Part 1 - Chapter 22 (Part 2 of 2)

1.4K 171 23
                                    

Benjamin

Hindi mahalaga kung kaming dalawa lang ni Jerry ang nakaalam kung anong meron kami. Sa totoo lang kasi, ang hirap din na ilagay sa salita kung anong namamagitan sa amin. Basta ang alam ko lang, pag tumitingin ako sa mga mata niya, kumpleto ako.

Hindi ko deretsang inamin kay Sir Julius ang relasyon namin ni Jerry. Parang naramdaman na lang niya. Nagulat na lang kasi ako isang beses na kinausap niya ako.

"I'm just too happy for both of you."

Nagpasalamat na lang ako sa kanya at naisip ko, kilalang kilala talaga ako ni Sir. Na para bang matagal na kaming magkakilala.

Wala kaming tawagan ni Jerry. Hindi ko siya pwedeng ituring na boyfriend dahil ano niya ako kung ganun? At hindi naman pwedeng ako ang boyfriend niya, at siya ano? 'Jerry ko.' Yun ang madalas kong itawag sa kanya.

Isang beses nadulas ako. Nasa classroom kami at nagkukwentuhan sila Jerry, Miguel, Vanessa, at Norman. Lumapit ako dahil may itatanong ako sa mahal ko.

"Jerry ko."

Nakita kong nanlaki ang mga mata ni Jerry. Gulat naman ang rumehistro sa mga mukha ng tatlo niyang kasama.

Shit. Patay. Bistado na ko. Bakit ba kasi hindi ka nagiisip Benjamin?

"Bakit mo siya tinawag na Jerry ko?" tanong ni Vanessa.

Hindi ako makapagsalita. Anong sasabihin ko? Nakatitig lang si Jerry sa akin. Hindi gumagalaw ang mga mata niya.

"Oo nga Benjamin, ayun si Jericho o, nasa unahan." Itinuro ni Miguel si Jericho Acosta. Isa sa mga kaklase namin.

"Naturingang bestfriends kayo, nalilito ka?" si Norman.

"Oo nga Benjie. Magtatampo ako sayo niyan. Magkamukha ba kami ni Jericho kaya ka nalito?" nakangiting tanong ni Jerry.

Nang mga sandaling iyon, gusto kong tumawa. Tumawa nang malakas na malakas. Hay salamat sa Diyos dahil nilikha Niya si Jericho Acosta. Kundi bistado na kami ni Jerry. Kitang kita ko sa mga mata ni Jerry na gustung gusto din niyang tumawa, pinipigil niya lang.

"Hindi no. Mas pogi ka dun, bestfriend ko."

Ngiti ang isinukli ni Jerry sa akin. Alam mo yun, yung ngiting hindi ako masanay sanay. Yung ngiting dati ay nagpapaganda lang ng araw ko, ngayon higit pa.

Ang lakas lakas ng sex appeal ni Jerry lalo na pag ngumingiti siya. At aaminin ko, gusto kong gawin sa kanya yung bagay na yun.

Hindi ko alam, pero tiyak ako, magagalit siya pag nalaman niya. Na tuwing gabi, sumasagi siya sa isip ko, at iniimagine kong ginagawa namin yun. Gusto kong maranasan kung ano ang pakiramdam. Kaya lang, ayoko namang mauna. Kasi, baka wala pa sa isip niya iyon. At baka isipin niya, ganun lang ang gusto ko. Ayokong isipin niya na itutulad ko lang siya kay Marjo. Mataas ang respeto ko kay Jerry.

Dahil siya ang unang nagpakita sa akin ng respeto. Naalala ko minsan, habang nagkukwentuhan kami, dumako ang usapan sa sex video na kinunan ni Kenneth noong February.
Nagulat ako sa nalaman ko. Sa buong panahon na inakala kong napanuod na ni Jerry yung video, hindi pa pala.

"Bakit hindi mo pinanuod?"

Tumingin siya sa akin at ngumiti. "Rule number 7, Benjie. Kahit hindi pa tayo OK nun, may respeto na ako sayo. And much more, may respeto ako sa sarili ko. Ayoko ngang maging tainted dahil lang sa napanuod ko yung video mo."

Natouch ako sa sinabi niya. Lumapit ako sa kanya at hinalikan ang makinis niyang pisngi.

"Thank you, Jerry ko."

Naging mapaglaro ang ngiti ni Jerry pagkatapos nun. "But you know what? Ngayon, parang gusto ko na siyang mapanuod."

"Ha? Bakit naman?"

Tumawa siya nang malakas. "I just want to see how it looks like."

"Ang alin?" painosente ko pang tanong.

"Yung ano... alam mo na."

"Ah." Umikot ang mga mata ko. "Yun lang pala. Bakit panunuorin mo pa? Ito oh, libreng libre."

Tumayo ako at binuksan ang pantalon ko. Seryoso ako. Kung gustong makita ni Jerry, bakit hindi? Wala naman akong dapat ikahiya sa mahal ko.

Pero nang ibababa ko na ang pantalon ko, pinigilan niya ako.

"Stop. Ano ka ba? I'm just kidding. Do you really believe I'm after that?"

Hinalikan ni Jerry ang mga labi ko. Habang tumatagal ay lalo siyang gumagaling humalik. Habang tumatagal ay lalong tumitindi ang pagnanais kong gawin ang bagay na yun sa nagiisang lalaking mahal ko.

"I love you way too much, Benjamin Arevalo."

Mahal ko rin siya. Mahal na mahal ko. Siguro, hihintayin ko na lang siya. Hanggang sa maging ready siya na gawin yun kasama ko. Pag dumating ang oras na yun, isinusumpa ko, hinding hindi niya makakalimutan. Hahaha.

Jeruel

How do I love thee? Let me count the ways.
I love thee to the depth and breadth and height
My soul can reach, when feeling out of sight
For the ends of Being and ideal Grace.

I love thee to the level of everydays
Most quiet need, by sun and candle-light.
I love thee freely, as men strive for Right;
I love thee purely, as they turn from Praise.

I love thee with a passion put to use
In my old griefs, and with my childhoods faith
I love thee with a love I seemed to lose
With my lost saints, --- I love thee with the breath
Smiles, tears, of all my life! --- and, if God choose,
I shall but love thee better after death.

Isinara ko ang hawak kong Literature book. Pumalakpak si Mrs. Tejada at sinundan ng mga kaklase ko.

"Beautiful. You made it all the more beautiful, Mr. Santillan, through the way you read it."

"Thank you Ma'am. But I'd rather not take the credit. The poem by itself is beautiful. As though it was written by angels."

Totoo. Ang Petrarchan Sonnet na iyon ni Elizabeth Barret Browning na pinamagatang 'How Do I Love Thee?' at may rhyme scheme na abba, abba, cdcdcd ay pinakamaganda na yata sa lahat ng tulang nabasa ko sa buong buhay ko. Ewan ko. Siguro dahil iyon ang mismong nararamdaman ko sa kasalukuyan kaya ko nasasabi ang mga bagay na ito, o talagang sinulat ng mga anghel ang tulang iyon para basahin ko sa klase ngayong araw habang nakalingon sa akin ang pinakagwapong lalaking nakilala ko sa buong buhay ko. Ang mahal ko, si Benjamin Arevalo.

Akala ko, bawat detalye niya ay kabisado ko na. Pero habang tumatagal, dumarami pang lalo ang maliliit na detalye kay Benjie na lalo kong minamahal. Habang nakikinig siya kay Maam ay pinagmamasdan ko ang dalawa niyang puyo, ang batok niyang balbon, ang tenga niyang kulay pink. Hindi ko maiwasang mapangiti kapag naaalala ko ang mga sandaling nakakulong kami sa kwarto niya at magtatanggal siya ng damit at hihiga sa kama niya. Napapakagat na lang ako sa labi habang minamasdan ko ang kanyang umuusbong pa lang na pinong buhok sa dibdib  kung saan madalas ay sinusubsob ko ang mukha ko at tawa lang siya nang tawa. Napakabango ni Benjie. Napakakinis. At gaya nga ng sabi ko, kaasam asam siya. Hindi ko mapigilan ang sarili kong panggigilan siya.

At aaminin ko, gusto kong gawin namin ang bagay na yun. Gusto ko lang maranasan. Gusto kong malaman kung ano ang pakiramdam. Pero ang problema, ayaw kong mauna. Baka kung ano ang isipin niya.

Pero maghihintay ako. Kapag handa na siya, sisiguraduhin kong handa rin ako. Alam ko, darating ang araw na iyon, at ibibigay ko ng buong buo ang sarili ko sa kanya.

Two RoadsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon