It's Hazel's day. Her last treatment. Hinahanda na ng lahat si Hazel. Kinakabahan at natatakot ako para sa anak ko. May tiwala ako, makakaya ng anak ko.
Magkahawak kami ng kamay ni Hazel. Nakaupo ako sa Hospital Bed habang kandong si Issa.
Napatingin ako kay Hazel.
''Mamay, I'm scared'' she said, which made my heart ache in pain. Masakit makita na parang may kinatakutan ang anak mo na dapat niyang harapin. Kung sana ay kaya kong akuin ang sakit niya ay ginawa ko na...
Inakbayan ko ang anak ko at hinalikan siya sa sulok ng noo niya. ''Kaya mo iyan, anak'' I cheered her up. Wala akong magagawa kung hindi ang magdasal at manalangin sa diyos.
''Oo nga kambal. Ikaw pa!'' Hirit pa ni Issa na nagpangiti sa akin.
Ngumiti lamang si Hazel at tumingin sa kanyang ama.
''Papa...'' she called. Napatingin ako kay Sais. Tumibok ng mabilis ang puso ko nang magtama ang aming mga mata. I looked away.
Dalawang araw na kaming walang komunikasyon ni Sais. Nililipat nadin ng mga tao ni Lauro ang mga maleta na hinanda ko kaninang madaling araw. Uuwi kami pagkatapos nito kay Lauro. Hindi naman pumalag si Sais dahil alam niyang mas kailangan ako ng mga bata. Kung nasaan ako ay dapat nanduon din ang mga anak namin.
''Hey, baby'' bumaba ang kama na hudyat na nakaupo na si Sais sa kabilang sulok.
''Papa, don't leave me ha?'' Hazel begged and I was in shock. Hindi naman siya iiwan ng ama niya eh.
''Diba sabi ko, sasama kayo ni Issa sa akin? We will visit your grandparents, my parents in New York. I swallowed. Gusto ko sanang tumalima, pero alam kong kailangan din ng mga anak ko ang makita ang mga magulang ni Sais. Lalo na't si Ma'am Alexa ay may sakit. Ayaw ko naman ipagkait.
''Kasama ba si Mamay at si Papay?'' tanong ulit ni Hazel. Kinakabahan ako habang naghihintay sa sagot ni Sais. Gusto kong sumama dahil ayaw kong malayo sa mga anak ko pero alam kong hindi pwede.
''If your Mamay, wants to come'' he said in a plain voice.
Tumingin ulit sa akin si Hazel. Pati narin si Issa.
''Mamay, will you come with us?'' tanong ni Hazel sa akin. Hindi kaagad ako nakasagot. Napabaling ako kay Sais na naghihintay ng sagot ko. Kahit ako ay walang maisagot. Hindi ko alam kung anong isasagot ko.
''Mamay, sama na kayo. Para ma meet ni'yo din ang mga parents ni Papa'' kombinsi naman ni Issa sa akin.
Pinilit kong ngumiti. ''Tignan natin, anak. Malayo pa naman kaya focus muna tayo sayo Hazel, anak ha? Dapat magdasal ka. Kayong dalawa ni Issa sa God, so he will guide you two from bad spirits.'' pag-iiba ko ng topic. Hindi naman na nagsalita si Sais, at ang dalawa naman ay nagdala nalang.
Kinakabahan ako habang nakatingin sa anak ko na nakahiga na sa stretcher. Papunta na kami sa OR. Gusto kong umiyak but I need to be strong. Ayaw kong panghinaan ng loob ang anak ko.
''Mamay, sama ka sa amin ha?'' tanong ni Hazel habang nakahiga. Tinanguan ko lang ang anak ko dahil natatakot ako na baka mapapiyok at mapaiyak ako kapag nagsalita pa ako.
''We're going inside. You're not allowed inside, so please wait until the last treatment takes place. We will do our best'' sabi ni Diane. Nakatanaw ako sa anak kong pumasok sa OR. Hindi ko napigilan ang mapaluha.
Lauro grabbed me for a comforting hug, which I gladly accepted. Kailangan ko ng masasandalan.
''Shh... Our princess will be fine. She's a fighter like you, so don't worry'' he said, caressing my back. I just nodded and nodded again.
BINABASA MO ANG
Sixto Axel Velasquez
Non-FictionTrigger Warning: Mental Abuse/Unethical/Infidelity/ Affair. Not for everyone!! The whole story revolves around cheating so please don't read this for your own sake if you are sensitive to stories that are all about cheating.