Kabanata 21

9.8K 232 19
                                        

Hinihintay nalang namin ang Doctor ni Hazel. Magkasama kami ni Sais dito sa kwarto ni Hazel habang si Issa naman ay natutulog na. Mukhang napagod yata sa kakalaro kanina sa playroom.

Minamasahe ko ang magkabila kong kamay. Kinakabahan ako para sa anak ko.

''You okay?'' Nakuha ni Sais ang atensiyon ko. Tumingin ako sa kanya at tumango na may ngiti sa labi.

''Kinakabahan lang ng kaunti'' sagot ko.

''Mamay, huwag kang kabahan'' sabi pa ni Hazel sa akin. Gising pa si Hazel at hinihintay niya din ang Doctor niya. Mas kabado pa yata ako sa anak ko.

''Sorry, anak'' aniko at pinigilan nalang ang kaba na nararamdaman. Maya-maya pa ay tumunog ang cellphone ni Sais. Napatingin ako sa kanya. Sinagot niya ang tawag sa harap ko.

''Alright, I'm going down'' sabi niya at binaba ang phone. Napakunot ang noo ko. He looked at me and answered ''The Doctor is already here'' sabi niya nang makita ang nakakunot kong noo.  Mas napunan pa ang kaba sa dibdib ko.

Lumabas na ng kwarto si Sais at kami nalang ni Hazel ang natira. Lumapit ako sa anak ko at hinawakan ang kamay niya. She looks so calm. Siya talaga ang nakakuha ng ugali ni Sais. Kalmado at mapagpanuri lang.

''Kinakabahan ka ba anak?'' tanong ko. Basa na ang kamay ko dahil sa pawis.

She sighed. ''Mamay, mas kabado ka ata sa akin. I'm okay. I'm not getting any nervous because I know that you will be here with me and of course, Papa and Issa'' sagot niya pa sa akin. Nginitian ko siya at hinalikan sa ulo.

''Mahal na mahal ka namin, anak'' I whispered. Niyakap ako ni Hazel ng sobrang higpit.

''Mahal na mahal ko din kayo, Mamay'' she said full of love.

Napaswerte ko talaga sa mga anak ko. They always remind me that they love me, as I also love them more than my life. Wala akong pinagsisihan kung anong katangahan ang nagawa ko dati. Kasi silaang naging bunga nu'n. Ang mga anak ko ang naging bunga ng ginawa ko. Kung sakali man na bumalik ako sa nakaraan ay iyon parin ang gagawin ko dahil alam kong ang magiging bunga ay ang mga anak ko.

Mayamaya pa ay may pumasok na lalaking Doctor sa loob. Matipuno at gwapo din ito. Ano pa bang inaasahan ko? Abelino Pete Felixiano is a member of Billionaires Club. Walang panget sa kanila, puro sila gwapo at matitipuno. Swerte nalang ng babaeng makakatuluyan talaga nila.

Lumapit sa akin si Doc. He stretched his arm towards me to give me a hand ''I'm Doc. Abelino Pete Felixiano and I will be one of your daughter's doctors'' pagpapakilala niya.

I accept his hand ''Mrs. Gianna Asteriel'' pagpapakilala ko. Kumunot ang noo niya at tumingin kay Sais. Nagtaka ako pero hindi ko ipinakita. May mga galaw talaga ang mga lalaki na hindi mo alam.

''You are married'' he said and I nodded.

Napasinghap siya. ''Dali ka boy at kay Lauro pa talaga''

Napalapit ang tenga ko sa kanya. Hindi ko kasi narinig, baka importante ang sinabi niya. ''Ano po?'' tanong ko sa kanya.

He smiled and shook his head. ''Nothing'' sagot niya. Bumitaw ito at lumapit kay Hazel. Umayos ako ng tayo at pinagmasdan lang ito na chinecheck si Hazel.

''You can go to sleep if you're still sleepy, ako na ang magbabantay kay Hazel'' mahinang sabi sa akin ni Sais habang nakaharap din kay Hazel at sa Doctor.

Umiling ako.

''Gusto kong marinig ang sasabihin ng Doctor, I want to know and be there in Hazel's every challenges'' sabi ko. Napangiti ako nang ngumiti si Hazel sa Doctor. The Doctor tells some jokes to Hazel.

Sixto Axel VelasquezTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon