Kabanata 29

8.6K 191 10
                                    

Hinanda ko ang mga pagkain sa hapag. I am just waiting for Papa, Gela, and Raney.

''Mamay, malapit na ba sina Lolo?'' Issa asked.

Nakaupo siya sa highchair, pinapanood akong maghanda. Nakahilig ang baba niya sa counter.

I looked at her.

''Malapit na anak, nasa byahe pa siguro'' sagot ko sa kanya.

Bumalik ako sa may Dining Room at inayos ang hapagkainan. Narinig ko ang ingay sa sala. Hindi ko naiwasan na tignan. It's Sais and Hazel; nasa hita ni Sais si Hazel, they are playing. Hindi ko maiitanggi na napaka spoiled ng mga anak ko kapag si Sais. Para siyang si Lauro. But my happiness seeing Sais with our child is different, and that makes me unfair.

Bumuntong hininga ako at bumalik nalang sa ginagawa. Inayos ko ang mga pagkain, kutsara. Nagpaalam naman ako kay Sais. Kahit napaka awkward naming dalawa ay kinapalan ko parin ang mukha ko. He said yes, and I'm thankful. Syempre bahay niya 'to.

Bumalik ako sa kusina para kunin si Issa. ''Anak, duon tayo sa sala'' sabi ko at binuhat siya.

''Mamay, bakit hindi po bumibisita sa atin si Papay?'' she asked. Sadness all over her face, natigilan ako. Napatigil kami sa harap nina Sais. Nakuha ni Issa ang atensiyon ko sa naging tanong niya. Naalala ko na naman ang kasalanan na ginawa ko.

''A-anak, your Papay is busy'' sagot ko sa kanya. She pouted.

''Akala ko kasi hindi niya na kami love because we left him'' she said. I frowned and immediately shook my head. Ano bang iniisip ng batang ito? Mahal sila ng Papay nila.

Binuhat ko siya ng maayos. Tinignan ko siya direct to her eyes. Nakikita ko ang pagkalungkot sa mukha niya.

''Anak, mahal kayo ng Papay ni'yo. Busy lang si Papay para matapos na kaagad ang mga gawain niya duon then he will come and live with us'' sabi ko sa kanya.

Agad naman siyang ngumiti at hinalikan ako sa labi. Caught off guard niya ako kaya napatawa ako. Hinalikan ko din siya sa labi.

''I love you, Mamay'' she buried her face in my neck. Hinaplos ko ang likod niya.

''I love you too, baby. Kayong dalawa ni Hazel'' sabi ko sa kanya. Mahal na mahal ko sila at kaya kong masaktan, mahirapan para lang sa kaligayan ng mga anak ko. I am now a mother, kung saan ang anak ko ay nanduon din dapat ako kahit alam kong masasaktan ako.

''Mamay, I love you too'' Nakuha ni Hazel ang atensiyon ko. Napatingin ako kung saan sila nakaupo. Bumilis ang pintig ng puso ko nang nagtama ang mga mata namin ni Sais. Pain, regret, and sadness filled his eyes. Hindi ko alam kung bakit o sakto ba ang nakikita ko pero iyon talaga ang nakikita ko. Baka ha-hallucinate lang ako. But...

Kahit kinakabahan ako ay lumapit ako sa anak ko. Nakita ni Sais na buhat-buhat ko si Issa kaya siya na ang nag-adjust. He carried Hazel. Nakatayo na silang dalawa sa harap namin ni Issa. Hindi ko alam kung saan babaling ang mata ko. Kung kay Hazel o kay Sais, This is really awkward for the both of us. Ang tatanda na namin pero bakit ganito parin?

''Mamay, sasama ka ba sa amin?'' tanong ni Hazel sa akin. Nagsalubong ang kilay ko. Saan ako sasama?

Binalingan ko ng sandali si Sais bago tumingin ulit sa anak ko. May usapan ba sila na hindi ko alam? ''Saan tayo pupunta?'' tanong ko. Hindi ko alam na may pupuntahan pala kami.

''We will go to New York to visit Grandma and Grandpa'' sagot ni Issa na ngayon ay nakatuwid na ang ulo.

''Diba Mamay, I told you about that two days ago. Na pupunta tayo sa New york?'' tanong sa akin ni Hazel. Napatingin ako kay Sais. He's just staring at me, seriously.

Sixto Axel VelasquezTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon