Part 1 - Chapter 10

1.7K 197 5
                                    

Jeruel

Kinausap ko si Benjamin pagkatapos ng klase noong araw mismo na mabunot siya bilang partner ko sa investigatory project namin sa Science. Sa totoo lang, inasahan kong sa oras na kausapin ko siya ay ipakikita lamang niya sa akin na wala siyang pakialam. Tinanggap ko na agad iyon, na ako lang magisa ang mageeffort para na rin sa ikapapasa ko sa finals sa subject na iyon kaya naman nagulat ako nang makita ko sa mga mata niya na interesado siya sa kung ano man ang mga gagawin namin.

Sinabi ko sa kanya ang mga kondisyon ko, at wala naman siyang problema sa mga iyon, bagamat medyo duda ako kung magagawa niyang panindigan hanggang pagtagal. Pero mabuti na't umpisa pa lang nakapagset na ako ng tamang expectations.

Napagkasunduan namin na magkita araw araw, twing alas singko ng hapon. Kailangan ko pa kasing tapusin lahat ng gawain sa bahay pati na rin ang assignments ko para hindi na hati ang atensyon ko pag punta ko sa bahay nila Benjamin.

Alam ko kung saan sila nakatira ng lola niya, kahit hindi pa ako personal na nakapunta sa kanila kahit kailan. Ang bahay nila ay nasa dulo ng baranggay namin at iyon lang ang nagiisang bahay sa dulo ng kalye. Matapos kong gawin ang mga takdang aralin at magbasa basa ng kaunti para sa mga lesson para kinabukasan, nagpaalam na 'ko kay Nanay na pupunta na 'ko kina Benjamin. Gulat na gulat pa nga siya na bakit sa dinami daw ng tao sa kanya pa ako napartner.

"Eh wala po akong magagawa. Bunutan ang ginawa ni Sir eh."

"Eh anak sana naisip man lang ni Sir Medina na delikado yang lalaking ipinartner niya sa'yo. Eh sakit ng ulo yan ng lahat eh. Kahit nga Lola niya hindi niya pinakikinggan. Gusto mo, pumunta ako sa school niyo bukas para kausapin si Sir at mapapalitan ang partner mo?"

Napangiti tuloy ako. Pati pala si Nanay ay may ganoong impresyon kay Benjamin.

"Nay wag po kayong mag-alala. Kung iyon lang po ang inaalala niyo, hindi po ako natatakot kay Arevalo. Ang tanging iniisip ko lang ay kung makakatulong ba siya sa akin o hindi."

"Pero Jerry. Alam mong hindi maglipat linggo, laging napapaaway yang batang 'yan. Laging may binubugbog. Kundangan kasi, bakit tinanggap tanggap pa 'yan ulit sa school niyo."

Ewan ko ha, pero kahit anong sabihin nila, hindi talaga ako nakakaramdam ng takot kay Benjamin. Wala, kahit katiting na takot. Bagamat alam ko sa sarili ko na isang suntok lang niya sa akin, tiyak na tulog ako. Siguro alam ko lang na hindi iyon gagawin sa akin ni Benjamin.

"Anak, kung dito na lang kaya kayo? Para mabantayan ko, nang sa gayun hindi ka niya magawan ng masama."

"Nay, kaya nga po umayaw ako na dito kami ay dahil ayokong maexpose yung maliliit kong kapatid sa kanya. Hindi po natin kabisado ang tabas ng dila niya at baka may kung ano siyang banggitin na hindi makakabuti para sa mga kapatid ko, lalo na kina Julianna at Joash."

Pagkatapos ng mahabang paalalahanan, pinayagan din ako ni Nanay. 5:30 pasado na nang nakaalis ako sa'min. Ilang minuto ring lakaran ang papunta kina Benjamin. Nakakahiya, dahil ako pa man din ang nagdemand na maging on time, tapos ako ang late.

Suot ko ang simpleng gray na t-shirt at itim na shorts, at yung luma kong tsinelas. Wala naman akong masyadong damit panglabas at hindi naman ako sanay na gumagala gala. Ngayon ko lang 'to gagawin sa totoo lang. Kasi last year, si Vanessa yung nagpunta sa amin para sa investigatory project namin sa Chemistry. Malayo kasi ang bahay niya sa school kung kaya dumederetso na kami sa amin pagkatapos ng klase.

Pagkatapos ng labinlimang minutong lakaran ay nakatayo na 'ko sa wakas sa tapat ng may kalakihan ding bahay. Hindi ko akalain na ganito kalaki ang bahay nila Benjamin dahil dalawa lang sila ng lola niya ang magkasama. Mataas ang green na gate at may garahe pa para sa sasakyan. Sa labas ay tanaw ang balkonahe na nasa second floor. Maganda pala ang bahay nila.

Two RoadsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon