Benjamin
First time kong sumali sa play. Second quarter pa lang nang magaudition kami para sa El Filibusterismo. Isa sa pinakamahalagang role ang ibinigay sa akin. Ang totoo, sobrang halaga dahil ang role ko, si Isagani, na kaibigang matalik ni Basilio na ginanapan ni Jerry, ay ang dahilan kung bakit itinuturing ng marami na nabigo si Rizal sa kanyang akda. Ngayon naintindihan ko na kung bakit.
Epal kasi si Isagani. Mamamatay na sana ang mga Kastila sa kwento kung hinayaan na lang niya na sumabog ang lampara. Eh palibhasa, nagmamahal, walang hindi gagawin. Lahat ipagpapalit.
Dahil siguro masyado kong nainternalize ang role ko, masyado akong nalungkot sa buong play. Nakatulong naman iyon dahil naganapan ko ng maayos ang role ni Isagani, kahit pa sobra sobra akong naiilang at natitigilan kapag hinihingi ng eksena na maglapit kami ni Jerry.
"At diyan nagtatapos ang munting pagtatanghal ng mga estudyante mula sa Ikaapat na Taon ng nobela ni Jose Rizal, ang El Filibusterismo. Mga nagsiganap: Paul John Alejandro bilang Simoun."
Nagpalakpakan ang mga tao habang papalapit si Paul sa unahan ng stage para magbow.
“Jeruel James Santillan bilang Basilio at Benjamin Arevalo bilang Isagani."
At talagang sabay pa kami? OK lang naman sa akin kung pangatlo ako sa billing.
Sabay kaming naglakad ni Jerry papunta sa unahan at nagulat ako nang bigla niyang hawakan ang kamay ko. Nagpalakpakan ang mga tao nang sabay kaming magbow.
Ang lungkot lungkot ko habang pauwi. Habang ang lahat ay nagpapakasaya dahil sa tagumpay ng play, ako, hindi ko maipaliwanag ang lungkot. Iyak ako nang iyak. Siguro dahil wala man lang nakakita ng ginawa ko. Wala si Lola. Kung buhay pa siya, siguro proud na proud siya sa akin. Baka ininvite pa niya ang mga kaibigan niya para panoorin ako. O baka dahil sa role ko. Nakakalungkot isipin na masyadong naging malungkot ang tadhana ng mga lalaki sa kwento ni Rizal. Sila Ibarra, Basilio, at Isagani. Lahat sila ay nawalan ng minamahal. Bakit ganoon? Ganoon ba talaga ang totoong disenyo ng buhay? Magmamahal ka ng totoo pero sa huli, ikaw pa rin ang mawawalan?
O baka dahil sa sarili kong kwento? Ang malungkot na kwento ng buhay ko? Dahil ba sa mga kamay na humawak sa kamay ko, sa balikat ko kanina? Dahil ba sa mga bisig na yumakap sa akin ng mahigpit kanina? Dahil ba sa mga matang tumitig sa mga mata ko kanina? Ewan. Dati rati, akin ang lahat ng iyon. Dati rati nakukuha ko ang lahat ng iyon kahit nasa pribadong lugar kami at walang nakatutok na spotlight. Dati rati, nararamdaman ko siya hindi bilang si Basilio kundi si Jerry. Hinahawakan niya ako hindi bilang si Isagani kundi si Benjie. Hindi ko alam kung ano ang nangyari.
Hindi ako sa bahay dumeretso. Sa halip, doon ako nagpunta sa Chinese house malapit sa amin. Agad akong sinalubong ni Chino at nang mapansin niya ang luha sa mga mata ko, naningkit lalo ang mga mata niya.
"Benj?"
Yumakap ako ng mahigpit sa kanya. Isinubsob ko ang mukha ko sa kanyang leeg. At bago ko pa namalayan, siniil ko na ng halik ang mga labi niya.
May nangyari sa amin ni Chino. Iyon ang unang karanasan ko sa sex na lalaki ang kapareha ko. Napakabango ni Chino, maputi, makinis, magaling. Nakakalunod ang mga halik at haplos niya sa akin.
Ang hindi niya alam, sa buong panahon na ginagawa namin iyon, hindi siya ang nakikita ko. Hindi ang tuwid at itim niyang buhok ang hinahaplos ko, kundi ang malambot at kulot kulot na buhok ni Jerry. Hindi ang singkit niyang mga mata ang tinititigan ko, kundi ang walang kilos na mga mata ni Jerry. Hindi ang mga labi niya ang sinisiil ko ng halik, kundi ang mga labi ni Jerry.
Hindi ko kayang itago ang nilalaman ng puso ko, kaya nang mailabas ko ang huling init ng katawan ko, nabanggit ko kung sino talaga ang sinisigaw nito.
"Mahal kita, Jerry."
Nahimasmasan ako. Nakita ko na lang na nakatitig ang namilog na mga mata ni Chino sa akin. Malakas niya akong itinulak at humiga nang nakatalikod sa akin.
Umupo ako sa gilid ng kama, patalikod sa kanya.
"After all this time, Benj. Paano mo nagawang hindi sabihin sa akin?"
Hindi ako kumibo. Hindi ko alam ang sasabihin ko.
"I opened myself up to you. Inisip ko pa nga na baka hindi mo ako matanggap. I even thought na homophobic ka, the way you ridiculed gay people from the past. Pareho lang pala tayo, Benj. How could you keep it from me, when in fact, I made myself known to you once and for all?"
"Para saan pa? Bakit ko pa ipapaalam na pareho lang tayo? Para ano? Bigyan ka ng false hope?"
"False hope? Ang kapal ng mukha mo! Anong gusto mong palabasin? Na kapag inamin mo sa aking bakla ka rin eh lalo akong magpapakabaliw sayo dahil makakasilip ako ng pag-asa? What do you think happened now? Hindi mo ba ako binigyan ng false hope that you could actually make love with me when in fact you were wishing I was him instead?"
"Sorry."
"Sorry? Is that all you can say? Ginamit mo ako, Benj. You are frustrated because of some asshole of a dreamboat tapos sa akin mo ilalabas ang init ng katawan mo? Bakit? Dahil alam mo na pagbibigyan kita, ganoon ba? Ilang beses tong mangyayari? Everytime na pasasabikin ka ba ng Jerry na yan, ako ang pupuntahan mo?"
“Hindi kita ginamit!" Galit na galit na ako sa sinabing iyon ni Chino. "Ginawa ko yun dahil.. dahil gusto ko!"
"Oh come on!" Bumangon si Chino at humarap sa akin. "Fool yourself, Benj. Putang ina. Ang tanga tanga ko lang dahil gustung gusto kita. I'd rather you did it out of nothing at all kesa you did it kasi you just can't do it with him. Kung alam ko lang na may kahati pala ako, hindi sana ako pumayag. Nakakahiya. Ano nang tingin mo sa akin ngayon? I can't blame you kung ngayon pinagtatawanan mo na ako dahil ang bilis mo akong nakuha kasi patay na patay ako sayo."
Umiiyak si Chino. Ano tong nagawa ko? Bakit ko siya sinaktan? Totoo yung sinabi niya. Nagamit ko siya dahil sa sarili kong kalungkutan. Ginamit ko siya dahil hindi ko magawa ang gusto ko kay Jerry. Napakagago ko.
"Sorry, Chin. Niyakap ko siya nang mahigpit habang patuloy pa rin siya sa pag-iyak. "Hindi ko na uulitin. Sorry talaga."
BINABASA MO ANG
Two Roads
Teen FictionTwo young boys, two different lives, two hearts, one poignant story. 2013