Jeruel
Nang magising ako ng Lunes ng umaga, ako na ulit si Jerry. Si Jerry ng pamilya ko. Si Jeruel ng mga teachers at classmates ko. Si Jerry ng bestfriend kong si Benjie.
Salamat, dahil tapos na. Habang kumakain ako ng almusal ay tinitingnan ko ang malaking frame na may litrato ko na nakasabit sa dingding ng sala namin. Kinunan iyon noong kasagsagan ng pageant. Parang hindi ako. Parang ang gwapo gwapo ng lalaki sa picture. Parang hindi simple ang buhay. Ang lalaking iyon ang naguwi ng titulo sa nasabing pageant. Masaya ako, dahil nakapagbigay ako ng parangal hindi lang sa school kundi sa pamilya ko.
"Ang dami kong classmates na may crush sayo, Kuya. Ang tawag nila sa akin, sister-in-law. Nakakatawa nga eh." si Jiselle.
"Kuya pag fourth year na ako, sasali din ako sa pageant tulad mo." si Jaron.
"Hmmmm kaya naman pala ngayon pa lang eh nagbubuhat ka na ng balde. Para magpalaki ng katawan, Jaron." biro ni Tatay, sabay tawa
.
"Naku, mabuti nga nang makatulong ko iyan pag marami akong nilalabhan." biro naman ni Nanay.Kung ang pamilya ko ay hindi makamove on sa nangyari, lalong lalo na ang mga tao sa school. Pagpasok ko pa lang sa gate ay bumungad na sa akin ang naglulumaking pagbati para sa amin ni Daphne. Ibang klase talaga. Imbes na matuwa ay parang nailang lang ako. Paano kasi, sa lahat ng picture na gagamitin, yun pang picture ko na nakasuot ng kulay blue na swimming trunks ang ginamit!
Pati pagtrato ng mga tao sa paligid ko, ibang iba. Parang isa na kong bayani na nakagawa ng malaking bagay para sa bansa ko.
"Eh bayani ka naman talaga eh. Di ba matutulungan yung mga nasalanta ng bagyo dahil sa nalikom na pera sa pageant?"
"Norman, sumali man ako doon o hindi, malilikom pa rin nila yung perang kailangan nila. Hindi ako ang may gawa. Contestant lang ako."
"Diyan ka nagkakamali. Kung hindi ikaw ang contestant, hindi dudumugin yun ng ganoon kadaming tao. Eh pansin mo, halos 70 percent ng audience supporters mo? Baka nakakalimutan mo, may bayad ang ticket naming lahat."
Sumabat din si Vanessa sa usapan. "Hindi lang yun. Nanalo ka ng voters choice award di ba? Ipapaalam ko lang naman sayo na mahigit ten thousand pesos ang naaccumulate sa pangalan mo pa lang."
Gulat na gulat ako. "Ano? Ten thousand? Para sa boto ko lang? Paanong nangyari yun?"
"Eh syempre, kung gwapo yung ikinakampanya, sobrang charming ng campaign manager. Halos hindi kaya natulog si Benjamin maikampanya ka lang, twing matatapos ang practice niyo. Nakarating siya hanggang doon sa school nila Chino Lim at pinagawa niya lahat sa mga kabarkada niya mangbully, mamalimos, mangaway, makalikom lang ng pera para sayo."
"Bakit narinig ko ang pangalan ko, ha?"
Hindi na ako nakahuma dahil lumapit na sa amin ang bestfriend ko. Natahimik na lang ako habang pinagmamasdan ko ang singkit niyang mga mata na sumasabay sa ngiti ng manipis niyang mga labi. Ginawa ni Benjie ang lahat ng iyon para sa akin? Pakiramdam ko natunaw ang puso ko, at kung wala lang kami sa school, ewan ko kung ano na ang nagawa ko sa bestfriend ko.
Pero ewan ko, parang biglang nagiba ang ihip ng hangin nang bandang lunch. Kumakain kami nang tanungin ako ni Benjie tungkol sa sinagot ko sa Q&A sa pageant. Sinabi ko na ginawa ko lang yun para makasiguro, dahil maraming baklang bumubuo ng pageant, at totoo naman, dahil ako man ay hindi kumbinsido sa sagot ko. Kumbaga, para lang manalo. Tutal, naroon naman ako talaga para manalo.
Pero parang nanahimik si Benjie pagkatapos nun. Nagduda kaya siya sa akin? Baka iniisip niya, bakla ako, at hindi siya naniniwala sa paliwanag ko. Baka bigla niyang maisipang umiwas, dahil natatakot siyang masabihan ng masama ng mga tao.
BINABASA MO ANG
Two Roads
Teen FictionTwo young boys, two different lives, two hearts, one poignant story. 2013