Benjamin
Anong nararamdaman mo pag naririnig mo ang graduation march? Anong pakiramdam kapag isa ka sa grupo ng mga estudyanteng ipinapakilala bilang graduates? Anong pakiramdam na sa wakas, nagawa mo rin, tapos ka na rin sa isang bagay na pagkatagal tagal mo nang binubuno, pinaghihirapan? Anong pakiramdam mo kapag natatapos ka nang hindi lang basta basta. May natapos ka at may napatunayan ka?
Pumila na kami sa gilid ng auditorium kung saan ginanap ang graduation namin nang gabing iyon. Panglima ako sa pila.
"Presenting the 51 secondary graduates of St. John King Academy, academic year 2002 to 2003."
Ayan na. Isa isa na kaming tinawag.
"Acosta, Jericho Monte... Aguinaldo Joseph Valencia... Agustin Michelle Meneses..."
Ganoon kabilis ang pagtawag sa mga kaklase ko kaya nagulat ako nang si Paul na ang tinawag.
"Alejandro, Paul John Lopez. The Class Salutatorian. Best in Mathematics, Best in Filipino, Best in MAPEH and recipient, Leadership Award."
Habang inaabot ni Paul ang kanyang diploma at isa isang sinasabit sa kanya ang napakaraming medalya, tumayo ako sa tuktok ng hagdan ng stage.
Ewan ko sa mga kaklase ko kung naramdaman nila ang naramdaman ko pero nang mga sandaling iyon, parang nabulag ako sa liwanag ng ilaw sa paligid. Parang nawala ang lahat ng tao. Parang ako lang at ang tagumpay ko. Tagumpay na hindi ko akalaing makakamit ko. Tagumpay na muntik nang hindi mapasaakin.
Tumayo ang mga balahibo ko. Para akong lumulutang sa ulap. Malapit nang tawagin ang pangalan ko.
"Arevalo, Benjamin Kim. The Class Third Honorable Mention. Best in Technology and Livelihood Education, Best in Physics and recipient, Sports Award, Loyalty Award, Best Investigatory Project Award, Best Actor of the recent El Filibusterismo stage play, and Most Improved Student Award."
Tama iyan. Nakakagulat ba? Pang lima ako sa 51 na estudyante. At bukod doon, hindi ko akalaing may iba pa kong mga special awards. Pigil hininga akong lumapit kay Ma'am Tere na siyang nagabot sa akin ng diploma ko.
"Congrats, Mr. Arevalo. Ang galing! Akalain mo, kung nagseryoso ka, valedictorian sana!"
Ngumiti ako. "Salamat po. OK na po sa'kin to. Mas deserving yung valedictorian sa pwesto niya."
"Benjamin my friend! Anong ginagawa mo dito, hindi ka ba naliligaw?" biro ni Sir Julius habang sinasabitan ako ng medalya. "Congrats, I'm so happy for you."
"Thank you, Sir. Thank you ng maraming marami."
Hindi ako nakuntento. Yumakap pa ako sa kanya. Pagkatapos ay lumakad ako papunta sa unahan ng stage. Hindi ako sanay. Hindi ako sanay na may mga medalyang nakasabit sa leeg ko at nagkakalansingan. Tumingin ako sa maraming taong nakatingin lahat sa akin. At bago ako magbow, tumulo ang luha ko.
Lola, para sa'yo to. Sayang. Sana nakikita mo ako, ang dami kong medal oh. Di ba ang tagal mo na kong kinukulit, gusto mong magdisplay ng kahit isang medalya ko sa bahay? Heto ang dami oh. Akin to lahat. Pinaghirapan ko to lahat, Lola. Para sa'yo. Kung nasaan ka man, sana proud ka sa akin.
Pagbaba ko ng stage ay bumalik na ako sa upuan. Pinanuod ko ang iba ko pang mga kaklase habang isa isa silang tinatawag. Hanggang sa tawagin na si Louis Santiago at tumayo na si Jerry sa tuktok ng hagdan kung saan ako nakatayo kanina. Nararamdaman din niya kaya yung naramdaman ko?
"Santillan, Jeruel James Diaz. The Class Valedictorian. Academic Excellence Awardee, Best in English, Best in Journalism, Best in Economics, Best in Values Education and recipient, Best in Poetry Interpretation, Best Essay Writer Award, Best Scriptwriter Award, Best Speller Award, School Service Award for winning the title of Mr. PSA 2002, Best Investigatory Project Award, and Model Student Award."
BINABASA MO ANG
Two Roads
Teen FictionTwo young boys, two different lives, two hearts, one poignant story. 2013