Part 1 - Chapter 31

1.2K 169 2
                                    

Benjamin

Akala ko hindi ko na kakayanin pang magkwento. Aaminin ko, nawalan ng halaga sa akin ang LAHAT ng bagay dahil sa pagkawala ni Lola. Ilang araw na rin, pero hindi pa rin ako sanay.

Minsan nga, gigising ako sa umaga at hahanapin ko siya, at bigla ko na lang maaalala na wala na nga pala siya.

Hindi na nga pala ako pumasok pa sa school. Ang sarap nga eh. Gigising ako sa umaga sa oras na gusto ko at gagawin ko ang lahat ng gusto ko. Akalain mo yun, wala nang nagpapaalala sa akin na gumising, kumain, maligo, mag-aral, at kung anu ano pa. Malayang malaya na ako.

Pero malungkot. Malungkot na malungkot ako.

Alam mo yun, yung handa kong gawin ang lahat, handa kong ipagpalit ang lahat, bumalik lang ako sa oras na sinusuotan ako ni Lola ng kurbata. Iyon kasi ang huling beses na nakita ko siyang buhay. Iyon na pala ang huli kong chance na maiparamdam sa kanya na mahal ko siya.

Pero hindi eh. Kahit anong gawin ko, hindi na iyon mangyayari.

Magisa na lang ako. At kailangan ko nang tanggapin iyon.

Dalawang araw pa lang yata, lunod na ako sa dami ng kalat, sa dami ng hugasan, sa dami ng labada. Hindi ko 'to kaya. Buti na lang nagpadala si Daddy ng babaeng katulong dito. Noong una nga, ayoko. Pero napilit pa rin niya ako. Basta ang kondisyon ko, ayoko ng pakikialaman ako sa mga ginagawa ko.

Hindi naman siya nakikialam. Nilock ko ang kwarto ni Lola at hindi pwedeng pumasok ang katulong doon. Sa sala siya natutulog. Sa sofa.

Madalas, nakakulong ako sa kwarto kaya hindi ko rin siya masyadong nakikita. Bakit ako nagkukulong? Hindi ko matanggap eh. Na ang mundo sa labas ay tuluy tuloy pa rin ang pagikot. Ang mundo ko, matagal nang tumigil. Maige nang hindi ko makita ang nangyayari sa labas.

Lagi akong binibisita nila Andrew at Kenneth, lalong lalo na ni Chino. Si Chino. Alam kong hindi niya tinupad yung sinabi niyang kalilimutan na niya yung nararamdaman niya para sa akin. Ramdam ko pa rin siya lalo na nitong mga nakakaraang araw. Hindi siya nagkulang na iparamdam sa akin na kasama ko siya, at hindi niya ako iiwan. Mahal ko siya. Pero hanggang kaibigan lang talaga. At naiintindihan naman niya iyon.

Isang hapon, habang abala ako sa pagdodrawing sa loob ng kwarto ko, biglang kumatok yung katulong. (Ni hindi ko nga alam kung anong pangalan niya.)

"Benjie, may bisita ka."

Ako, dahil inisip na sila Chino lang yun, sumagot ako.

"Paakyatin mo na dito sa kwarto."

Nagulat ako nang bumukas ang pinto. Hindi si Chino, Andrew, o Kenneth ang nakita ko.

"Ma'am Tejada?"

***

Pinagmasdan ko kung paano malusaw ang yelo sa baso ng inumin ni Ma'am na inakyat ng katulong. Tahimik lang na nakatingin sa akin si Maam.

“Alam ko kung bakit nandito kayo. Hindi ang sagot ko, hindi na ako babalik."

"Sayang kasi, Benjamin. You started well. Konti na lang, graduation na."

Nagulat ako. First time yun. Na tinawag niya ako sa pangalan ko.

"Who cares? Sakit lang naman ako ng ulo sa school na yun, bakit pababalikin niyo pa ako?"

"That's what you think you are. Kaya ganoon ang ginagawa mo, tama ba?"

Ngumiti ako ng mapanguyam na ngiti. "Pwede po ba, Ma'am, wag na tayong maglokohan."

"Hindi kita niloloko. Walang nanloloko sayo. Unless, ikaw mismo ang lumoloko sa sarili mo. Ito na lang ba talaga ang gusto mo? Kuntento ka na sa ganito? Or this is just what you told yourself to believe?"

Tumaas ang kilay ko. "Pumunta ka ba dito Ma'am para paandaran ako ng mga pilosopiya mo? Kahit ano pang sabihin niyo hindi na ako babalik sa school niyo. Si Lola lang naman ang may gustong magaral ako doon eh. Ngayong wala na siya, ano pang dahilan ko?"

Tumangu tango si Ma'am. "OK. I give up. Siguro nga, si Mrs. Arevalo lang talaga ang may gusto ng lahat. Bakit pinipilit pa kita? I just thought that with her gone, mas pahahalagahan mo yung effort niya, but I was wrong."

Kumunot ang noo ko. "Effort? Di ba nagbayad lang naman ng malaki si Lola? Kung hindi naman niya ginawa yun, hindi niyo na ako tatanggapin, di ba? Nakick out na nga ako eh."

Gulat na gulat si Ma'am sa narinig. "Oh? Is that what you've been believing all along? Well, I'm sorry to tell you my dear boy, pero hindi iyon ang nangyari. If you're thinking na nabibili ang school ng pera, nagkakamali ka. Kahit gaano kalaki pa yung inoffer ng Daddy ni Chino Lim sa school hindi siya tinanggap di ba? You should have known. You're friends with Chino, right? Alam mo kung bakit ka tinanggap ulit sa school? Kasi nagmakaawa ang Lola mo. Kasi umiyak siya. Kasi sinabi niya sa amin na kailangan mo ng isa pang pagkakataon, na kapag nawala pa sa iyo ang pag-aaral mo, wala nang matitira. Nakita namin sa mga mata niya kung gaano kahalaga sa kanya na makumpleto mo ang edukasyon mo. I feel sorry for her, Benjamin. I feel sorry for her na ngayong wala na siya, all her efforts will be put to waste."

Ako naman ang nagulat sa sinabi ni Ma'am. Ginawa ni Lola yun? Bigla kong naalala yung araw na umuwi siya at masayang masaya dahil tinanggap ako ulit sa St. John King.

Yun yung araw na nakita ko rin sa mga mata niya ang pagnanais na makatapos ako. Umiyak pala siya. Nagmakaawa? Para lang tanggapin ako ulit?
Tumulo ang luha ko. Kung alam ko lang, hindi sana ako nagpabaya kahit konti. Kung alam ko lang, hindi ko sinayang ang effort ni Lola.

“Lumuhod siya sa harapan ni Mrs. Martinez at lahat kami naawa sa kanya. Tinulungan namin siyang tumayo. Para sa amin, it's not worth it. Pero para sa kanya, if it's worth her grandson graduating, why not? Benjamin. It's never too late. May magagawa ka pa para makabawi sa Lola mo. Wag mong sayangin yung mga pangarap na binuo niya para sayo."

Umiiyak si Ma'am. Lalo tuloy akong naiyak.

"Now, if you'll excuse me, I have to go. Thank you for your time, Benjamin."

Tatalikod na sana si Ma'am nang pigilin ko siya. "Ma'am."

Lumingon siya sa akin. Pinunasan ko ang basa kong mukha at determinadong tumingin sa kanya.

"Magschedule po kayo ng special quizzes para sa akin ha? Magrereview po ako. Sayang, Top 7 na ako nung third quarter. Baka bumaba pa."

Dahil sa sinabi ko ay napangiti si Ma'am. "See you at school, Mr. Arevalo."

Two RoadsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon