''Are you sure about this, Gianna?'' Diane asked.
Nandito kami ngayon sa kwarto ng kambal, Inaayos ang mga damit nila at inilalagay sa maleta. Ngayon na sila aalis, and I can't stop myself from crying. Ayaw kong mahiwalay sa mga anak ko pero pumuli na ako.
Inilagay ko sa mga maleta ang mga damit ng kambal habang pinipigilan ang luhang gusto ng bumuhos.
I should be happy; this is my decision, pero hindi ko talaga kaya. Hindi ko alam kung ano pang mangyayari sa akin sa mga araw na dadating. Weeks after I chose Lauro, it made me feel sad and empty.
''I--I don't know'' mahina kong sagot.
Narinig kong bumuntong hininga si Diane.
''I told you about this, Gianna. Sabi ko piliin mo ang mahal mo'' pangaral niya sa akin. Hindi ko napigilang mapaluha at tumingin ng deritso sa mga mata ni Diane.
''Paano ko gagawin? Kung maraming masasaktan...'' I feel so hopeless.
Tinitigan lang ako ni Diane na parang apektado siya. ''Love is not about right and wrong, Gianna. It's all about your feelings towards the other one. Kasi kung mahal mo ipaglalaban mo'' she said, and that made me cry more.
Napahilamos ako sa mukha ko. Nagiging mas emosyonal ako nitong nagdaang mga linggo at hindi ko talaga maiwasan iyon.
''Always think about your happiness in the future, not others happiness. Kasi ang saya ng iba ay magsisimula sayo kasi ikaw iyong gustong magpasaya sa kanila. Paano mo sila papasayahin kung palagi kang ganito?'' she asked.
Hindi ko alam kung anong isasagot ko kasi kahit ako ay naguguluhan na. ''Their happiness is me without Sixto'' I answered between my emotional breakdowns right now.
''You can't keep on choosing the right path if you are not happy in it. Kasi hindi lahat ng tama daldalhin ka sa tamang bukas. You always remember that. Always, Gianna'' she said like a pro-Advisor.
Bumaba na kami ni Diane dala-dala ang mga maleta. Siya kasi ang maghahatid kina Hazel kay Sais dahil hindi ako pwedeng makalabas dito. Lauro made me his prisoner for a week until now.
Pagbaba ko ay sinalubong kaagad ako ng dalawang kong anak na nakasimangot. Nakaramdam ako ng awa. Alam kasi nila na hindi ako makakasama. Lumuhod ako sa harap nila at hinaplos ang mga mukha nila.
''Mamay, why are you not coming with us?'' malungkot na tanong ni Hazel sa akin. Humahapdi na naman ang mata ko.
I forced myself to smile. ''Anak, hindi pwede eh. Kailangan ako ni Papay mo dito'' sagot ko sa kanya. She pouted.
''We can include Papay, isama nalang natin si Papay, Mamay'' Issa suggested.
Napayuko ako at napakagat sa labi habang umiiling. Hindi ko kayang tumingin sa mukha ng mga anak ko na malungkot. Mahal na mahal ko ang mga anak ko pero kailangan kong pagbayaran ang kasalanan na nagawa ko.
''Bid your goodbyes to your Mamay, little munchkins'' ani ni Diane sa dalawa. Nanginginig ang labi ko habang tumitingala sa mga anak ko, niyakap ko sila ng mahigpit.
''Mahal na mahal kayo ni Mamay, tandaan niyo 'yan'' I am still crying. Ilang buwan din silang mawawala sa piling ko pero ayos lang dahil ama naman nila ang kasama nila duon. Mas magiging masaya din sila duon, malayo sa magulong mundo na binuo ko.
They both hugged me. ''Mahal na mahal ka din namin ni Issa, Mamay. Kayo ni Papay. Nagpaalam na kami kanina kay Papay, he said he wants us to come back, and we said that we will come back. Babalik kami Mamay'' sabi ni Hazel sa akin na mas nagpaiyak sa akin.
Naiiyak ako kasi hindi ko sila mabigyan ng magandang pamilya. Wala akong kwentang ina kasi wala akong magawa and that makes my heart break into pieces.
''Babalik kami, Mamay'' sabi ni Issa sa akin. Mas hinigpitan ko pa ang yakap ko. Ayaw ko na silang bitawan pero alam kong kailangan ko. Ikakabuti rin 'to nila.

BINABASA MO ANG
Sixto Axel Velasquez
Kurgu OlmayanTrigger Warning: Mental Abuse/Unethical/Infidelity/ Affair. Not for everyone!! The whole story revolves around cheating so please don't read this for your own sake if you are sensitive to stories that are all about cheating.