Chapter 38

369 12 0
                                    

Unedited. Epilogue is next 🙂 hope you enjoy reading
----------------------------------------------------

 
“Hi” mahinang sabi ng kakambal niya.. hindi niya napigilan ang tumayo, agad naman siyang inalalayan ng kasintahan. Ng makita ng kakambal niya na medyo nahihirapan siya ay agad itong lumapit sa kanya upang pabalikin siya sa higaan.
 
“wag ka munang tumayo, makakasama sayo” sabi nito sa kanya,  napangiti siya sa sinabi nito ng makaayos na siya ng upo ay niyakap niya ang kakambal. Gumanti naman ito ng yakap pero hindi madiin. mukhang nasabihan na ito ng daddy niya tungkol sa kalagayan niya ngayon, parehas silang lumuluha ng mag hiwalay.
 
Nag paalam ang dalawang lalaking kasama nila sa kwarto na lalabas muna upang mabigyan sila ng pag kakataon na mag usap.
 
Ng makalabas ang dalawa ay agad niyang pinaupo ang kakambal sa kanyang kama, pinag masdan niya ito bago hindi napigilang mag komento..
 
“ang ganda-ganda mo, mas maganda ka sa personal at sa malapitan kesa sa picture” sabi niya dito. Totoo ang mga iyon dahil talagang maganda ang kakambal niya, maganda ito sa picture pero ngayon na kaharap na niya ito ay mas maganda pala ito, kahit halatang naiilang ito sa kanya ay di maipagkakaila ang taglay nitong appeal.  
 
“ikaw din, ang ganda mo, kamukha mo si mommy” sabay silang natawa. looking at each other its like looking at their parents. Pero ang nakikita niya ay girl version ng daddy niya.
 
After their laughter’s died, nakaramdam siya nag matinding pagkailang. Kakambal niya ang kaharap pero ngayon lang niya ito nakita, pano kaya niya ito kakausapin.
 
“uhm,” tumikhim siya upang pawiin ang pagkailang na bumabalot sa paligid bago ito muling tinignan sa mata “are you not mad? I mean sinabi sakin ni Lei lahat ng kasinungalingan na sinabi niya sayo. Sabi niya galit ka sakin, but you’re here and you don’t look mad”
 
“I was,” pag amin nito. “akala ko tinalikuran ninyo ako, akala ko kinalimutan ninyo nalang ako ng ganun ganun nalang, akala ko pinabayaan ninyo nalang ako sa halimaw na iyon, kaya galit na galit ako” sabi nito habang tumutulo ang mga luha..
 
“Galit ako sayo,  naisip ko dapat ikaw nalang ang nasa sitwasyon ko, ano kayang mararamdaman mo pag nalaman mo na  may mga kamag anak ka papala  pero hinayaan ka nilang mabuhay sa impeyerno habang sila nag papaka saya” ipinag dasal ko na sana nag kapalit tayo ng kalagayan.” sabi nito bago tuluyang humagolhol..
 
Wala siyang masabi, nasasaktan din siya para sa kakambal pero wala siyang magawa, huli na ng malaman nila, napahamak na ito.  Marahan niyang inabot ang mga kamay nito at mahigpit na hinawakan hanggang sa unti unti nitong makalma ang sarili.
 
“sabi mo was? What made you change your heart?” tanong pa niya sa kakambal.
 
“how can I stay mad at my savior?“
“Tito Antonio told me everything, everything that you have done to save me from the moment you found out about me, Your training, your mission and your recent suffering in the hand of the same man who made my life a leaving hell” tumugil muna ito sa pag sasalita, ipinatong ang kanang kamay sa dalawa niyang kamay na mahigpit na nakahawak sa kaliwa nitong kamay.
 
“Thank you!” sabi nito sa kanya bago siya nginitian. “Thank you so much Monique!, kasi kahit hindi naman talaga tayo nag kasama, hindi mo naman talaga ako personal na kilala, you still choose to help and save me! You risked your own safety so I could taste the freedom that I now have. When tito showed me the video and I saw how you are being beaten to death, pinagsisihan ko lahat ng masasamang sinabi ko tungkol sayo, sana hindi ko sinabi ang mga iyon. I realized, hindi lang naman pala ako ang nag durusa, ikaw rin. Sana mapatawad mo ako, dahil sakin muntik ka ng mamatay, dahil sakin nag hirap ka ng husto! Ako ang punot dulo ng lahat ng pag durusa mo tapos ako hinihiling ko na sana nag kapalit tayo, ang sama sama ko, sorry! Sorry talaga! Sana mapatawad mo ako! Patuloy na lumuluha ang kakambal niya habang inilalabas nito ang saloobin.
 
“Sssshhhhhh, tahan na, stop saying sorry, it’s not your fault. It’s lei fault, it’s all on him, our suffering, our parents death, your hellish life, me being beaten, everything, it’s all on him so stop saying sorry because you have nothing to be sorry, wala tayo parehas kasalanan. Also, there’s no need to thank me, kakambal kita, kahit hindi kita nakasama, ng 25 years, mag kasama tayo ng 9 months sa tiyan ng mama natin, at alam ko na kung ikaw ang nasa kalagayan ko you will do the same. Pasensiya kana late na naming nalaman ni daddy ang tungkol sayo, huli na kami, napahamak kana sa kamay ng matandang hukluban na yon. Pero kahit ganun, I still want my twin to experience the beauty in life, hindi pa naman siguro huli para maging masaya ka naman at para magkasama tayo..” Nakangiti niyang sabi sa kakambal. Parehas silang umiiyak, mayamaya ay pinunasan niya ang mga luha ganun din ang ginawa nito, ng muli silang mag katinginan ay parehas silang natawa sa mga itsura nila.
 
“kambal nga tayo, parehas tayong iyakin..” sabi niya dito..
 
“uhm, kelan kapa nakita nila daddy?” she asked her twin, then her twin told her how she was rescued, madaldal din pala ito, madami pa silang napag kwentuhan na dalawa bago ito umalis dahil kailangan pa nitong pumunta sa doctor. Her twin is seeing a psychiatrist to help her accept, forget and finally move on from her painful experiences.
 
HOW’S THE TALK WITH YOUR SISTER? tanong niya sa kasintahan, katatapos lang ng mga itong mag usap at kakaalis lang din ng kambal nito kasama si tito Antonio upang pumunta sa doctor. Monique seems happy after she talked with her twin sister and he feels relieve, alam kasi niyang iniisip nito na galit ang kakambal sa nito dito dahil sa kasinungalingan ni Lei. Hindi niya lang sinabi dito na nag kita na sila ng kambal nito at hindi naman galit dito si Elise bilang respito sa daddy nito, it’s a family matter at labas siya doon.
 
“it went well, hindi na siya galit sakin.” I still want to talk to her kaso kailangan niyang pumunta sa doctor eh” medyo nakasimangot ito ng sabihin iyon. How cute sabi niya sa isip.
 
“may ibang araw pa naman para maka bonding mo ang kambal mo” pag papagaan niya sa loob nito
 
“malay mo bukas dalawin ka niya ulit dito” sabi pa niya
 
“sana nga” sagot nito bago siya niyakap. Niyakap din niya ito pero marahan lang, hindi niya kinakalimutan na nag papagaling pa ito ng mga broken ribs, magkayakap silang dalawa ng maramdaman niya ang marahan nitong pag tulak..
 
“hindi ka nanaman bumalik sa office, sinong gumagawa ng mga trabaho mo doon kung palagi kang nandito sakin, pano mo ako bubuhayin kung patamad tamad ka,  huh” sermon nito sa kanya na ikinatawa niya naman.
 
Hinawakan niya ang maganda nitong mukha bago ito ginawaran ng masuyong halik sa labi.  “kahit isang taon akong hindi pumasok sa office, mabibigya kita ng magandang buhay sweet, kaya wag mo ng alalahanin ang trabaho ko mag susurvive yon kahit wala ako” sabi niya dito.
 
“mag susurvive naman talaga ang negosyo mo habang ang firm ko ang babagsak na hayop ka, pumasok kana sa opisina mo hindi yong kami ni puma ang ginagambala mo sa pag papatakbo ng negosyo mo.” Biglang singit ng kakambal niya na kakapasok lang ng hospital room ni Monique, kasama nito si Puma, Fire at Chelle, dumiretso sa upuan ang dalawang lalaki na parang pagod na pagod samantalang dumeretso naman sa kasintahan ang dalawang babae para iabot ang mga dala nilang prutas sa babae.
 
“hey hey, bakit sa kanya nio yan inaabot, bakit di nio nalang kaya ilapag doon sa table alam ninyong nag papagaling pa siya eh” saway niya sa dalawang babae na agad namang sumimangot pero sinunod naman ang sinabi niya.
 
“ang OA mag bantay ng mga kuya ko noh?” sabi ni fire na natatawang lumapit sa kasintahan niya matapos nitong ilapag ang mga bitbit nito. Umupo ito sa higaan ni Monique at nag simula ng mag daldal, mag aalala talaga siya pag nanahimik itong kapatid niya.
 
“HOW ARE YOU” tanong ni Chelle sa kanya, she missed this two, ngayon lang siya nadalaw ng mga ito simula ng magising siya, according to Brent present silang lahat ng mag mulat siya ng mata pero dahil disoriented pa siya noon ay hindi niya matandaan, isa pa ay hindi din sila nag kausap dahil bawal pa siyang kausapin, kahit nga si Brent ay pansamantalang binawalan ng Doctor niya.
 
“I’m fine now” nakangi niyang sagot sa dalaga.
 
“You better be ate” sabi ni Fire “Did you know na muntik ng kasuhan ng nurse yang si kuya Brent? Sinuntok niya lang naman yong kawawang nurse dahil ayaw siyang papasukin noong nag flat line ka” sumbong ng babae sa kanya. Napatingin siya sa kasintahan, hindi niya alam ang tungkol sa sinasabi ng kapatid nito kaya tinaasan niya ito ng kilay, nag kamot naman ito ng batok bago siya nginitian ng pangiwi.
 
“I’m so happy you’re okay now” sabi ni chelle sa kanya “Sorry din nga pala ngayon lang ulit kita na dalaw, I got busy over something, my new boss is a real pain in the ass. Any ways, grabe kang babae ka tinakot mo kami ng husto huh” I’m glad to finally see your face again, the last time I saw you hindi kita makilala you whole body is full of bruises pag kukwento nito.
 
“I’m sorry, I didn’t mean to scare you guys, but I’m okay now, see just a little more time and I’ll be back to normal” paniniguro niya sa mga ito.
 
“It’s okay basta wag nalang mauulit, ang hirap patigilin niyang boyfriend mo. Kung hindi pa yan sinapak ng papa nila hindi pa yan titigil sap ag wawala niya” muli nanaman siyang napatingin sa kasintahan hindi nanaman niya alam ang bagay na yon. tinaasan niya ito ng kilay bago pinag cross ang mga braso sa tapat ng bidbid.
 
“So ano pa ang mga kalokohang pinag gagawa mo habang wala akong malay na hindi mo sinabi sakin?” tanong niya dito, nginitian naman siya ng loko bago sinabing she don’t need to know, tapos ay hinila nito ang dalawang babae palayo sa kama niya pero kumapit ang mga ito kaya nag hilahan silang tatlo.
 
“Hoy bal, bitawan mo nga si Chelle, baka gusto mong maratay sa hospital na ito dahil binogbog ka ng kakabal mo”  biglang singit ni puma na nakasimangot.
 
Tumigil naman ang kasintahan niya sa ginagawa bago tinignan si chelle “kayo naba nitong kambal ko?”
 
Umiling naman si Chelle sa tanong ng lalaki dahilan para mapabunghalit ng tawa si Puma na nakaupo sa tabi ni Dane.
 
“Tol, bago ka mag paka possessive, siguraduhin mo muna na kayo na ng babaeng ipinag dadamot mo, huh” pang aasar ni Puma sa kaibigan na ikinatawa nilang lahat.  Sinuntok naman ito ni Dane sa tiyan dahilan para mapahawak ito na sariling tyan, hindi ito nakabantay kaya malamang ay ininda nito ang suntok ni Dane, alam niyang hindi iyon malakas pero sigurado siyang hindi yon mahina. Gumanti naman si Puma kaya ngayon ay nag susuntukan na ang tatlong lalaki sa loob ng kwarto niya dahil dinamay nadin ng dalawang lalaki ang kasintahan niyang nakatayo sa gilid niya kanina. Buti at malaki itong kwarto niya kaya hinayaan nalang nila ang tatlo na mag harutan.
 
Nagsi upo lang ang tatlo ng mapagod mag harutan “Pag ikaw Puma na inlove, sinasabi ko sayo gagapang ka sa lusak tandaan mo yan” sabi ni Dane dito na tinawanan lang ng lalaki.
 
“hindi ako maiinlove tol” ayaw kong matulad sa inyong dalawa. Isa pa hindi naman pwede yong nag iisang babae na nagustuhan ko”  dagdag pa nito dahilan para matahimik silang lahat. May nagugustuhan na itong babae? Aware siyang madami itong babae pero ang alam niya ay panay fling lang ang mga iyon.
 
