Kabanata 20

10.7K 211 11
                                    

I was packing our things and clothes. Ngayon na ang lipat naming mag-iina. Kinakabahan ako sa totoo lang. Naduduwag ako na sumama pero hindi ko kayang mawalay sa mga anak ko. I am doing this for them.

Pagkatapos kong ayusin ang mga gamit ay inilagay ko na ito sa maleta at ipinasok sa kotse kasama si Lauro. Tinutulungan niya ako na mag impake.

''Are you sure, you want to go?'' he asked. I sighed. Kagabi pa siya tanong ng tanong.

Humarap ako sa kanya. Mapupungay ang aking mga mata habang nakatingin sa kanya. Sa pitong taon naming pagsasama ay ngayon lang kami maglalayo. Lumapit ako sa kanya.

''Alam mo namang kailangan ako ng mga anak ko diba? Ng mga anak natin'' aniko. Lumamlam ang mukha niya at niyakap ako ng sobrang higpit.

''I don't want to be far from you, sweetheart'' he whispered. Niyakap ko siya ng sobrang higpit.

''Susunod ka naman diba?'' mahina kong tanong. Kahit ako sa sarili ko ay natatakot. Hindi ko alam pero may kinakatakot ako na ayaw na ayaw ko talagang mangyari sa akin habang malayo sa asawa ko.

''I'll be there, wait for me,'' he whispered again and I nodded. I want to tell him that be fast. Dalian niyang matapos ang trabaho niya dito at bawiin ako.

Binuhat ko si Issa at sinakay sa kotse. Ang magmamaneho ay si Lauro. Papunta na kami sa Hospital. We'll ride a helicopter para daw hindi matagalan si Hazel. Masasabi ko talagang over-protective si Sais sa mga anak niya.

''Mamay, are we going to Papa?'' tanong nito habang nasa byahe kami. Tumango ako.

''Yes, baby. We will go to your Papa'' sabi ko sa kanya.

Tumango-tango naman si Issa. Maya-maya pa ay may kadugtong na naman itong tanong. ''Mamay, I am thinking about this question and it bothers me so much. can I ask it on you, Mamay?'' inilapit niya ang mukha niya sa akin.

Wala akong nagawa kung hindi ang tumango. Ayaw ko rin naman na may tinatago ako sa mga anak ko. ''Ano, anak?'' tanong ko

''Mamay, why Papay is your husband when he's not our real father?'' tanong nito na nagpatigil sa akin. Naging dead air kami ng sandali. Napalingon ako kay Lauro na nagmamaneho parin pero bakas sa mukha ang pagkagulat sa tanong n Issa.

Hindi ko alam kung anong isasagot ko. Kung kailangan ko bang ikwento sa anak ko kung anong nangyari. Napakabata niya pa kasi para maintindihan and I don't want my daughter's childhood to be destroyed.

Huminga ako ng malalim bago sagutin ang anak ko. ''Anak, may mga bagay na hindi pwedeng sabihin sayo, kasi bata ka pa'' aniko sa kanya.

''Why, Mamay? Did he hurt you too much before?'' biglang tanong nito. Natigalgal na naman ako.

Paano ko ba sasagutin ang madaldal kong anak. Hindi talaga ito nauubusan ng mga tanong. Hindi ko nga alam kung pinaglihi ko ba ito kay Gela. Napaka daldal.

''Anak, gusto mo bang bumili muna tayo ng ice cream bago tayo pumunta sa Hospital?'' pag-iiba ng topic ni Lauro.

''Yehey'' sumuntok pa si Issa sa hangin. Tumingin ako kay Lauro at ngumiti.

Alam niyang ayaw ko iyon pag-usapan and he understand that. Hindi ako ganuon kasama para siraan ang totoong ama ng mga anak ko sa kanila.

Bumili muna kami ng ice cream at dumaritso sa Hospital. Pagdating namin sa Hospital ay buhat-buhat ko si Issa habang ang mga gamit namin ay pinagtutulungan ng mga lalaking nakasuit at ni Lauro. Mukhang mga tauhan ni Sais.

Pagpasok ko sa Hospital Room ay binaba ko si Issa.

''Hazel!'' Tumakbo si Issa papalapit sa kakambal nito. Tinalon nito ang kama at mahigpit na niyakap ang kakamabal. Uminit ang sulok ng aking mga mata habang nakatingin sa mga anak ko. They really missed each other.

Sixto Axel VelasquezTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon