Part 1 - Chapter 14

1.7K 192 17
                                    

Benjamin

Nabanggit ko na na kaya ako sumali sa COCC last year, gusto kong maging CAT officer para katakutan akong lalo ng mga schoolmates ko pagdating ko ng Fourth Year. Iyon din ang intensyon ng mga kaibigan kong sina Kenneth, Andrew at Chino at kung hindi nga sila nakick-out, tiyak na matagal na kaming naghahasik ng lagim sa buong St. John King Academy bilang CAT officers at inaabuso ang kapangyarihan namin.

Pero hindi ko maintindihan, bakit bigla bigla, hindi na ganoon ang gusto ko?

Kaya naman nang makita kong inaabuso ng bansot na si Paul ang kapangyarihan niya, hindi ko mapigilang makaramdam ng inis. Ang kapal kapal ng mukha niya. Kung wala naman sa kanya ang ranggo niyang iyon, isa lang naman siyang batang iyakin na isang suntok mo lang tiyak na wala siyang binatbat.

Nagulat ako dahil hindi pa man natatapos maglinis ang mga cleaners, sumigaw na siya't nagpahanay. Nataranta tuloy halos lahat, at maraming nalate. Yung iba kasi ay nanggaling pa sa taas kung kaya natagalan.

Babae o lalaki, wala siyang pinili. Lahat, pinarusahan niya. Kupal talaga.

Maya maya pa, hayun, at humahangos, hingal na hingal at tagaktak ang pawis, si Jeruel Santillan. Late na late na siya sa bilang ni Paul at kung yung mga nauna sa kanya ay naparusahan, paano pa kaya siya?

Pero iba si Jeruel. Gaya ng nakasanayan ko, hindi siya kinakitaan ng takot. Hindi gumagalaw ang mga mata niya nang tumayo siya ng tuwid sa harap ni Paul at sumaludo.

"Permission to join the platoon, Sir!"

"Give me ten weeks."

Nagulat kaming lahat. Nagkatinginan pa kami ng katabi kong officer. Ten weeks? 70 na push ups? Hindi na yata tama iyon.
Hindi nagreklamo si Jeruel. Mabilis siyang dumapa sa lapag at nagsimula nang magpush up. Sa totoo lang, ang gwapo niya lalong pagmasdan habang nagpupush up siya pero hindi ko hahayaang mahirapan siya nang todo. Tumayo ako sa harapan niya at pinatigil ko siya sa ginagawa.

Kitang kita ko ang tapang niya. Kahit pulang pula na ang mukha niya, nanatiling hindi gumagalaw ang mga mata niya. Determinado pa rin. Hindi pa rin natatakot.

"Pinapatawag ka ni Mr. Ramirez. "

Iyon ang unang pumasok sa isip ko. Bahala na. Alam kong magagalit lang siya pag nalaman niyang hindi naman talaga siya pinapatawag ni Sir. Pero yun lang ang alam kong paraan para patigilin si Paul sa kahibangan niya. May kapangyarihan lang siya. Iyon lang yun. May laman si Jeruel. Mas tao si Jeruel. Mas magaling si Jeruel... Mas mahalaga si Jeruel para sa akin. Kaya wala akong pakialam sa kung anong iisipin ng bansot na Paul na yun.

Umalis si Jeruel at umakyat sa taas. Nagpatuloy kami sa drills. Maya maya ay napansin kong kasama na ni Jeruel si Sir Julius sa hallway at nakatingin sila sa amin. Ano kayang pinaguusapan nila?

Matagal tagal din silang nagusap. Natapos na kami't lahat ay naroon pa rin sila. At parang seryosong seryoso. Maya maya pa'y nakita ko nang bumababa na ng hagdan si Jeruel. Napansin kong parang tuliro siya. At parang may kulang.
Naalala kong bigla. Dali dali akong umakyat papunta sa third floor, sa classroom namin at tama ang hula ko. Naiwan nga niya ang mga libro niya na nakalagay sa Bench na paperbag. Kinuha ko iyon at tumakbo ako pababa ng hagdan at palabas ng gate. Sana maabutan ko pa siya para maibigay ko yung mga libro niya. Kung hindi naman, idadaan ko na lang sa kanila.

Pero hindi na kailangan, dahil ayun, hindi pa gaanong nakakalayo, si Jeruel, at parang lutang ang isip. Parang ang lungkot lungkot ng aura niya at hindi ko alam kung paano ko siya kakausapin.

Lumapit ako sa bandang likuran niya at huminga ako ng malalim bago ako nagsalita.
“Jeruel."

Huminto siya at lumingon. Ipinakita ko ang hawak kong Bench na paperbag.

Two RoadsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon