Part 1 - Chapter 16 (2 of 2)

1.5K 187 9
                                    

Benjamin

Makalipas ang dalawang araw, huminto na rin ang bagyo ang nagkaroon na ulit kami ng pasok. Thursday iyon kaya dapat ay Literature ang topic namin sa English nang magulat kami nang biglang magsalita si Ma'am Tejada ng Tagalog.

"Ngayon lang, wala munang rule number 8. May isang bagay kasi tayong kailangang pagusapan at pagplanuhang mabuti."

Tuwang tuwa kami, lalong lalo na kaming mga hirap na hirap magsalita ng tuwid na English. Sa katunayan nga, parang si Jerry lang ang kayang magsalita ng deretsong English na parang hindi na kailangang pag-isipan.

"Nakareceive ang school natin ng notice from the Head of the Private Schools Association sa lugar natin. And they invited us to join the pageant na gagawin nila next week to raise funds para sa mga nasalanta ng bagyo nitong nakaraan. The school needs 2 representatives from the Fourth Year class. Isang male. Isang female. "

Kabi-kabila ang mga komento, pagiingay, pagtuturo, at kung anu ano pa. Mabilis na napapayag ang muse ng classroom namin, si Daphne Espino. Sanay na kasi siyang sumasali sa mga modeling at fashion show at siya naman talaga ang pinakamaganda sa buong klase.

"Now, we need to know sino ang male representative natin."

"Si Paul, Maam!" pabirong sinabi ng isa sa likod.

Nagtawanan tuloy ang buong klase. Maging ako, hindi ko napigil ang sarili kong makitawa. Paano naman kasi, bukod sa hindi naman talaga kagwapuhan si Paul, maliit pa siya. Magmumukha lang siyang Dats My Boy dun.

Kawawa naman tuloy. Kitang kita sa mukha niya na pahiyang pahiya siya. Pero hindi ko pa rin mapigil ang sarili ko kakatawa. Nahinto lang ako nang biglang magsalita si Vanessa.

"Si Benjamin po, Maam!"

Mabilis akong lumingon sa likod. "Ayoko nga! Wala akong kahilig-hilig sa bagay na yan."

"Why not?"

"Eh Ma'am ayoko po."

"OK fine. What about you, Mr. Raymundo?"

"Ha? Ma'am, ayoko po." Kumunot ang noo ng kaklase naming si Miguel, yung mukhang artista at maputi ang kutis. "Alam niyo naman pong kulang ako sa confidence."

"Eh bakit, ang gwapo gwapo mo, tapos mahihiya ka?"

“Eh basta po. Ayoko. Hindi po ako komportable. Saka hindi naman po ako ang escort dito sa classroom."

"Miguel, shut up!"

Lahat ay napalingon sa kanina'y nananahimik naming class escort sa likuran. Ang aking bestfriend na si Jerry. Salubong na naman ang kilay niya na lalong nagpagwapo sa kanya.

"Oo nga no?" si Ma'am, na gumuhit ang magandang ngiti sa mga labi.

"Ma'am!"

"Oh for pity's sake, Mr. Santillan. I won't take 'no' for an answer. Not anymore. Anong problema mo? You have the height, the looks, and above all, the brains! Eh I'm sure pag sumagot ka sa Question and Answer, iuuwi ng St. John King ang title."

Nagkaisa ang lahat. Ayaw nang tanggapin pa ang protesta ni Jerry. Maging ako ay nakikicheer na din ng pangalan niya.

"Wait lang!" Sa gitna ng ingay ay nangibabaw ang boses niya.
"Wala po kaming pera. Hindi po kaya ng Nanay ko ang mga gagamitin kong damit at kung anu ano pa para doon."

"Meron ako. Marami akong damit. Marami kang pagpipilian. Akong bahala." Mabilis kong sinabi. Kitang kita ko kung paano ako pinandilatan ni Jerry na parang sinasabi na 'Tumahimik ka Benjie..'

"Yun naman pala eh. Wala nang problema."

"Ma'am, meron pa po." Nakasimangot na si Jerry, at lalong nagsalubong ang mga kilay.

"Wag na lang po kasi ako. Hindi naman po ako ganoon kagwapo."

