Part 1 - Chapter 36 (2 of 2)

2.2K 209 75
                                    

Jeruel

"Jerry."

Lumingon ako sa pinanggalingan ng boses. Hindi ako nagkamali. Napangiti ako nang makita ang gwapo niyang mukha.

"Benjie."

"Nice speech."

"Thanks."

"May utang ka sa akin. Pinaiyak mo ako."

Natawa ako sa sinabi niya. "How can I pay you?"

"Kamayan mo ako."

Inilahad niya ang kamay niya para kamayan ko. Kinuha ko yun at mahigpit na hinawakan. Namiss ko ang kamay ni Benjie.

"Congrats, Benjie. All the best."

"Congrats, Jerry."

Gustung gusto kong yakapin si Benjie ng mga oras na iyon. Nagtaka ako nang may maramdaman akong kakaiba sa pagitan ng mga kamay namin. Meron siyang inipit na kung ano.

Nang tumalikod na siya ay tiningnan ko kung ano yun. Isa palang sulat.

Congrats, Jerry. Nakamit mo rin ang gusto mo. Gusto mo pa bang sumabay sa akin sa pagpapatuloy ng paglalakbay mo sa road na pinili mo? Ipaalam mo sa akin. Hihintayin kita bukas ng umaga. - Benjie

Ilang beses kong pinaulit ulit basahin yung sulat na yun. At tuwing babasahin ko, naaalala ko ang mga sinabi ni Chino.

Hindi ako natatakot sa mga banta niya. Mas iniisip ko si Benjie. Tama si Chino, hindi deserve ni Benjie ang isang tulad ko. Hindi ko maibibigay ng buo ang sarili ko. May pamilya akong susuportahan at aasa sa akin. May mga prayoridad ako na nasa unahan ng listahan.

Kaya lang, mahal ko si Benjie. Yun ang sinasabi ng puso ko. Ano bang dapat kong gawin?

Hindi ako nakatulog nang gabing iyon kaiisip. Malapit nang lumiwanag nang dalawin ako ng antok.

Nagising ako, alas onse na ng umaga.

Tulala ako habang kumakain. Iniisip ko ang sulat ni Benjie. Iniisip ko ang sinabi ni Chino. Ang gulo. Ang gulo gulo.

Bandang alas dos ng hapon, hindi ko na kinaya. Pupuntahan ko si Benjie. Bahala na. Sinakyan ko ang pulang bike at pinedal nang mabilis.

Pagdating ko sa bahay nila Benjie, isinasara na ng katulong ang mataas na green na gate.

"Magandang hapon po. Si Benjie po?"

"Wala na."

Nagulat ako sa sinagot ng katulong. "Ha? Anong wala na po?"

"Di ba niya nasabi sayo? Sinama na siya ng Daddy niya papuntang Australia. Kaninang bago magtanghali lang sila umalis."

Parang gumuho ang mundo ko. Ganoon kabilis nawala si Benjie, nahuli lang ako ng ilang oras.

Isinabit ng katulong ang FOR SALE na karatula sa green na gate at iniwan na ako.

Kung pwede ko lang sundan si Benjie gamit ang bike, ginawa ko na. Dahil mula ng araw na iyon, hindi ko na siya muling nakita pa.

- END OF PART I -

If you reached up to this part, thank you for reading. Please read the second part of TWO ROADS which will show the grown up version of Jerry and Benjie. Love love. ❤️❤️

PS.
I apologize for all the typos and missing punctuations. I used WPS to copy the chapters and for some reasons, the punctuations were not included. Hope you still liked it.

See you in Two Roads Part 2.

Two RoadsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon