''Mamay, tapos na po ba iyan?'' tanong ni Issa habang nakaupo sa high chair.
Nagluluto kasi ako ng adobong manok. Their favorite food.
Tinignan ko ng sandali ang anak ko bago ibanalik ang tingin sa niluluto. ''Wait lang anak, pinapalambot pa ni Mamay. Puntahan mo muna si Papa mo at si Hazel sa taas'' utos ko sa kanya.
''Okay, Mamay. Ibaba mo muna ako, May'' sabi niya habang inaabot ang kanyang kamay sa akin. Lumapit ako sa kanya at binaba siya sa Highchair.
''Salamat, Mamay'' sabi niya at tumakbo na papaakyat ng second floor. Ako naman ay bumalik nalang sa ginagawa kong pagluluto. Wala naman kasing ibang magluluto kung hindi ako. Sa pagkaka-alala ko ay hindi marunong magluto si Sais. Tapos wala pa siyang kasambahay dito.
Iniisip ko kung puro outside foods lang ba ang kinakain niya. Balita ko kasi nag Immigrate na si Ma'am Alexa at Sir Uno sa New York.
Tinapos ko ang pagluluto at hinanda na ang hapag. Habang naghahanda ako sa harap ay biglang tumunog ang Cellphone ko. Tumakbo ako pabalik sa kusina para kunin ang cellphone kong naiwan duon kanina. I took my phone and stared at the screen. It's Lauro. Sumandal ako sa counter. Nakaharap ako ngayon sa may lababo habang sinasagot ang tawag.
''Hey, sweetheart'' panimula niya. Napangiti ako.
''How's the house?'' tanong ko. I badly want to come back. Sa totoo lang.
''Missing you and the kids. How's Hazel?'' tanong nito. Napabuntong hininga ako.
''May problema ba?'' tanong nito na halata ang pag-aalala sa boses. Pitong taon din kaming nagsama kaya alam kong halos kabisado niya na lahat ng gagawin ko kahit ang pagbagsak ng hinga ko. Kabisado niya na.
''Wala naman. I miss you...'' I said in a low voice. I bit my lower lips as a smile wants to form.
I heard him chuckled. ''You are tempting me to leave my work here, sweetheart. Susunod ako kapag okay na ang mga pasyente ko dito'' sagot niya sa akin. Nakaramdam ako ng lungkot.
Lauro is such a workaholic. Gusto niya talagang nilalaan ang oras niya sa trabaho at naiintindihan ko naman.
''Basta sumunod ka dito ha?'' paninigurado ko.
''Of course! My wife's there. Susunod ako and send my regards to the kids. Trabaho muna ako, Hon. Goodbye and I love you'' he bid goodbye. Bago pa nga kaming nag-usap. Sanay na naman ako kay Lauro. He always prioritizes his works. Treating people's Illnesses is his dream. Wala akong magagawa pero minsan ay nakakatampo din.
''Mamay, Is that Papay?'' Napaigtad ako dahil sa boses ni Issa. Napalingon ako sa kanya. Kumabog ang puso ko at nilukuban ako ng takot nang makita ko ang madilim na mukha ni Sais.
Nasa wheelchair si Hazel at may nakasabit nadin sa metal na bitbit ng wheel chair niya. Iyong mga gamot na tinitake niya through dextrose para daw mas tagos sa katawan ang gamot. Hawak-hawak ni Sais ang wheel chair habang madilim ang mukha na nakatingin sa akin na para bang lumabag ako sa pinaka rules niya sa bahay.
''Y---Yes, a---anak'' Hindi ko maituwid ang boses ko. Nadadala ako sa galit ni Sais.
''Sayang naman, Mamay. Call Papay again'' Nasasabik na sabi ni Issa. I saw how Sais clenched his jaw after hearing his daughter's request.
Iniwas ko ang tingin ko kay Sais dahil para akong kunukulong ng mga tingin niya. Tumingin ako kay Issa habang inilalagay ang cellphone sa bulsa.
''L-Let's eat first'' pag-iiba ko ng usapan. Lumapit ako kay Hazel at lumuhod sa harap niya. Nanikip ang puso ko habang nakatingin sa anak ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/237670657-288-k712037.jpg)
BINABASA MO ANG
Sixto Axel Velasquez
Non-FictionTrigger Warning: Mental Abuse/Unethical/Infidelity/ Affair. Not for everyone!! The whole story revolves around cheating so please don't read this for your own sake if you are sensitive to stories that are all about cheating.