Jeruel
Sa wakas. Pagkatapos ng lahat ng tambak na gawain, ng pagpupuyat, pagpapakahirap, pagpupursige at pangangarap, pagkatapos ng mga ngiti at luha, pagkatapos ng lahat ng kompetisyon, dumating na rin ang araw na pinakahihintay ng lahat. Ang graduation day.
Magkahalong lungkot at tuwa ang nararamdaman ko. Tuwa, dahil panibagong achievement na naman to ng buhay ko. Lungkot, dahil sa loob ng apat na taon ko sa St. John King, napuno ang puso ko ng mga alaala. Alaalang iiwanan ko sa oras na umakyat ako ng entablado at kunin ang bunga ng lahat ng pinaghirapan ko.
Narito na kami sa auditorium ng bayan kung saan gaganapin ang recognition rites and graduation ceremonies ng St. John King Academy. Naggugwapuhan at naggagandahan ang lahat sa suot na puting toga. Iba ang pakiramdam sa hangin. Parang lumulutang. Araw namin ito!
Kahapon, habang pauwi ako bitbit ang toga at program para sa graduation day, nagulat ako nang sa harapan ko ay nakatayo si Chino Lim. Masama ang tingin niya sa akin.
Hindi ko siya pinansin at nilagpasan ko lang siya.
"Santillan. Pwede ba tayong magusap?"
Humarap ako sa kanya. "Tungkol saan?"
Tumitig siya sa akin sandali bago nagsalita ulit.
"Dederetsuhin na kita. Hindi kita gusto."
Natawa ako. "Bakit mo ako kinakausap kung ganun? And don't worry. The feeling is mutual. I don't like you either."
Sinimulan ko nang maglakad nang bigla niya akong hawakan sa braso. Pumiglas ako at itinulak ko siya palayo sa akin.
"Tell me all you want to tell me. Wag na wag mo lang akong hahawakan kung ayaw mong masaktan." sabi ko habang salubong ang kilay at matalim ang tingin.
Itinaas niya ang dalawang kamay na parang hinohold-up. "OK, let me get to the point. I don't like you but Benj does. He's into you."
Lalong nagsalubong ang kilay ko dahil sa narinig. Sinabi ni Benjie sa Chino na ito ang tungkol sa amin?
"I don't know what you are. Kung kagaya ka ba niya, or what. But one thing is I'm sure of. Benj is miserable. He is miserable because of you. Obviously, kung ano ka mang klaseng tao, hindi mo kayang ireciprocate kung ano yung kaya niyang ibigay. Kasi kung kaya mo, bakit nagiisa siya ngayon? Obviously, something else is more important to you than him. Can you do him a favor? Just stay out of his way. Stay out of his way and be good at it."
Humalukipkip ako sabay buntong hininga. "Who do you think you are para turuan ako ng dapat kong gawin?"
"I'm no contest. I may be his childhood friend but as I see it, you are everything I'm not. He likes you. And I hate you so much because of that fact. I hate you for the fact na mahal ka ni Benj pero wala ka sa tabi niya! So just do as I say at wag ka nang lalapit sa kanya. Benj will be fine. Darating ang araw at mawawala ka rin sa system niya. At mangyayari lang yun kung tuluyan ka nang mawawala sa paningin niya. I know it Santillan. For some reasons, hindi mo kayang pantayan ang nararamdaman niya. He needs it all, or nothing. If you can't do it, stay away, or papatayin kita."
Nagulat ako pero pinilit ko pa ring ngumiti. "Now that's rude. Hindi ako natatakot sayo, Chino Lim, for your information."
Ngumiti din siya. Sa totoo lang napakagwapo ni Chino. Deep inside labis akong nagtataka bakit parang hindi bumabagay sa hitsura niya ang mga ginagawa niya. "I'm not trying to scare you. I just want to let you know na wala akong hindi gagawin para kay Benj."
"Why?"
"Mahal ko siya. At baka sakali, matutunan niya akong mahalin, kung mawawala ka. Kasi ako Santillan, kaya kong tapatan kung anong maibibigay sa akin ni Benj, hihigitan ko pa. And that's what he deserves. He doesn't deserve anyone na handa siyang ipagpalit dahil sa mga pages ng libro, or ambitions that stink. He is precious, therefore he deserves someone na handa siyang ipaglaban at samahan at mahalin ng buong buo. At obviously, hindi mo kayang gawin yun. Ako, kaya ko."
BINABASA MO ANG
Two Roads
Teen FictionTwo young boys, two different lives, two hearts, one poignant story. 2013