Part 1 - Chapter 5

2.1K 198 41
                                    

Benjamin

Ayoko ng pulitika. Sa totoo lang, naniniwala ako na hindi pagsisilbi ang gusto ng taong pinapasok ang pulitika, kundi kapangyarihan. Kapangyarihan para maipakita niya sa mga taong kanyang nasasakupan na mas mataas siya. Mas magaling. Mas makapangyarihan. Dahil doon, nagkakaroon tuloy ng maling paniniwala na mas nakahihigit na siya kesa sa mga taong nakalimutan niyang naglagay sa kanya sa pwestong kanyang kinalalagyan.

Hindi ko alam kung bakit lagi na lang, tuwing umpisa ng klase, ay dapat bumoto ng mga kaklaseng maghahari-harian sa classroom. Yun tipong alam na alam naman ng lahat na pare-pareho lang kaming estudyante, pero iba ang tingin nila sa sarili nila.

Ang nakakainis pa, kahit wala akong kainte-interes sa bagay na iyan, mula nang Grade 5 ako, ako na ang laging nabobotong escort sa classroom. Siguro tingin sa akin ng mga kaklase ko gwapo ako. (Humble kunwari.) Dahil tuloy doon, napapabilang ako sa mga pinaniniwalaan kong naghahari-harian sa classroom.

Nang inannounce ni Mrs. Tejada na magbobotohan kami, hinayaan ko na lang ang mga kaklase ko. Ngayong pinagsama na ang dating III-A at III-B, siguradong wala nang lugar ang dating class officers ng III-B sa magiging listahan ng Classroom Hari-harian, este Classroom Officers para sa taong ito.

Anong panama ni Jane Flores, yung dati naming president, sa dating president ng III-A na si Jeruel Santillan? Nahulaan ko na ang mangyayari. Mananalo si Jeruel bilang presidente at lahat ng susunod na posisyon ay mapupunta sa mga dati rin niyang kaklase. Pustahan?

Kaya naman nang parang nag-iba ang ihip ng hangin, bigla tuloy akong nagkaroon ng pakialam. Tama ba ang narinig ko? Si Paul ang nanalong presidente? Oo tama, kasi ibinigay na ni Ma'am yung chalk sa pandak kong katabi at tumayo na sa unahan ang hambog. Hindi lang iyon, si Jeruel pa mismo ang nagnominate sa pangalan ni Paul at siya pa mismo ang nagclose ng nomination nang hindi man lang hinihintay na manominate din siya. Weird.

Mas wirdo pa ang sumunod na nangyari. Lahat ng sumunod na nanalo kay Paul ay galing sa dating III-B. Nakapagtataka. Sayang lang dahil parang medyo huli na nang mapansin kong kinokontrol ni Paul ang botohan, dahil parang sinasadya niyang wag tawagin ang mga katropa ni Jeruel twing nagtataas ng kamay para bumoto. Aba, anong gusto niyang patunayan? Siya lang ang may karapatan maghari-harian sa classroom, at si Jeruel, hindi?

Escort na ang pinagbobotohan nang magising ang diwa ko. Narinig ko kasing ninominate na naman ako ni Lalaine, dating III-B. Ito na ang huling pagkakataon para makasali si Jeruel sa listahan ng Classroom Officers at di ako makapapayag na magtagumpay si Paul sa pinaplano niya.

Laking pagtataka ng lahat nang nagtaas ako ng kamay para magnominate. Aaminin ko, unang beses ko yung ginawa. Kasi sabi ko nga di ba, wala akong kapaki-pakialam sa bagay na iyan?

Ilang sabunan pa mula kay Ma'am ang nakuha ko bago ko tuluyang nasabi ang pangalan ng taong gusto kong makalaban ko at manalo para sa posisyong escort.

Nagulat silang lahat. Si Paul, si Ma'am, at mga kaklase ko. Anong problema? Bakit, nakakagulat bang inominate si Jeruel sa posisyong iyon? Kung iyon lang ang natatanging paraan para makasama pa rin siya sa listahan, bakit hindi?

"Excuse me? But why did you do that? Do you even know me?"

Una iyon. Iyon ang unang unang beses na kinausap ako ni Jeruel. Dahil sa tuwa ko ay hindi ko napigil ang sarili kong tumawa.

Tinatanong niya kung kilala ko siya? Alam kaya niya na bata pa lang kami, kilala ko na siya? Araw araw, tuwing dumadaan ako sa kanila, nakikita ko siya. Araw araw, nakikita ko siya dito sa school, nag-aaral sa bench, o di kaya'y kumakain kasama ng tropa niya sa canteen. At nakapagtataka man, pero siya lang ang nagiisang taong pumukaw ng interes ko pero hindi ko pinagplanuhang gawan ng masama. Hindi kailanman. Hindi ko rin alam kung bakit. Basta alam ko lang, iba si Jeruel Santillan. Hindi siya yung tipong masisiyahan ako pag binully ko.

Two RoadsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon