Kabanata 6

10.9K 285 9
                                    

Tatlong araw akong nasa Hospital. Hindi na ako nakapasok sa Office ng tatlong araw dahil sa pagbabantay kay Gela. Hindi pa siya lumalabas dahil naging malubha ang kanyang asthma.

Alam kong mali an gginawa kong hindi namaalam kay Boss pero mas kailangan ako ng pamilya ko. Walang ibang magbabantay kay Gela kung hindi ako. Nag-aaral pa kasi si Raney tapos si Papa, ayaw ko namang palaging nandito dahil matanda na siya at madaling mapagod.

Napatingin ako sa pinto ng bumukas. Si Raney pala. Akala ko ay si Lauro. Si Lauro ang naging kagabay ko sa pagbabantay kay Gela, doctor kasi siya dito.

Pumasok at lumapit sa akin si Raney,

''Ate, ito na 'yong charger mo'' Inabot niya sa akin ang charger ko. Bale tatlong araw narin akong lowbat. Hindi ako makatawag man lang. Gusto ko kasing personal number ko ang gamitin ko sa pagtawag dahil baka hindi maniwala si Boss kung ibang number.

''Salamat'' aniko at kinuha ang charger. Naghanap ako ng pwedeng masaksakan at noong nakakita na ako ay agad akong nag charge. Iniwan ko ang phone ko duon at bumalik sa pag-upo sa tabi ni Gela.

''Ate, gusto ko ng umuwi'' si Gela. Noong isang araw pa siya namimilit na umuwi.

Inayos ko ang buhok niya. ''Uuwi ka na naman mamaya'' sabi ko sa kanya.

Lumiwanag ang mukha niya. ''Talaga ate?!'' she exclaimed in happiness.

Tumango ako. ''Oo''

''Huwag na kasing masyadong magligalig sa labas. Alam mo namang may asthma ka'' singit ni Raney sa amin.

Napanguso si Gela. ''Sorry na'' mahina niyang sabi.

She's at fault and she knows that.

''Hayaan mo na, nangyari na naman, basta lang ay palaging ng mag-ingat sa susunod, Gela. Kapag hinid ka nag-ingat ay papaluin talaga kita'' banta ko sa kanya.

Bumuntong hininga siya. ''Opo'' simpleng sagot niya.

Nang mag hapon ay inasikaso ko na ang Bills ni Gela sa Hospital. Kasama ko si Lauro. Ngayon ay napatunayan ko na naman na mabuti talaga si Lauro at hindi na mukhang manloloko.

Naglalakad kami pabalik sa kwarto ni Gela habang nag-uusap.

''Thank you talaga Lauro ha?'' Hindi lang ang pagsama niya sa amin ang pinagpapasalamatan ko. Siya din kasi ang nakakita kay Gela na inaatake ng asthma. Pumunta daw kasi siya sa amin para kunin iyong t-shirt niya na naiwan noong linggo tapos pagpasok niya sa bahay ay nakita niya si Gela na hinahabol na ang hininga. Si Papa naman ay nasa school nuon. Binabayaran ang tuition ni Gela.

Tinapik niya ang balikat ko. ''It's not a big deal, mas malaki parin ang atraso ko sayo'' aniya.

Napahinto ako kaya napahinto rin siya. Humarap ako sa kanya. Seryoso talaga yata. Base on his face. ''Niloko mo ako dati pero dati na iyon, hindi na tayo college, kaya kalimutan mo na 'yon'' wika ko sa kanya.

Totoo naman kasi, bakit pa ba ako magagalit sa kanya e napakatagal na nuon. Hindi na ako bata para gawing big deal pa iyon.

Ngumiti siya pero parang pilit. ''Gusto kong bumawi, Gianna. Seryoso ako sayo...''

Nakaramdam naman ako ng lungkot at awa. Paano ko ba sasabihin sa kanya na patay na patay na ako kay Boss at si Boss lang talaga kahit malabo kami nu'n. Ayaw kong paasahin si Lauro dahil napaka buti niya and he doesn't deserve that. Mabuti at napaka gwapo niya, alam kong may mas deserving pa sa kanya.

''Lauro hi-'' Bago pa ako matapos ay siningatan niya na ako ng salita

''Give me chance to prove myself, I'll never demand attention or whatsoever, just give me a chance please'' he begged and sino naman ako para kunan siya ng karapatan.

Sixto Axel VelasquezTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon