Jeruel
Mahigit isang linggo kaming hindi nakagawa sa investigatory project namin ni Benjie. Paano kasi, araw araw na ginawa ng Diyos, magmula nang iannounce ni Ma'am Myrna ang tungkol sa pageant, puspusan na ang naging practice namin ni Daphne. Minamadali kasi nila dahil kailangang kailangan na ang funds na gagamitin sa donasyon para sa mga nasalanta ng nagdaang bagyo. Araw araw ay pumupunta kami ni Daphne sa town plaza, kung saan gaganapin ang pageant, para magpractice. Lagi akong sinasamahan ni Benjie, at si Daphne naman ay laging kasama ang kanyang boyfriend mula sa third year.
Pinraktice namin kung paano ang paglakad, pagpasok, paglabas, kung kailan gagawin ang ganito, at ganyan, at kung anu ano pa. Nagkaroon na rin ng photoshoot na gagamitin para sa pagsurvey kung sino ang magiging voters choice awardee. Isang nakapormal at isang nakaswimwear.
Doon pa lang, na kami kami lang ng mga contestants at ilang mga director at photographer lang ang nakakakita, ilang na ilang na ako. Paano pa kaya sa totoong pageant?
At ito na. Dumating na rin ang araw na pinakahihintay NILANG lahat. Naroon ang buong school namin, magmula sa principal na si Ma'am Tere, hanggang sa guard na si Manong Jaime, para manuod at sumuporta sa amin. Naroon din ang buong pamilya ko. Libre ang ticket para sa pamilya ng contestant, basta hanggang tatlong myembro lang. Si Benjie na ang nagbayad ng tatlo pang ticket para makapunta silang lahat.
Syempre, si Aling Consuelo, ang Lola ni Benjie, naroon din."Relax ka lang, Jeruel. Ramdam na ramdam ko ang pagkatensed mo." Sabi ni Alfie habang minamaniobra ang buhok ko gamit ang ceramic hair straightener sa backstage. "Pag kinakabahan ka, lilitaw yan sa mukha mo."
"Ikaw kaya Alfie?"
"Ay naku Jeruel, kung pwede nga lang na ako na ang rumampa dyan ginawa ko na."
Maya maya'y humahangos na lumapit si Benjie. "Malapit nang magsimula. Kumusta na diyan? OK ka lang ba, Jerry?"
"Ay naku isa ka pa. Kaya lalong natetensed si Jeruel dahil sayo eh. Mas ninenerbyos ka pa ata"
"Syempre naman Alfie. Bestfriend ako ng alaga mo."
"O siya sige. Bestfriend na kung bestfriend. Kung dun ka na kaya sa loob no? For sure naman gusto mo siyang mapanuod rumampa?"
Tumingin sa akin si Benjie na parang nagpapaalam.
"Sige na Benjie. Doon ka na sa loob."
"Sige sige. Galingan mo Jerry ha? Kaya mo yan."
Tatakbo na sana si Benjie papasok sa loob nang biglang sumigaw si Alfie.
"Oooops wait! Sure na bang kumpleto yung mga isusuot niya dito?"
"Oo no! Nakailang check na ko. Kumpleto pati yung mga pang plan B kung sakaling magkaaberya."
"Good. Sige na. Go na! Diyos ko, maiihi ka na yata sa nerbyos. Iniistress mo ko. Haay buhay. Ano ba tong pinasok ko? Parusa talaga kayong mga gwapo sa buhay ko."
Natawa na lang ako sa sinabing yun ni Alfie. Grabe. Papalapit nang papalapit, kinakabahan akong lalo. Maging si Daphne na parang sanay na sanay na ay mukha ring tensyonado habang inaayusan ng kanyang make up artist.
Unang irarampa namin ay ang theme ng pageant na ito. Ang apat na elements. Ang earth, fire, air, at water. Fire ang nabunot ko at tuwang tuwa si Alfie dahil yun daw ang nakikita niyang babagay sa akin.
Halos tapos na niya akong ayusan, may kung ano na lang siyang pinipinta sa balikat at dibdib ko nang paharapin niya ako sa salamin.
Parang hindi ako ang nakikita ko. Tuwid na tuwid ang buhok ko at nakahawi pataas, pagkatapos ay nilagyan ng washable hair dye na kulay pula sa dulo, orange sa bandang gitna at dilaw sa pinaka anit. Kulay pula ang isinuot niya sa aking contact lenses at mapulang mapula ang mga labi ko. Unang pagrampa pa lang ay hubad-baro na ko dahil pinintahan din niya ang katawan ko. Tanging ang maliit at makintab na pulang shorts ang susuotin ko sa unang beses na makikita ako ng lahat.
BINABASA MO ANG
Two Roads
Teen FictionTwo young boys, two different lives, two hearts, one poignant story. 2013