Chapter 29

241 10 0
                                    

Chapter 29
 
Nagising si Monique sa isang maliit na kwarto nakagapos ang kanyang mga kamay at paa  habang nakahiga siya sa isang malambot na kama..  agad siyang kinabahan ng mabungaran ang kanyang paligid.. ang huli niyang natatandaan ay may matanda siyang tinulungang tumayo dahil natumba ito at ang kasamang nurse.. tapos bigla nalang may humampas sa likod ng ulo niya…
 
Nasaan siya.. sino ang kumidnap sa kanya.. pinilit niya alalahan sa isip kung sino ang posibling gumawa nito pero wala siyang maisip.. isang tao lang ang alam niyang pwedeng gumawa nito pero bakit naman siya ipapakidnap ni lei.. nagawa niya ng maayos ang kanyang mission wala itong nalaman hanggang sa mag tago na ito.. kaya sino ang gagawa nito sa kanya… ? imposible namang si brent..
 
Nakarinig siya ng kaloskos sa labas at bahagyang gumalaw ang siradura ng pinto kaya agad siyang nag panggap na natutulog.. naramdaman niya ang pag pasok ng kung sino sa kwarto, umupo ito sa upuan na nasa tabi ng kama na kinahihigaan niya.
 
“I know your awake sabi ng isang familiar na boses.. agad niyang iminulat ang mga mata upang kompermahin ang kanyang hinala pero ibang tao ang nakita niya.. ito yong matandang tinulungan niya kanina…
 
“Sino ka? Anong kailangan mo sakin? Bakit mo ako dinala dito?” sunod sunod niyang tanong
 
“relax dear” sabi nito na labis na nagpagulat sa kanya.. “nagulat ba kita?” tanong pa nito bago dahan dahang tumayo at hinubad ang disguise na suot nito..
 
“LEI” nanlalaki ang mga mata niya dito.. anong? Bakit? An---”
 
Itinaas nito ang kamay kaya napatigil siya sa pag sasalita,
 
“akala mo ba hindi ko pa alam kung ano ang ginawa mo Monique? Or should I call you sam?” sabi nito dahilan para mamutla siya mula ulo hanggang paa, paanong nagyare, bakit alam nito ang dati niyang pangalan..
 
Bigla itong tumawa ng malakas bago siya binigyan ng makas na sampal sa magkabilang pisnge niya.. halos mabingi siya sa lakas ng impact nun..  namanhid ang buo niyang mukha..
 
“akala mo ba hindi ko malalaman..?” “magaling ka. Tulad ng iyong ina ay magaling ka, dahil diyan ay deserving kang palakpakan” sabi nito bago pumalakpak ng malakas..
 
“dati ko na yon naisip eh.. pagka kita ko palang sayo naisip ko ng anak ka ni diana, kaya pinaimbistigahan kita.. pero walang nakitang kakaiba nag mag imbestigador.. either mga bobo silang lahat kaya hindi nila nalaman o sadyang napakatalino mo para magawa mo ng perpekto ang mga plano mo kaya wala silang Nakita” malumanay nitong sabi bago marahang hinaplos ang kaliwa niyang pisnge… nginitian siya niyo bago siya hiniklas sa panga.. pakiramdam niya ay nag sugat ang panga niya sa higpit ng kapit nito.. nanghihina pa siya dahil sa tama niya sa ulo at sa mga sampal nito sa kanya kaya hindi siya makapalag..
 
“ayos na sana ang lahat… napakaganda ng pag kakagawa mo.. pero tulad ka din ng iyong ina.. parehas kayo ng kahinaan…” buti nalang at Nakita kita nung gabing iyon kaya nag paimbistiga ulit ako.. pero hindi ikaw ang pinaimbistigahan ko kundi ang lalaking yon…:” ang iyong childhood sweet heart na iniwan mo 10 years ago upang mag tago sakin, at ngayon ay nag babalik sa buhay mo…” kung alam ko lang, di sana matagal ko ng pinaimbistigahan ang batang iyon… pero magaling ka nga eh.. kaya hindi ko yon Nakita…” patulak nitong ibinagsak ang kanyang ulo sa kama dahilan para tumalbog siya ng bahagya..
 
Nakita siya nitong kasama si brent.. shit.. anong ginawa nito sa binata.. kinabahan siyang lalo dahil sa mga posible nitong gawin kay brent.. kung siya nga na mahal nito ay nagawa nitong saktan si brent pa kaya.. biglang tumalim ang mga mata niya.
 
“anong ginawa mo kay brent” mababa ngunit mariin niyang tanong dito..
 
“ahh.. si alexous brent silva.. magaling ang batang iyon.. matalino siya nagawa niyang bumuo ng isang kompanya at hinigitan ang naabot ng kanyang ama.. nakaka proud hindi ba?” mala demonyo siya nitong tinignan sa mga mata bago ito tumawa ng malakas…
 
“don’t worry dear.. wala pa akong ginagawa sa ex mo or should I say boyfriend mo.. nagkabalikan naba kayo?” lalong naging mabalakis ang mga mata nito ng sabihin ang mga katagang iyon .. pero hindi siya mag papasindak.. wala pa daw itong ginagawa ibigsabihin ligtas pa si brent hanggang sa mga oras na ito.. makakagawa pa siya ng paraan upang wag itong madamay kaya kailangan niyang mag isip ng paraan..
 
“wala pa akong ginagawa sa kanya.. may gagawin palang” malademonyo nanaman itong tumawa… kinikilabutan siya sa totoo lang pero wala puwang ngayon ang takot.. kailangan niyang irelax ang utak para magamit niya iyon laban sa matandang kaharap.. nagawa nitong mag panggap na matandang babae para lang Masilo siya.. wais din talaga ang matandang ito..
 
“kelan mo pa nalaman ang tungkol sa amin ni brent?” lakas loob niyang tanong.. baka sakaling makaisip siya ng paraan kung pano makakatakas kung kakausapin niya ang matanda..
 
“ooowwwwhhh… that night after our date in Tagaytagy,  I saw you with him in abar..” agad nitong sagot…. “
 
“anong gagawin mo sa kanya” muli niyang tanong?”
 
“bakit gusto mong malaman? Planning to save your lover boy?” patuya nitong sagot…
 
“wag na wag mong gagalawin si brent.. magkakamatayan tayo..” tumawa ulit ito ng malakas sa sobrang lakas halos mabingi na siya…
 
“you are so funny my dear… magkakamatayan tayo…” ulit nito na tila nag iisip..  “matalino ka nga talaga at naisip mo ang laman ng isip ko” sabi nito bago muli siyang binalingan at muling hinaplos ang kanyang mukha.. marahan lang ang pag hawak nito sa kanya pero masakit yon para sa kanya dahil sa pag sampal nito kanina at sa pag piga sa panga niya..
 
“mag kakamatayan naman talaga tayo.. pero sisiguraduhin kong kayong dalawa ang mamamatay… alam mo ba kung paano ko kay planong patayin.. hhhmm?” gagawin ko sa inyong dalawa ang ginawa ko sa mga magulang mo..
 
 
“hayop ka! Hindi niya napigilang isigaw ang salitang iyon” dahilan para tumawa nanaman ito..
 
“matagal ko ng alam iyan my dear… kaya nga ngayon palang ay pinag paplanuhan ko na kung papano ko ipapakidnap ang lalaking mahal mo” sabi nito bago tila nalungkot.. baliw na talaga ang lalaking ito..
 
Pinakatitigan siya ni lei sa mga mata… bago hinawakan ang gapos sa kanyang mga kamay.. pinaupo siya nito ng maayos.. hirap siyang kumilos kaya hinayaan niya itong iayos ang kanyang pwesto dahil nakakangalay na nakahiga siya habang kausap ito.. medyo narelax siya sa kanyang pagkakaupo..
 
“sabihin mo nga sakin Monique? Minahal mo ba ako? kahit kaunti lang o palabas lang ang lahat ng pinakita mo sakin?” tanong nito. This time wala siyang makitang emosyon sa mga mata nito.
 
“umiling siya, bilang sagot bago ito tinitigan ng masama.. ikaw ang dahilan kaya nasira ang pamilya ko, dapat alam mo na ang sagot sa bagay na yan ngayon, kaya bakit nag tatanong kapa? Sa tingin mo ba mamahalin ko ang lalaking pumatay sa magulang ko?” patuya niyang tanong dito
 
Tahimik lang ito habang patuloy na nakatingin sa kanya..
 
“manang mana ka sa ina mo,” biglang sabi nito.. parehas kayo sa maraming bagay.. magkamukhang magkamukha kayo pati ang paraan ninyo ng pag ngiti at pananalita ay parehas na parehas… “
 
“alam mo Monique totoong minahal kita” pinag mamasdan niya ang mga damdaming nag lalaro sa mga mata nito.. “lahat ng pinakita ko sayo ay totoo, dahil totoong mahal kita.. alam mo ba kung ano ang naramdaman ko ng malaman kong may ibang lalaking laman ang puso mo?” tanong pa nito ng hindi siya sumagot ay nag patuloy ito..
 
“sobrag sakit.. gusto kong patayin ang batang iyon pero hindi ko ginawa.. hindi pa.. dahil sa ibang paraan ko siya planong patayin” bigla nanamang tumalim ang mga mata nito…
 
Tumayo ang lalaki bago pumta sa may pinto.. “saan ka pupunta anong gagawin mo sakin” tanong niya dito.. muli naman siyang nilingon ng lalaki at nginitian ng ubod ng tamis..
 
“pupunta ako sa doctor para mawala na ang epekto ng mga gamot na pinaiinom mo sakin para hindi gumana ang alaga ko,” shit alam nadin nito ang tungkol doon.. “huling session ko na sa kanya ngayon at bukas ay inaasahan ko na gagana na itong si manoy… tapos babalikan kita at gagawin ko ang matagal ko ng gustong gawin diyan sa katawan mong bumabaliw sakin” kinilabutan siya sa paraan nito ng pag hagod ng tingin sa buo niyang katawan.. “magiging akin ka Monique sa ayaw at sa gusto mo magiging akin ka.. sabi nito bago tuluyang lumabas at isinara ang pintuan..
 
Ng makalabas ito ay huminga siya ng malaim upang kalmahin ang sarili.. kailangan niyang makatakas dito. Dahil kung hindi.. only god knows kung ano ang kaya nitong gawin sa kanya.. hindi siya makapapayag na maangkin siya nito.. iyon na lamang ang itinira niya sa sarili para kay brent.. hindi niya hahayaan na maangkin siya ng matanda.. tanging si brent lamang ang pwedeng umangkin sa katawan niya.. sukdulang ikamay niya iyon.
 
Ng medyo kumalma na pinilit niyang tanggalin ang pag kakatali ng kanyang kamay pero masyado iyong mahigpit.. maya maya ay muling bumukas ang pinto at pumasok ang isang lalaki, may dala itong pagkain.. agad niyang kinain ang dala nito.. kailangan niya ng lakas.. wala na siyang pakialam sa lasa niyo ang mahalaga ay magkaroon siya ng lakas upang gumana ang utak niya.. ng matapos siyang kumain ay pinainom siya nito ng tubig bagio lumabas… ng medyo makapag pahinga at muli niyang sinubukang kalasin ang kanyang tali.. hindi niya alam kung anong oras na ngayon dahil wala siyang suot na relo.. masyado ring sarado ang kwarto na kinaroroonan niya kaya hindi niya malaman.. nakakailang oras na siya sa pag tatangkang matanggal ang kanyang tali pero wala padin.. nag susugat na ang pulsohan niya sa kakasubok.. parang gusto na niyang mawalan ng pagasa.. pero hindi ito ang panahon para sumuko siya.. madami na siyang pinag daanan kaya kakayanin niya ang isang ito..
 
Muli niyang sinubukang kalagan ang sarili ngunit ganun padin.. maya maya ay muling pumasok ang lalaki at may dala nanaman itong pag kain… muli niya iyong kinain.. hindi na niya iniisip kung may lason ba yon o wala basta kakain siya.. ng matapos uminom ng tubig ay tinignan niya ang lalaki.
 
“anong oras na?” tanong niya dito..  tumingin naman ito sa relo bago sinabing alas siyete na ng gabi..
 
“ilng oras na akong nakatulog” muli niyang tanong.. isang buong araw kang tulog sagot nito bago siya pinaka titigian.. “kung gusto mong malaman kung gaano kana katagal dito ay dalawang araw na” pag bibigay nito sa kanya ng impormasyong kailangan niya..
 
Dalawang araw na.. alam niyang alam na ng daddy niya na nawawala siya.. kaya malamag ay hinahanap na siya nito nag titiwala siya sa daddy niya.. ang kailangan lang niyang gawin ay manatiling ligtas hanggang sa makita siya ng mga ito.. pero pano niya iyon gagawin.. sabi  ni lei ay bukas magaling na ito ayon sa doctor nito.. matagal tagal nadin itong hindi nakakainom ng gamot kaya mataas ang tyansa na gumaling na nga ito… makakaya niyang talunin si lei kung hand on hand combat ang labanan.. sanay siya sa pakikipag laban.. pero pano naman ang mga tauhan nito.. nag simula siyang mag lista sa isip ng mga possible niyang maging problema bago makatakas ng hindi nagagalaw ni lei. Kailangan niyang makaalis mula sa pag kakagapos, dahil hindi siya makakalaban dito kung nakapos ang mga kamay niya sa oras na gawan siya nito ng masama.. Isa pa niyang problema ay kung nilalagyan nito ng gamut ang mga pinapakain at pinapainom nito sa kanya.. hindi iyon malabo lalo na at ginawa niya dito, mataas ang tyansa na gawin din nito sa kanya.. ano ngayon ang gagawin niya.. nauubusan na talaga siya ng pag asa.. lord please help me.. help daddy find me sooner.. dahil kung mag tatagal pa siya dito ay siguradong mapapahamak siya sa kamay ng matandang si lei… at si brent.. isusunod nito ang binata kaya mas lalong dapat siyang makatakas dito.. matatanggap pa niya kung siya lamang ang mapapahamak.. pero kung idadamay nito si brent.. hindi niya kakayanin.. dad please find me.. lihim niyang hiling.. sana dinggin ng langit ang kayang dasal.. wala na siyang ibang makakapitan sa ganitong pag kakataon.. huminga siya ng malalim upang muling kalmahin ang sarili kahit pa wala naiyong nagagawa upang kumalma ang Sistema niya.
 
 
 
 
 
 
 
 
 

(Silva Series Book 1) Alexous Brent Silva - CompletedWhere stories live. Discover now