Part 1 - Chapter 24

1.2K 164 8
                                    

Jeruel

Kapag bata ka at wala pang alam, parang ang dali ng lahat ng bagay. Wala kang alam sa mangyayari sa hinaharap pero puno ka ng pag-asa. Hindi ka natatakot sumubok, dahil hindi mo pa naman nararanasang mabigo. Fifteen years old pa lang kami ni Benjie, at ang haba pa ng panahon na gugugulin namin dito sa mundo nang magkasama. Iyon ang paniniwala ko. Iyon ang lagi kong sinasabi sa kanya.

Marami kaming binuong plano. Marami kaming nakatakdang gawin oras na umalis kami sa school na ito. Sabay kaming magaaral sa college, sa iisang school. Siya, kukuha ng nursing. Ako naman, education.

"Ikaw ang magiging pinakamagaling na teacher. Marami kang maiinspire na estudyante. At ako? Ako ang magaalaga sayo kapag may sakit ka dahil sa stress sa pagtuturo. Hindi kita iiwan, Jerry ko. Mamahalin kita habangbuhay."

Tatapusin ni Benjie ang linyang iyon sa isang mainit na mainit na halik sa mga labi ko. Masaya ako. Hawak kamay kaming huhugis at guguhit ng mga plano at pangarap. At para sa akin, hanggat nasa tabi ko siya, handa kong harapin ang bukas at abutin ang lahat ng iyon.

Hindi ko akalain na sa isang .22 lang, mababago ang ikot ng mundo ko.

December na. Malapit nang magbakasyon. Sobrang busy na kami para sa Christmas play na iprepresent namin sa Christmas program bago tuluyang isara ang klase sa taong ito. Tapos na kami sa lahat. Nakapagexam na. Nakapagpasa na ng requirements. Excited na kong gugulin ang bakasyon at magcelebrate ng Pasko kasama ang pamilya ko, at syempre, ang pinakamamahal ko.

Lumabas ang resulta ng third quarter. Nakakagulat pero si Paul ang nagtop 1. Parang gumuho ang mundo sa mga paa ko. Parang bigla akong nawalan ng balanse. .22 lang ang difference. Iyon ang ikinatalo ko sa kanya.

Top 7 si Benjie at ang taas ng grade niya. Dahil doon ay pinilit kong ipakita sa kanya na hindi ako apektado. Ang totoo, naguulap ang kalooban ko. Hindi dahil hindi ko matanggap na natalo ako, kundi dahil hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag ito sa mga magulang ko lalong lalo na kay Nanay.

Noong hapong iyon, nagusap kami ng mga magulang ko. Kung naintindihan ako ni Tatay, si Nanay, hindi. Nagalit siya. Isinisi niya sa pagkakaibigan namin ni Benjie ang pagbaba ng grades ko.

Kung tutuusin, tama si Tatay. Wala akong bumabang grades. Lahat tumaas. Nagkataon lang na natalo ako ni Paul sa isang subject. Hindi pa academic subject yun. CAT. 90 ang grade ko, samantalang siya, bilang Corps Commander, 96. Ang laki ng difference. At iyon ang nakaapekto sa general average namin.

.22. Akalain mo yun. Gusto kong isumpa ang numerong iyan. Gusto kong ipaliwanag kay Nanay iyon. Gusto kong ipagtanggol si Benjie. Gustung gusto kong sabihin na hindi nakakasagabal si Benjie sa pag-aaral ko. Sa katunayan, siya pa nga ang nagiinspire sa akin maging mas mabuti kesa sa dati.

Pero nang magumpisa na silang mag-away ni Tatay, nang maungkat na ang mga kabiguan ni Lolo kay Nanay at sa mga Tiyo at Tiya ko, hindi na ako nakapagsalita. Kakausapin ko na lang si Benjie. Siguro maiintindihan niya kung bakit ko gagawin yun. Naisip ko, kung bilang kaibigan ko, hindi na siya matanggap ni Nanay, paano pa kaya kapag nalaman niya ang tunay na relasyon namin ni Benjie? Hindi ko kayang suwayin si Nanay. Kaya hangga't maaga, tutuldukan ko na.

Bagamat masakit. Masakit na masakit. Isipin ko pa lang na mawawala na siya, parang mamamatay na ako.

Kinabukasan, sinubukan kong kausapin si Benjie. Pero parang maaga pa lang, umiiwas na siya. Nararamdaman kaya niya?

Buong maghapon siyang umiwas sa akin. Naging busy kami parehas. Bandang hapon na nang matapos kami sa mga ginagawa.

Lalapitan ko na sana siya habang nagpapahinga siya kasama ang ilang kaklase naming lalaki nang magsalita si Matthew.

Two RoadsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon