Part 1 - Chapter 22 (1 of 2)

1.5K 168 3
                                    

Benjamin

Ang sarap magmahal pag bata ka pa. Kapag wala pang masyadong alam ang puso mo. Ang sarap ng pakiramdam na unang beses mong ibibigay ang tiwala mo, ang puso mo, ang buong pagmamahal mo. Ang sarap gumising tuwing umaga na alam mo, nahanap mo na ang lugar mo sa mundong ito. Nahanap mo na ang dahilan bakit kailangan mong gumising araw araw at harapin ang buhay. Nahanap mo na ang taong makakasama mo. Ang taong papangarapin mong makasama hindi lang ngayon, kundi hanggang sa huli.

Sa dami ng maling desisyon at kapalpakan ko sa buhay, alam ko, mahal pa rin ako ng Diyos dahil sa dami ng mga kasalanan ko, sa dami ng pagkakamali ko, binigyan pa rin Niya ako ng isang bagay na hindi ko deserve. Isang katulad ni Jeruel Santillan. Si Jerry ko.

Ang swerte swerte ko. Hiningi ko siya sa Diyos bilang partner ko lang sa I.P. Naging magkaibigan kami. Doon pa lang, sobra sobra nang kaswertehan ang dumating sa buhay ko. Tapos ngayon, minahal ko siya, at minahal din niya ako pabalik. Ako na ang pinakaswerteng tao sa buong mundo.

Minsan nga, iniisip ko, hindi lahat nabibigyan ng chance na lumigaya tulad ng nararanasan ko. Hindi lahat ng tulad ko na ganito ang pagkatao, nakukuhang mahanap ang taong mamahalin nila at magmamahal sa kanila. Kapag tinitingnan ko nga ang mga kaklase kong bading, tulad ni Alfie, nasasabi ko na mas sinwerte pa ako kesa sa kanila.

Mahal na mahal ko si Jerry. Mamahalin ko siya nang buong buo. Hinding hindi ko siya sasaktan. Lahat gagawin ko, maging masaya lang siya, at ipaparamdam ko sa kanya na handa ko siyang protektahan ng buong buhay ko. Aalagaan ko siya dahil iyon ang nararapat gawin sa regalong natanggap. Sa isang napakaprecious at napakaspecial na regalong nababalutan ng kulot na buhok, magagandang mga mata, perpektong ngiti, matipunong pangangatawan at matalinong pagiisip.

Si Jeruel James Diaz Santillan. Si Jerry ko. Mahal na mahal na mahal ko siya.

Jeruel

Mula ng gabing iyon, hindi ko na alam kung paano pa mabuhay nang hindi masaya. Matapos kong ipaalam sa kanya kung gaano ko siya kamahal, matapos kong halikan ang mga labing napakatagal akong pinanabik, alam ko, lahat ng bagay ay nagbago na.

Hindi kami nagusap sa kung ano na ang relasyon namin. Lahat ng mga iyon, mga tawagan, petsa, at kung anu ano pa, hindi naman mahalaga. Ang mahalaga para sa amin, alam namin na pagaari na namin ang isat isa. Sa kanya ako. At siya, sa paraan ng pagmamahal niya sa akin, alam ko, akin siya.

Mas masarap pala kapag gumigising ka araw araw na inspirado kang ibigay ang lahat ng makakaya mo. Kasi sa pagkakataong ito, hindi lang ang pamilya at ang pangarap mo ang nakikita mo sa line of view mo, kundi pati ang taong nagparamdam sayo ng sobra sobrang kasiyahan, na never mo pang naramdaman dati.

Lagi niyang sinasabi na hiningi niya ako sa Diyos. Ewan ko. Kasi kung ako ang tatanungin, inihatid siya sa akin ng mga anghel. Dahil ang totoo, isa siyang anghel na piniling bumaba sa langit para makasama ko.

Kapag kasama ko siya, pakiramdam ko, kumpleto ako. Pakiramdam ko, ligtas ako, dahil pinoprotektahan niya ako ng buong buhay niya. Ang sarap palang magmahal. Ang sarap din ng may nagmamahal sayo. At dahil doon, aalagaan ko siya. Iingatan. Hinding hindi ko siya pababayaan.

Dahil maswerte ako. Hindi lahat ng tao nabibigyan ng chance maging ganito kasaya. Yung iba nga, buong buhay ang nilalalaan mahanap lang ang taong magpapaligaya sa kanila.
Ako heto, nasa harapan ko na. Napakagwapo at kaasam-asam. Mula sa malambot niyang buhok, sa singkit niyang mga mata. Sa mga labi niyang mapula at manipis. Sa matipunong pangangatawan, hanggang sa kahuli-hulihan at kaliit-liitang detalye ng katawan niya't pagkatao, mahal ko, mahal na mahal ko.

Si Benjamin Kim Arevalo. Si Benjie ko. Mahal na mahal na mahal ko siya.

Two RoadsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon