Part 1 - Chapter 18

1.4K 184 36
                                    

Benjamin

"Presenting the candidates in their elemental costume."

Ito na 'to. Pagkatapos ng halos isang buong linggong practice, dumating din ang araw na pinakahihintay naming lahat.

Hindi ko kinaya ang tensyon sa backstage kung kaya pinili ko na lang maupo kasama ng audience nang sa gayon, mapanuod ko ang pagrampa ni Jerry.

Isa isa nang lumabas ang mga contestant sa stage. OK naman. Mga gwapo. Magaganda ang katawan. Pero hindi sila ang pinuntahan namin dito. Ako, ang buong St. John King, si Lola, at ang pamilya ni Jerry, nandito kami lahat para sa kanya.

Nang lumabas na sa stage ang contestant number 4, ang bestfriend ko, dumagundong ang buong lugar dahil sa lakas ng sigawan. Hindi ko nagawang sumigaw. Natahimik ako.

Si Jerry ba yung nakikita ko? Alam kong sinubukan ni Alfie na iunat ang buhok ni Jerry pero nagulat pa rin ako. Tuwid na tuwid ang buhok ni Jerry, at may kulay pula, orange, at dilaw. Para talagang may apoy siya sa ulo. Nakahubad si Jerry at yung pulang shorts lang ang suot niya, gaya ng pinagplanuhan at hindi ko napigil sabihin sa sarili ko, "Ang hot mo, Jerry."

Kung lumakad siya sa gitna ng stage ay parang sanay na sanay na. Nakangiti siya at parang hindi man lang kinakabahan. Ang gwapo ng bestriend ko. Napakagwapo niya.

Tumapat siya sa mic para magsalita.

"Hi. My name is Jeruel James Santillan, fifteen years old, Senior student and the pride of St. John King Academy, representing the fire element!"

Sigawan ang lahat. Nakisigaw na rin ako. "Go Jerry!"

Wala na 'kong pakialam sa mga sumunod pang rumampa. Umupo na kong muli at hinintay ang susunod pang paglabas ni Jerry.

Habang rumarampa siya suot ang puting polo shirt, puting shorts, puting rubber shoes at hawak ang malaking raketa, umupo sa tabi ko si Sir Julius.

"Napakagwapong bata. May laban ang St. John King."

"Syempre Sir, bestfriend ko yan!"

Sumunod ang casual attire category at para siyang artista sa TV sa suot niyang green na long sleeves na nakatuck-in sa puting pantalon at green na sapatos. Bagay na bagay talaga sa kanya ang straight na buhok. Parang walang bakas na kulot ang totoo niyang buhok kung titingnan.

Bawat paglabas niya sa stage ay may nakahanda akong malakas na sigaw. Hindi ko alam kung naririnig niya ako. Ang mahalaga, alam niya, na narito ako para suportahan siya.

Nang inannounce na next nang irarampa ang swimwear, hindi na magkamayaw ang sigaw ng mga tao. Kahit kailan talaga. Iyon ang gustung gusto.

Blue at manipis ang binili ko para kay Jerry. Ewan ko, wala naman akong ibang plano pero iyon ang unang pumasok sa isip ko. Kaya nang lumabas na siya, nahulog ang panga ko.

Shit. Kung nagkakagulo ang mga tao sa paligid, nagkakagulo din ang hormones ko sa katawan. Shit. Oo kanina, nakahubad din siya, pero may body paint siya noon. Ngayon, lantad na lantad ang lahat, at parang walang wala lang sa kanya ang ginagawa. Ang ganda ng katawan ni Jerry. Ang ganda ng kulay. Ang ganda ng hugis. Ang kinis. At lalo pang inenhance ng nilagay na oil ni Alfie. At yung parteng yun? Superman si Jerry. Hahaha!

"Woah." Nagulat ako sa reaksyon ni Sir Julius. "I was right. He indeed is gifted."

Tumawa ng malakas si Sir at nakuha ko ang ibig niyang sabihin. Pinagpala nga si Jerry. Kahit sinong lalaki siguro, maiinggit. Hahaha!

Masyadong binusog ni Jerry ang mata ng lahat dahil hindi natatapos sa pagrampa ang exposure niya suot ang manipis niyang swimming trunks. Dahil sa puntong iyon, nagbigay ng special awards.

Two RoadsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon