Unedited, one more chapter then epiloge na then special chapter 😁
----------------------------------------------------
Mabilis siyang tumatakbo, kulang nalang ay itulak niya lahat ng nakakasalubong niya, abot abot ang kaba na kanyang nararamdaman, parang lalabas na ang puso niya sa sobrang lakas ng kabog niyon. Sandali siyang umalis upang pumunta sa lugar na yon upang gawin ang isa sa nag papasaya sa kanya nitong mga nakaraang buwan ng makatanggap siya ng tawag sa kanyang kapatid.
“She’s awake!” that was the exact word that fire had told him. Hindi siya agad nakagalaw sa kanyang kinatatayuan kung hindi pa siya tinapik ni puma at sinabing umalis na siya, naka loud speaker kasi siya kanina kaya narinig ng mga kasama ang sinabi ng bunsong kapatid. Kaya naman ngayon ay nag mamadali siyang makabalik sa hospital.
Pagkarating niya sa ICU ay mabilis siyang pumasok ngunit agad ding napatigil ng hindi niya makita ang inaasahan makita.. Dahan dahan siyang nag lakad palapit sa dalagang nakahiga sa hospital bed. Ganun parin ang ayos nito sa kung pano niya ito iniwan kanina. Walang bakas na nagising na ito, ni hindi manlang nabago ang pwesto kahit ng isang daliri nito sa kung pano niya iyon inayos kanina. Alam niya dahil wala na siyang ibang ginawa sa tuwing nandito kundi ang pakatitigan ang kabuoan ng babaeng minamahal hangang sa masaulo na niya ang ayos nito.
Para siyang pinagbagsakan ng langit at lupa, hindi ganito ang kanyang inaasahan kanina. Hingal na hingal pa siya dahil sa mabilis na pag takbo, tapos hindi man lang niya ito masisilayan ng gising. He is so disappointed. Parang gusto niyang manapak ng mga oras na iyon, isang tao lamang ang kailangan niyang kausapin, mabilis siyang lumabas ng ICU at hinanap ang salarin ng disappointment niya ngayon masasakal niya ang brat na yon kapag napatunayan niyang pinaglalaruan lamang siya nito.
Halos malibot na niya ang buong hospital ng makita niya ang hinahanap sa cafeteria ng hospital na iyon, tahimik itong kumakain ng mag isa, walang sabi-sabi niyang hinugot ang upuan sa harap nito ay umupo doon. Medyo nagulat pa ang kapatid niya sa bigla niyang pag sulpot sa harap nito.
“Explain, mabilis niyang sabi dito” tinirikan naman siya nito ng mata bago nagpatuloy sa naudlot na pagkain. Gustohin man niyang sakalin ang babaeng ito hindi pwede, masyado niyang mahal ang mama niya na siguradong mag aalala pag nagalusan ang brat na ito, kaya wala siyang choice kundi hintayin itong matapos kumain.
“wala na bang ibabagal yang pag kain mo Sapira Fire Silva?” muli lang siya nito tinirikan ng mata bago isinubo ang buling pagkain at uminom ng tubig.
“nag mulat na siya ng mata kanina pero super saglit lang, as in parang blink lang, ay hindi naman pala blink, siguro mga two seconds lang, then she sleep again” parang wala lang nitong sabi..
“yon lang” tanong niya dito.
“yeah yon lang” pataray pa nitong sagot “my goodness don’t tell me that you expect her to be full of energy eh three months kaya siyang tulog at ngayon lang nag mulat ng mata, you should still be happy, that’s already a big progress.” May punto naman ang kapatid kaya hindi na siya nag salita..
“Doon ka nanaman nag punta ano?” tanong nito
“yes” mabilis niyang sagot.
“kuya you know it’s not healthy for you” paalala nito.
“Don’t worry little sis, your kuya can manage, isa pa it makes me happy”
“yeah, yeah, whatever” walang buhay nitong sabi. “Halika na nga, you need to be there when she open her eyes again, pakalat kalat ka kasi kaya ayan tuloy hindi mo nakita kanina, tapos ako ang gugulatin mo! buti healthy ang heath ko kung di baka inataki na ako kanina noh” Napangiti nalang siya sa kadaldalan ng babaeng ito, minsan masarap busalan ang bibig nito, kung hindi lang talaga nila ito kapatid, baka naipatapon na nila ito sa buwan para tumahimik ang buhay nila. Walang patid ang sermon nito sa kanya hanggang sa makabalik sila sa ICU.
ONE WEEK HAVE PASS, pero hindi na ulit nag mulat ng mata si Monique. Gusto na talaga niyang mawalan ng pagasa. Naiinis din siya sa sarili dahil wala siya ng imulat nito ang mga mata.
“sweet, ang daya mo naman, nung si fire ang nandito nag mulat ka, tapos ngayon na ako ang nandito ayaw mo mag mulat. Ayaw mo naba sakin?” hinawakan niya ang kamay nito bago nag patuloy sap ag sasalita.
“hindi mo naba ako mahal? Nagtatampo na ako sayo, kelan kaba mag mumulat?” mas gusto mo nalang ata si fir---” natigil siya sa pag sasalita.. totoo ba yong nakita niya?
“sweet, d-did y-you m-move?” tanong niya dito pero wala itong reaction.
“sweet please! Your killing me! I saw you move.“ wala pading reaction..
“sweet please, I know you can hear me” mas lalo pa niyang nilapit ang bibig sa tenga nito para talagang marinig siya nito.
“I missed you already sweet please! if your hearing me move you’re your fingers for me!” pakiusap niya dito.
tila lumundag ang puso niya sa sobrang bilis ng pag tibok niyo ng muli nitong igalaw ang daliri nito. Hindi niya napigilan na sapuhin ang sariling mukha, bago ito muling tinignan and their she is, slowly opening her beautiful eyes.
“sweet” masuyo niyang tawag dito, and like a slow motion, she slowly turn her face to his side. Pakiramdam niya ay ngumiti ang kalangitan. Finally she’s awake, his Monique is back!.
NASA LABAS SILANG LAHAT NG ICU, at matiyagang hinihintay ang mga doctor na umaasikaso kay Monique. Kanina ng mag mulat ito ng mga mata ay hindi niya nagawang tumawag ng doctor sa sobrang kasiyahan, nakipag titigan lang siya dito habang mariin niyang hawak ang mga kamay nito. He was busy smiling at her samantalang ito ay tila wala sa sarili dahil wala itong pinapakitang reaction hanggang sa makaramdam ulit siya ng kaba, sakto namang pag pasok ng doctor na tinawag pala ng isang nurse na nakakitang gising na si moque ng mapadaan ito kanina sa tapat ng ICU.
“Doc” agad siyang lumapit sa doctor na kalalabas lang ng ICU, “how is she? Bakit ganun? wala manlang siyang reaction kanina. Okay lang po ba siya? may mal----”
“Relax Mr. Silva, she is fine” pang aalo sa kanya ng doctor dahil nakikita nitong natataranta siya “yong kanina na wala siyang reaction it normal” nakangiti nitong wika, “remember she’s in coma for a few months kaya disoriented pa ang utak niya, for now she needs to rest, I know that you are excited to talk to her but please give her time to adjust okay? Take it easy” mahaba nitong pahayag.
Wala sa saring napatango siya, at least normal naman pala na wala itong reaction kanina. Medyo kinabahan siya doon.
“can I go to her now doc?” muli niyang tanong
“I’m afraid not. natutulog na ulit ang pasyente” nakangiti parin nitong turan “she needs all the rest she can get, so let her be” pwede mo naman siyang tignan sa glass window.” Tinapik pa nito ang balikat niya bago muling nag salita. “pag nakausap na ulit namin siya sa susunod niyang pag gising, at medyo maayos na ang lagay niya ay papayagan kitang pumasok. For now you’re not allowed to talk to her, mahirap na baka masyado kang ma excite ma shock ang pasyente ko at bumalik sa pag kakacoma” biro nito. Sa pag lipas ng mga buwan ay naging ka close na nila ang mga doctor na umaasikaso kay Monique.
Nakangiti naman na siya ng bumaling sa doctor. “iisipin ko sinabutahi mo ang pag galing ng girlfriend ko doc dahil gusto nyo ako para sa anak nyo” balik biro niya dito na ikinatawa ng iba nilang kasama. Ng minsan kasing dalawin ito ng asawa at anak ay agad nag ka crush sa kanya ang 5 years old nitong anak. At panay ang sabi na hintayin daw niya ito dahil papakasal daw silang dalawa.. kaya naging katuwaan na nila ang joke na yon.
Napailing naman ang matandan bago naglakad paalis, pero muli itong lumingon ng nakakunot ang nuo. “sa pag kakaalam ko hindi ka pa sinasagot ng pasyente ko” sabi nito bago siya muling tinalikuran at tuluyang nag lakad paalis.. nag katawanan nanaman ang mga kasama niya sa sinabi ng doctor. Kompleto sila doon ngayon dahil tinawagan niya ang mga kasama kanina ng palabasin siya ng mga nurse para daw maasikaso ng mga doctor Monique.
ANO NANAMAN BA YANG DRAMA MO BRENT? Naiinis niyang tanong sa boyfriend. Yes! official na ulit sila dahil talagang hindi siya nito tinantanan hanggat hindi siya umuoo dito pagkatapos niyang magising from coma one month ago. Dahil mahal naman niya ito ay di na siya nag pakipot. Pero minsan naiisip niya sana pala pinahirapan nalang niya ang lalaking ito dahil napaka sakit sa ulo. Tulad nalang ngayon, pinasasakit nanaman ang ulo niya. Sabi ng doctor niya, she needs to exercise at sanayin ulit ang katawan niyang gumalaw ng normal..
Noong mga unang araw na nagising siya ay hirap na hirap siyang maka recover specially that her lungs was damaged, tunutulungan lang pala siya ng makina huminga nung naka coma siya kaya nagawang mag survive ng lungs niya kahit tulog siya.
Ngayon ay nakakahinga na siya ng normal ng walang tulong ng makina. Kaya ang kailangan naman niyang intindihin ay ang pag sanay sa paa niyang mag lakad. Nakasaklay padin siya kapag nag lalakad, sabi ng doctor ay na-dislocate daw ang buto niya sa left foot kaya hirap pa siyang mag lakad ngayon lalo pa at hindi lang yon basta na dislocate may nakita din daw na crack ang mga doctor. Tapos itong lalaking ito ayaw siyang patayuin sa higaan at pinag papahinga nanaman siya,. Eh ilang bwan na nga siyang natulog.
“sweet, nag lakad lakad kana kanina don’t force it baka lalong makasama sayo.. bukas na ulit” sabi nito sa kanya.
“Brent, wala ang 10 minutes yon nilakad ko.. sabi ng doctor ko 30 minutess daw, tumabi ka nga diyan, masasapak na kita talaga eh.. umuwi kana sa inyo kaya ko na sarili ko.” Sabi niya dito
“sweet grabe ka sakin! matapos kitang hintayin magising ng 3 months, itataboy mo lang ako ngayon?” madrama nitong sabi sa kanya..
“yon na nga heart, ilang buwan na akong nakahilata, tapos ikaw gusto mo palagi padin akong nakahilata..” tumabi kana diyan at mag lalakad lakad na ako. Hindi siya maka baba ng kama dahil hinaharangan lang naman siya ng magaling na lalaki. Nasa ganun silang eksina ng bumukas ang pinto at pumasok ang daddy niya.
“o nag tatalo nanaman kayong dalawa” sabi nito bago inilapag ang dalang prutas sa lamesa at lumapit sa kanya upang halikan ang kanyang nuo.
“ito kasing si brent daddy, ayaw akong pag lakarin sabi ng doctor mag practice ako mag lakad eh”
“pano tito nag lakad na siya kanina pinag papahinga ko lang naman siya kasi baka mabinat siya tapos ayaw pong makinig sakin”
“10 minutes pa lang yong nilalalad ko sabi ng doctor 30 minutes daw, doctor kaba?”
“mag tigil nga kayong dalawa” hayaan mo na iyang boyfriend mo na alagaan ka anak, natatakot lang yan. Kung nakita mo lang itsura niyan nung naka coma kapa, muntik ng maging pandang grasa yan sa kakabantay at pag aalala sayo noon, kaya hayaan mo nalang siyang alagaan ka ngayon. Napakalaki nga ng eyebags ng lalaki ng magising siya, nangayayat din ito at parang hindi na nag aayos ng sarili.
“makinig ka kay daddy” sabi naman agad ng walang hiya
“nakiki daddy ka? Daddy mo?”
“oo naman, soon to be daddy, ikakasal na kaya tayo”
“sinong may sabi?”
“ako, pag labas mo dito papakasal na agad tayo”
“pakasalan mo sarili mo, pag iisipan ko muna.. pag ikaw naging asawa ko baka ikulong mo lang ako sa bahay” nagulat siya ng bigla siya nitong niyakap.
“pakakasal na tayo agad agad sa ayaw mo at sa gusto” sabi nito sa kanya
Sasagot na sana ulit siya ng biglang sumabat sa usapan ang daddy niya. May kinausap ito kanina sa telepono habang nag tatalo sila ng pasaway na lalaking parang tuko na nakayakap sa kanyan ngayon..
“hija, I have a surprise for you,” sabi nito..
Bigla naman siyang na curios, ano kaya ang surpresa ng daddy niya sa kanya
“what is it daddy?” tanong niya dito..
Nginitian siya ng ama bago ito lumabas, may pupuntahan lang daw ito saglit.
“do you have any idea kung ano ang surprise ni dady sakin? Tanong niya sa kasintahan. Niyakap nadin niya ito kaya mag kayakap na sila ngayon habang naka upo siya sa gilid ng higaan at ito naman ay nakatayo.
“no idea” sagot nito bago siya hinalikan sa labi, mabilis lang iyon na ipinag taka niya kaya kinunutan niya ito ng nuo, usually kasi ay matagal kung halikan siya ng kasintahan.
“I’m horny” mahina nitong bulong sa kanya na ikinatawa naman niya
“Don’t laugh, ikaw ang may sasalanan nito, pasalamat ka at hindi kapa pwede.. kung pwede ka lang kanina pa kita dinaganan” sabi nito kaniya. So kaya pala saglit lang siyang hinalikan ng binata ngayon dahil nag titimpi ito.
Lalo naman siyang natawa dahil para itong bata na pinag kaitan ng pagkaing gustong gusto nito habang sinasabi iyon sa kanya.. natigil siya sa pag tawa ng muling bumukas ang pintuan at pumasok ang kanyang daddy.
Hinintay naman niyang pumasok ito, nanigas siya sa kinauupuan ng makita kung sino ang kasama nito.. tumulo ang mga luha niya ng hindi nya namamalayan. Basta nakatitig lamang siya sa babaeng kasama ng daddy niya. Marahan itong nag lalakad sa likod ng daddy niya at bahagyang nakayuko, pero hindi sapat ang pag yuko nito para maitago nito ang mukha sa kaniya.
Elise! tawag niya dito, saka lamang ito unti unting nag angat ng mukha at mabini siyang nginitian, tila naiilang.
“Hi” unang salita na narinig niya mula sa kakambal. After 25 years of her existence, finally she meets her other half.
YOU ARE READING
(Silva Series Book 1) Alexous Brent Silva - Completed
RomanceHe was lucky to have found the love of his life at a young age, but his happiness disappear like she never existed, his life turned upside down, his paradise turned into hell and he became an asshole and a total jerk trying to survive the hell his...