Ng medyo makabawi sa sinabi ng binata ay sabay itong sinuntok ng dalawang lalaki sa tabi nito bago mahigpit na inakbayan. Sira ulo ka, may nagugustuhan kana pala pero hindi namin alam, hayop ka sino ang malas na babaeng yan huh? Pangungulit ng dalawa dito pero ayaw naman sumagot noong isa kaya ayon, nag harutan nanaman ang tatlo sa kwarto niya.
 
Hinayaan lang ulit nila ang mga lalaking mag suntukan. Si fire naman na alam niyang may lihim na pag tingin kay Puma ay hindi mapigilang sumimangot, kapansin pansin din ang pag tamlay nito.
 
PAG KALIPAS NG ILANG BUWAN AY PINAYAGAN NADIN SIYA NG DOCTOR na ma discharge, umay na umay na siya sa hospital, kaya tuwang tuwa siya ng sabihin nito na pwede na siyang lumabas, pero siempre madami itong bilin na hindi pa niya pwedeng gawin kahit magaling na siya.
 
Sa condo niya siya nag pahatid, nandoon din ang kakambal niya. Ni-request niya sa daddy niya na doon na patirahin ang kakambal niya ng umuwi na ito sa palawan dahil may mga kailangan pa itong asikasuhin, she and her twin became so close pag katapos nilang mag iyakan sa hospital, nalaman niya na nililigawan pala ito ng isa sa mga kasama ng daddy niya sa pag rescue dito.
 
Masaya silang nag sasalo sa hapunan na sadyang ihinanda ng kapatid niya para raw sa pag uwi, parang pa welcome party daw nito sa kanya dahil sa wakas ay nakalabas na siya ng hospital, nag effort talaga ito dahil may ginawa pa itong decoration sa loob ng kanyang condo she was surprised to know that her sister is a very artistic person not to mention that her cooking is also great, she will make a good wife. Tatlo lamang sila ngayon dahil hindi pwede ang iba pa kaya si Brent lang ang nag sundo sa kanya sa hospital kanina. Okay lang naman sa kanya, dahil nakikita niyang hindi pa masyadong komportable ang kapatid sa iba niyang kaibigan, kay Brent at sa Daddy niya palang ito comportableng makipag usap, nakakatuwa din na unti unti ng lumabas ang makulit nitong pag uugali. She asked her twin how she learn how to cook? masaya naman itong nag kwento, according to her nung nakakulong pa ito sa bahay ni Lei ay wala itong ibang magawa kaya inaabala nito ang sarili sa mga gawain bahay, cooking in particular at sa pag de-decorate at pag dedesign ng kung ano ano.  
 
Ng matapos silang kumain ay umalis na din si Brent, para daw makapag bonding pa sila ng kapatid niya na ipinag papasalamat naman niya dito, they really have so many things to talk about if she want to know her sister more. Kaya malaking bagay na hinahayaan siya ng kasintahan na magkaroon ng time sa kapatid kahit alam niyang gusto din nitong bumawi sa mga lost time nilang dalawa. Lalo tuloy siyang nai-inlove sa lalaking yon.
 
Ng makaalis na ito ay magkatulong nilang inayos ni Elise ang bahay, hindi muna nila tinanggal ang mga ginawa nitong decorations, she liked those cute decorations that her sister made for her. Inayos nalang muna nila ang mga pinag kainan bago sila pumasok sa kwarto para mag handa sa pag tulog.
 
There is a spare room in her unit, but they decided to use the same room. Nang parehas na silang nakahiga ay humarap siya sa kakambal bago ito tinanong.
 
“So, how’s the thing between you and Mr. Agent? What’s his name again?” kinikilig niyang tanong sa kakambal. Nakita niyang namula ang mukha nito kaya napatakip siya sa sariling bibig.
 
“O.M.G. don’t tell me” nanlaki lalo ang mata ni Monique ng mag takip ng kumot sa mukha ang kanyang kapatid. “So kayo na?” tanong niya dito.
 
Dahan dahan itong nag alis ng talukbong bago parang nahihiyang tumango. Nag tititili naman siya dahil sa pag amin ng kapatid. “kailangan ko siyang makilala, kelan mo siya ipapakilala sakin? Oh my god!, may jowa kana. Im so happy for yooouuuuuu!!” natawa naman ang kakambal niya dahil sa naging reaction niya. Hindi sila agad natulog ng gabi na iyon dahil hindi niya ito tinantanan hanggat hindi nito kinukwento ang love life sa kanya. Hindi naman siya nahirapang kombinsihin ito dahil excited din naman itong mag kwento ng tungkol sa lalaking tumanggap dito ng buong buo.

(Silva Series Book 1) Alexous Brent Silva - CompletedWhere stories live. Discover now