KATAMARANTADUHAN 1

522 71 35
                                    

June 3, 2019
Hoy Diablox,

Ito ang unang beses na naisipan kong magsulat sa kagaya nito. Hindi kita tatawaging diary dahil nakakababae, bagkus, tatawagin kitang Diablox. Tamad akong mag-aral pero sa tingin ko hindi ako tatamaring magsulat dito. Alam ko kasing isang araw, makikita ko ito at tatawanan na lamang ang mga nakasulat dito.

Unang araw ngayon ng pasukan kaya naman abala pa ang lahat sa pagpapakilala. Nakakatamad na ang gan'ong sitwasyon lalo pa't nasa ika-sampung baitang na kami.

Hindi na muna ako pumasok at naglibot na muna sa campus. Hindi ko na namalayan na narating ko na pala ang Grade 7 building at sa labas nito ay nakita ko ang isang babaeng umiiyak.

Nilapitan ko ito para tanungin kung bakit siya umiiyak at sinagot naman ako nito. May bubble gum daw ang buhok niya at nang tingnan ko, halos masuka ako. Kasama kasi sa pagkakabuhol ng mga hibla ng buhok niya ay ang ilang piraso ng karne na sa tingin ko ay kasabay na nginuya ng nagalagay nito sa kaniya. Maliban doon, may ilang kuto rin na naglalampungan na hindi pinalampas ng kamandag bubble gum.

Para matapos na ang problema at ang pandidiri ko, kinuha ko ang gunting sa aking bag. Mabilis kong inangat ang kaniyang buhok at pinasadahan ng gunting. Akala ko titigil na siya pero lalo lang itong umiyak.

Kinalbo ko kasi siya para hindi na pag-initan at lagyan pa ng bubble gum ang ulo niyang maraming kuto.

Ang Guwapong Estudyante,
Alron

Diary Ng Lalaking Tamad Mag-aral (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon