya nito papunta ng sala para makigulo sa mga kasama nila… asar na asar si fire ng matalo ang mga ito.. may pustahan pala ang laro ng apat.. kaya tuwang tuwa naman ang dalawang lalaki dahil sila ang nanalo.. si puma ay nag papalibri kay fire sa isang bakasyon… samantalang si dane naman ay mag iisip pa daw ng gusto nitong pabuya..
 
“Ate monique” saan ka pala nag punta in those years na wala ka?” it was a harmless and a very easy question but she finds it hard to answer…
 
“uhhm… in palawan” matipid niyang sagot.. less talk less mistake
 
“why didn’t you contact us?.. you went totally missing.. did you know that mama and papa hired a detective just to locate you but even them could not find you”
 
Ahh, yes, detective Monroe, alam niya ang tungkol doon her daddy told her. It so happened that detective Monroe is a very close friend of her daddy. So when Mr. & Mrs. Silva hired him to locate them ay sinabi nitong hindi sila mahanap kahit alam nito kung nasaan sila.
 
“ang daldal mo apoy.. manahimik ka nga kahit minsan lang” biglang singit ni puma dahilan upang sumimangot naman ang huli.
 
“nangingialam puma..? tigil-tigilan mo kaya yang pagiging pakealamero mo” balik naman ni fire dito…
 
Natahimik ang dalawa ng tumayo si Chelle.  “I guess I already stayed  longer than I should, I’ll go ahead na guys sabi ni chelle bago tumayo upang iligpit na ang mga gamit nito. Nag paalam nadin siyang sasabay kay chelle dahil may kailangan pang asikasuhin.
 
PAGKARATING NIYA SA CONDO ay agad niyang tinawagan ang daddy nia.
“Hi dad,” bungad niya dito.
“Hello baby, how are you? Problem?
“im good dad, to answer your question if I have a problem the answer is yes and no”
 
“and why is that?’
Huminga muna siya ng malalim bago nag kwento sa daddy niya. “pumayag na siya na ilihim ang dati kong pagkatao kay lei kaya ligtas na ang sekreto ko daddy”
 
“that’s good to hear. At least ngayon nakasisigurado ako na mananatili kang ligtas” sabi nito.. anyways ano ang problema?
 
“uhm.. hindi po siya pumayag doon sa pangalawa nating gustong mangyare”
 
“inaasahan ko na yan” nagulat siya sa sinabi ng daddy niya
 
“inaasahan nio na daddy?” tanong niya dito
 
“baby, the boy was madly in-love with you ever since, kaya hindi na mahirap hulaan na hindi siya papayag na iwasan o layuan ka.”
 
“ano pong gawin ko daddy?” pano ko siya iiwasan na hindi niya nahahalata”
 
“you don’t have to avoid him hija,” sabi nito na labis niyang ikinagulat, dahil ito ang palaging nag papalala sa kanya na wag na wag mag papakita o babalik kay brent hanggat hindi pa niya natatapos  ang mission niya.
 
“am I hearing you right daddy? Hindi ko talaga siya iiwasan.. how am I gonna do that without compromising my mission” “tsaka daddy diba ikaw nadin ang nag sabi sakin dati na iwasan ko siya dahil ikapapahamak namin pareho tapos ngayon sasabihin mong wag ko siyang iwasan.”
 
“hija, noon hinihigpitan kita dahil totoong ikapapahamak ninyo parehas… ma-i-involve siya sa nangyayare ng hindi niya alam tapos ikaw madidistract ka at posibling mawala sa focus.. pero ngayon nandian na yan. What do you think he will do pag bigla kang umiwas, he will become desperate to get you mas lalo kayong mapapahamak na dalawa if he suddenly move without knowing anything about your mission..  sa ngayon kailangan mong laruin ng maigi ang bawat baraha na meron ka anak.” Kung kinakailangan mong paikutin pati ang batang yon para wag kayo mapahamak gawin mo.” Mariin nitong utos
 
“I know it going to be harder now baby, but you have to be stronger, we can’t blow everything up.. you have to stay with lei and finish what he started… ngayon higit kailanman mo siya dapat mapaikot sa iyong mga kamay… while we are doing everything to keep Mrs. chin safe from her own husband.” Bumuntong hininga ito.
 
“Wait daddy, what do you mean with keep Mrs. Chin safe from lei?” bigla siyang naguluhan sa sinabi ng ama.. ang huling pag kakaalam niya, takot ang matandang iyon sa asawa nito..
 
“we found out that he is trying to get rid of his wife.. alam naman natin parehas that his wife was just his cover up for all his wrong doings, plus the fact na ang asawa niya padin ang totoong mayaman at hindi siya kaya takot siyang mahuling nambababae pero hindi niya mahal ang asawa niya..”
 
“napag alaman naming gusto niyang patayin ang asawa niya dahil gusto ka niyang gawing asawa..” nakaramdam siya ng sobra sobrang pandidiri sa sinabing iyon ng daddy niya… “But don’t worry anak. I will do everything in my power to keep his wife safe, hindi papayag si daddy na tuluyan kang matali sa taong yon.. so, you don’t have to worry about it.” Paniniguro nito
 
“Anak, you have to be very careful this time, never let your guards down, dalawa na ngayon ang larong lalaruin mo at kailangan mong manalo sa parehas. Naiintindihan mo ba si daddy?”
 
Huminga siya ng malaim bago tumango na tila ba nakikita siya ng ama, “yes dad”
 
“good, I’m so sorry that you have to get through all this.. but we must in order to stay alive… unting tiis nalang anak.. malapit na tayong magtagumpay…
 
“yes daddy, I know, and I intend to win this battle..”
 
“Thank you anak, I know I don’t tell you this often since we moved in Palawan, but anak.. know that daddy loves you so much, hhmmm..”
 
“I know and I love you too daddy” she ended the call after a few more words with her daddy. And start to formulate new plans to win this game, her father was right.. masakit man sa kanya kailangan niyang paikutin din ang lalaking mahal niya in order to keep him safe.

(Silva Series Book 1) Alexous Brent Silva - CompletedWhere stories live. Discover now