"What did I say?" Nakataas na ang kilay ni Maam. Dahil doon ay nanahimik na si Jerry. Wala na siyang choice.

Ayan na naman siya. Wala ba siyang salamin sa kanila? Bakit ba lagi na lang niyang ipinipilit na hindi siya gwapo? Oo, si Jerry yung tipo ng lalaki na hindi agad agad mapapansin dahil simple lang ang dating. Siya yung tipong walang pakialam, basta mapagupitan niya ang kulot niyang buhok ayon sa batas ng school. Hindi siya nagpupulbos sa mukha dahil siguro, alam niyang makinis naman ang mukha niya. Wala siyang pakialam kung luma yung suot niyang polo at medyo maluwag, at kung lumalagpas ba ang laylayan ng pantalon niya sa swelas ng sapatos niya. Pero kung mabibigyan siya ng pagkakataon, lulutang ang kagwapuhan niya. Gaya ng lagi kong sinasabi. Sa mga kilay pa lang niya at mata, mabibighani na niya ang mga judges. Lalo pa siguro kapag ngumiti na siya at lumitaw na ang pantay pantay at mapuputi niyang ngipin.

"Ako na bahalang mag-ayos sayo. Magiging gwapo ka, promise. Pinakagwapo sa lahat ng sasali sa pageant na yun." Sabi ng bading naming kaklase na si Alfie Rodriguez.

"Well, that settles it. We will have your names submitted later. So we'll have Ms. Espino and Mr. Santillan. Don't worry, you will have corresponding points for your extra curricular grades by joining this pageant. At pag nakuha niyo ang title, you'll have even more. Mahalaga yun, when we already compute your final grades sa fourth quarter, isasali na yung extra curricular, and joining and winning this pageant will be worth more points compared to spending a year serving in the school as a student government officer. Kasi this time, lalabas kayo and you will give honor to the school."

Kitang kita ko kung paano nagliwanag ang mukha ni Jerry. Nakahinga na ako ng maluwag. Papayag na yun, ngayong narinig na niya ang sinabi ni Ma'am. Naramdaman ko nga na parang may tensyon dito sa katabi ko eh. Baka gusto niyang sabihin kay Ma'am na siya na lang ang sasali. Iinom siya ng gatas mula ngayon para sa araw ng pageant, matangkad na siya.

Dahil sa naisip ko, natawa na naman tuloy ako.

Tahimik na tahimik si Jerry buong maghapon, hanggang sa naglalakad na kami pauwi. Inakbayan ko siya at naramdaman kong parang kumislot ng bahagya ang balikat niya.

"Bakit ang tahimik mo?"

"Iniisip ko lang yung pageant."

"Pero sasali ka, di ba?"

"May choice ba ko, Benjie? Kasalanan mo ito eh."

Nagulat ako. "Paano ko naging kasalanan yun?"

"Ikaw ang nagboto sa akin para maging escort. Kung ikaw sana ang nanalo eh di ikaw ang sasali."

Ah. Yun pala yun. "Ano ka ba Jerry? Para sa'yo talaga yun. Sa talino mong iyan, sigurado nang maiuuwi mo ang title. Eh pag ako, baka hindi ko magawang sumagot in English sa itatanong sa akin. Saka ayaw mo nun, malaki ang magiging lamang mo kay Paul kung magkakataon. Alam mo bang ramdam ko sa kanya na kung matangkad lang siya, papatusin niya iyon? Ganoon siya kadesperadong talunin ka. Kaya igrab mo na. Pagkakataon mo na yan."

Napangiti si Jerry. "Bestfriend nga kita."

"Naman."

"Nag-aalala lang ako. Maghuhubad kasi ako doon."

"Eh ano? Para namang wala kang ipapakita? Saka ayaw mo nun, maghuhubad ka, para bigyan ng parangal ang school natin? Samantalang ako, sa paghuhubad ko, kahihiyan ang dinala ko."

Natawa nang malakas si Jerry. "Sira ulo ka talaga. Halika na nga. Basta, sasamahan mo ako sa mga practice ha?"

Hinigpitan ko ang akbay ko sa balikat niya. "Oo naman. Basta ikaw."

Two RoadsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon