''Eto, gusto mo?''
''Don't buy that, It's cheap''
Hindi ko alam kung kanino ako makikinig. Kay Diane ba o kay Eren. Kanina pa sila nagtatalo.
Sinamaan ng tingin ni Diane si Eren ''I am too frustrated at you. Baka gusto mong tumigil diyan, Eren'' sikmat ni Diane na may dala-dalang lampin.
Malaki na kasi ang tiyan ko. Seven months, na. Nuong nalaman kong buntis ako ay 2 months palang ako nuon, hindi pa alam ni Sais ang tungkol sa pagbubuntis ko kahit sina Issa at Hazel. Palagi silang tumatawag sa akin pero hindi ko pinapakita ang tiyan ko, mukhang lang. Gusto ko kasi silang sopresahin pag-uwi nila. And for Lauro, Inaasikaso niya na ang Annulment namin. Napakabait niya kasi despite sa ginawa ko sa kanya ay hindi parin niya ako pinabayaan. Siya ang naghahatid ng mga prutas na gusto kong kainin sa gabi kahit sa madaling araw.
Napabalik ang tingin ko kay Diane na hinampas ang balikat ni Eren Napailing-iling nalang ako.
Eren made a face.
''That hurts'' komento ni Eren habang hinahagod ang hinampas ni Diane na braso niya.
''Nakakagigil ka kasi! Ang daming mong angal! Kung bilhan mo kaya ng damit ang anak mo!'' sigaw ni Diane kay Eren. Napatingin ako sa paligid. Nakatingin na halos ang lahat sa amin. Parang hindi mga mayayaman dahil sa ugali.
''Excuse me, hindi pa namin alam ang Gender ng batang iyon'' sagot ni Eren.
Diane frowned. ''Ikaw na bata ka, huwag mo ngang tawaging bata lang ang anak mo! Mana ka sa pinsan mo! Anak mo iyon!'' sikmat ni Diane kay Eren.
I met Eren when I first went to the Billionaires Club. Madami akong nakilalang mga gawapong lalaki duon like damn! Hot nila pero mas hot ang Sais ko. Minsan din ay duon tumatambay si Lauro, pero hindi niya ako pinapansin, hindi naman niya talaga ako pinapansin, binibilhan niya lang ako ng mga pagkain kapag nagte-text si Diane sa kanya.
''I don't know, Geez! Hindi ko alam ang mga galaw ni Maria, so it's not sure kung anak ko talaga iyong dinadala niya!'' pabalik na sabi ni Eren na parang nagagalit na. Nawalan ng kibo si Diane. I heard Diane sighed.
Pinapanood ko lang sila habang hinihimas ko ang malaki ko ng tiyan. Buti at komportable ako sa Sunny dress kong suot ngayon, hindi masyadong mainit at hindi din sobrang nipis na madaling mapasukan ng lamig.
''It's your child, Eren. Hindi ganyan si Maria'' malamig na sabi ni Diane.
Eren just made a serious face ''She's a bitch'' malamig na sabi ni Eren. Nakaramdam ako ng awa sa babaeng nabuntis ni Eren. Sa pagkakakilala ko sa batang iyon ay masasabi kong mabait si Maria. Maria was my client before; we are the ones who made her Dress. Hindi ko nga alam na buntis na pala ang batang iyon nuong dinalhan ko ng gown sa bahay nila.
Napailing nalang kami ni Diane, but kahit itanggi niya sa amin ay alam kong mahal niya na ang anak niyang tinatawag niyang bata, kanina ko pa kasi napapansing tumitingin-tingin din siya sa mga damit at gamit. Bumubulong pa na excited na siyang makita ang anak niya.
''Halika na, Gianna. Mamili na tayo ng mga damit ni Baby Boy at may check-up ka pa ngayon sa Ob-gyne mo, and also I'll buy my son a lot of new toys. Mga naluma na kasi iyon. So tara na'' Hinila ako ni Diane at nagpatianod nalang ako.
Bumili muna kami ng mga damit na pang baby, baby boy, ang pinagbubuntis ko. Mukhang may susunod na sa yapak ni Sais.
Pagkatapos naming mamili ay dumaritso na kami sa aking Doctor, si De Silva. Tahimik lang ako habang nasa kotse at pinagmamasdan ang buong Metro Manila. Ang dami ng talagang tao no? Madami ng krimen ang nangyayari, mga corruption, pero hindi parin nawawala ang mga ngiti sa mga labi ng Pilipino. I am so proud.

BINABASA MO ANG
Sixto Axel Velasquez
NonfiksiTrigger Warning: Mental Abuse/Unethical/Infidelity/ Affair. Not for everyone!! The whole story revolves around cheating so please don't read this for your own sake if you are sensitive to stories that are all about cheating.