Jeruel
Mabilis na lumipas ng mga araw. Palapit na palapit na kami sa graduation day. Konting konti na lang matatapos na ang buhay high school. Konting konti na lang.
Bumukas ang telon at tumapat sa akin ang spotlight. Play namin sa El Filibusterismo. Napuno ang school ground ng mga manonood. Sold-out ang tickets. Siguro, malaki ang inasahan nila dahil sa tagumpay ng play namin last year, ang Noli Me Tangere.
Ako si Basilio. Last year, si Paul ang gumanap na Basilio, kuya ni Crispin na ginanapan ni Alfie at anak ni Sisa na ginanapan naman ni Vanessa. Last year, ako si Juan Crisostomo Ibarra, ang bida sa Noli Me Tangere, kaparehas ni Maria Clara, na ginanapan naman ni Daphne.
Nagpa-audition ulit ang direktor namin ngayong taon, at palibhasa'y nagbago na ang katauhan ni Juan Crisostomo Ibarra at naging madilim na si Simoun, ang role na iyon ay napunta na kay Paul. Basilio ang ibinigay nila sa akin. Mas bagay daw kasi ang mabait na role sa akin.
Binata na si Basilio sa kwento at nagaaral ng Medisina.
Malayo na ang itinakbo ng play at nasa part na kami na magpapadala na ang magaalahas na si Simoun (Paul) ng lampara ng kamatayan sa piging sa pagdiriwang ng kasal nila Paulita Gomez (Daphne) at Juanito Pelaez (Miguel) na oras na sumabog, mamamatay ang lahat ng mga prayle, mga Kastila, mga umaapi sa mga Pilipino. Lahat. Gustong maghiganti ni Simoun dahil sa kanyang sinapit sa kamay ng mga Kastila.
Si Simoun ay siya ring si Juan Crisostomo Ibarra sa Noli Me Tangere, na ginanapan ko last year. Naapi siya, pinagtaksilan, at nawalan ng minamahal. Ngayon ay bumabalik siya sa katauhan ng madilim na si Simoun na nagtatago sa likod ng makapal na bigote't balbas at pinagkakatiwalaan ng Kapitan-Heneral, upang maghiganti. At si Basilio ang tanging nakakaalam ng malagim na pinaplano ni Simoun.
Habang nakatapat ang spotlight sa akin ay naglakad lakad ako habang nagpe-play ang boses ko sa background. Kunwari kasi, yun ang sinasabi ng isip ko. Nagtatalo kasi ang isip ko kung hahayaan kong mamatay ang mga kalaban dahil sa dinalang lampara ni Simoun sa piging, o gagawa ako ng paraan para maiwasan iyon. Biktima din si Basilio ng pagmamalupit, mula pa noong pinagbintangan sila ng kapatid niyang si Crispin na nagnakaw, hanggang sa mamatay si Crispin at nabaliw si Sisa na sa huli ay namatay din, hanggang sa kasalukuyang nawala sa kanya si Juli, ang kanyang minamahal.
"Hindi ko dapat pagtaksilan si Simoun. Pinagkakautangan ko siya ng malaki higit pa sa kahit sino. Inilibing niya ang aking ina na pinatay naman ng mga taong ito. Ano ang pagkakautang ko sa kanila? Pinilit kong maging mabuti, ginawa ang lahat upang maging kapaki-pakinabang. Sinubukan kong magpatawad at lumimot. Naghirap din ako nang husto at ang tangi ko lang hiling ay bigyan nila ako ng kapayapaan. Ngunit ano ang iginanti nila sa akin? Hahayaan kong magkaluray-luray ang mga katawan nila at lumipad sa himpapawid. Tama na ang aking paghihirap!"
Tumapat ang isa pang spotlight kay Paul, habang siya ay paakyat sa pangalawang palapag ng stage kung saan kunwari ay idinadaos ang piging. Dala dala na niya sa kanyang kamay ang lampara. Pinagmasdan ko siya at ipinakita ko sa mukha ko ang takot at pagaalala. Muling nagplay ang boses ko sa background.
"Hangga't di pa siya bumababa ay walang panganib, at hindi pa dumarating ang Kapitan-Heneral."
Lumipas ang ilang segundo. Nakatapat pa rin sa akin ang spotlight, at ang isa'y kay Paul na nasa taas at nakikipagusap sa mga tao roon. Kunwari'y bumabati sa bagong kasal at nakikipagtawanan. Patuloy pa rin ang takot sa mukha ko. Muling nagplay ang boses ko.
"Kung ngayon pa lang ay natatakot ka na gayong hindi pa nagaganap ang malagim na pangyayari, ano kaya ang gagawin mo kapag nakita mo nang dumadanak ang dugo, nagliliyab ang mga bahay at lumilipad ang mga bala sa himpapawid?"
BINABASA MO ANG
Two Roads
Teen FictionTwo young boys, two different lives, two hearts, one poignant story. 2013