Part 1 - Chapter 21

1.4K 187 22
                                    

Jeruel

Habang nakaupo ako sa papag at hawak ang dilaw na t-shirt ni Benjie, bumalik sa akin ang nangyari kanina sa English class. Matagal ko nang nabasa ang Romeo and Juliet, pero parang first time ko lang naintindihan kung ano ang posibleng naramdaman ni Romeo nang mainlove siya kay Juliet.

Sa isip ko'y pinipinta ko ang mukha ni Benjie. Ano bang nangyayari? Bakit kung kailan naramdaman ko ito, saka naman parang nagiwasan kaming dalawa? Tatlong araw na.

Hindi ko alam kung ano ang eksaktong sitwasyon, basta ang alam ko lang, mababaliw ako kung hindi ko pa siya kakausapin.

Dali dali akong tumayo at nagtungo sa sala. Nagmano ako kay Nanay at nagpaalam na lalabas sandali.

"Wag kang magpapagabi!"

"Opo, Nay."

Sinakyan ko ang pulang bike na binigay sa akin ni Benjie. Pero ang nakapagtataka, sa halip na sa bahay nila ako magpunta, ibang route ang dinaanan ko, patungo sa basketball court.

Kailangan ko nang sabihin sa kanya. Bahala na. Kung mawawala siya sa buhay ko pagkatapos nito, kung igagaya niya ako sa mga baklang estudyante sa school na binully nilang magkakabarkada, tatanggapin ko. Basta matapos lang to. Hindi ko na kayang sarilinin pa.

Tama ang hula ko. Naroon nga siya sa court at kasama si Mr. Ramirez. Nakahubad pa si Sir! Ewan ko, alam ko wala sa lugar pero nakaramdam na naman ako ng selos.

Sabi sa libro na nabasa ko, 'He who is not jealous is not in love..' So I take it, in love nga ako. In love ako kaya ako nagkakaganito.

At tama si Romeo. Hindi tender ang love. Napakarough. Napakarude. Napakaboisterous. At masakit na parang tinik.

Anong karapatan niyang pahirapan ako ng ganito? Anong karapatan ng love na yan na gawing roller coaster ang dating tahimik kong buhay? Haay.

Parang masayang masaya pa silang naglalaro. Lumapit ako sa kanila at tinanong kung pwede akong sumali. Hindi nagtagal ay umalis din si Sir. Pero wala rin ako sa mood makipaglaro kay Benjie, gusto ko, magusap kami. Lumakad ako palayo, umaasang hahabulin niya ako.

Ginawa niya. Sumabay siya sa akin pabalik. Sa daan ay wala kaming kaimik imik. Hindi ko alam kung paano ako mauunang makipagusap. Naglakad lang siya, at nagpedal lang ako hanggang sa makarating kami sa kanila.

Hindi na kami pumasok sa loob ng bahay nila. Dumeretso si Benjie sa likod ng bahay nila at sumunod lang ako. Siguro, gusto rin niya akong makausap.

Umupo kami sa damuhan. Papalubog na ang araw at maganda ang kulay ng langit. Ang sarap pagmasdan. Parang siya. Napakagwapo ng mahal ko.

"Jerry. Paano mong nalaman na nasa court ako?"

Hindi ko siya nilingon. Nakatuon lang ang paningin ko sa langit. Ang totoo, hindi ko siya kayang tingnan. Hindi ko kayang tingnan ang taong sobra kong mahal pero hindi pwedeng maging akin. Nasasaktan lang ako lalo.

"Alam ko lang."

"Bakit mo ko hinahanap?"

"Gusto kitang makausap, Benjie."

"Tungkol saan?"

Huminga ako nang malalim.
"Tungkol sa atin. Ano bang nangyayari? Bakit umiiwas ka?"

Sa pagkakataong ito, tumingin ako sa kanya, pero siya naman ang nagalis ng tingin.

"Sorry, Jerry. Umiiwas ka rin eh."

Alam ko ang sinasabi niya. Pero nagkunwari akong walang alam. "Ako? Youre being silly."

"Sorry."
"Sorry."

Two RoadsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon