KATAMARANTADUHAN 34

33 14 3
                                    

September 20, 2019
Hoy Diablox,

It has been a tough day for me. The MTAP ended with the favor on Cardiff High. I must be smiling right now but still, I am wandering in this foggy forest of my mind.

Diablox, I never dared to ask Jeremae what I saw last day. I owe myself an answer but my valor is being crumpled by the thoughts that maybe, I would unexpectedly found myself crying and heart broken by her answer.

I chose to shut my mouth because I want to be the understanding boyfriend for her—even if I look foolish.

Too much for my drama. I'll tell you how this day become tough.

“Good luck, Alron!” Pagbati sa akin ng ilan sa mga estudyanteng nakakasalubong ko papasok. Tinanguhan ko lang naman sila bilang tugon. Tinamad akong magsungit lalo pa't umagang-umaga at may contest. I need some positive vibe.

Naglakad ako papunta sa room para hanapin sina Mrs. Dela Rama. When I got there, kaunti pa lang ang naroon. Hindi ko rin nakita sina Houston kaya naisip kong baka napaaga lang ako.

“Representing the 10th grade of Cardiff High, Alron!”

Agad akong napalingon sa kung sino ang nagsalita, si Nehamas.

“Wow! Ang galing mo na mag-English.” pabiro kong saad saka lumapit sa kaniya at inapiran siya.

“Pinag-isipan namin ni Ripoc 'yan kagabi,” saad niya at mula sa likuran niya ay lumabas naman si Ripoc.

“Oh, iyan ba ang team shirt ngayong year?” biglang tanong ni Ripoc sa akin.

Hindi ko pala nasabi sa 'yo. Every year, may shirt na ipinamimigay ang Digitarian Club o ang Math Club sa mga contestants ng MTAP. Last year, kulay red with mathematical expressions ang team shirt. Ngayon naman,   it's color blue at may saying sa pinakagitna mula sa isang kilalang Mathematician na si Rene Descartes. Sa likod naman ay may nakasulat na “Math Wizard”.

If you're a math wizard since Grade 7, lahat ng team shirt ng MTAP ay mayroon ka. Collection, cool!

“Yes, bakit?”

“Wala naman,” saad ni Ripoc at hinawak-hawakan ang shirt ko. Inuusisa niyang mabuti.

“Tol, anong ritwal ang ginawa mo kagabi para paghandaan 'to?” tanong naman ni Nehamas. Hindi ako sumagot at tinaas-baba ko lamang ang aking kilay.

“Naku po! Nakailang putok ka?” tanong muli ni Nehamas.

“Bakit ka nag-jakerz? Edi maaga kang nakatulog n'on,” sabat naman ni Ripoc. Tinawanan ko sila at isa-isang tinapik ang likod.

“Wala akong ginawa sa sarili ko, okay? Nag-usap lang kami ni Jeremae ng sobrang dali at pagkatapos ay nanood na muna ako ng math related videos sa Youtube,” paliwanag ko saka humakbang palabas.

“Oh, saan ka na pupunta?”

“Kay Jeremae,” sagot ko at ngumiti. “Balik ako mamaya with medals, asahan niyo.”

“Goodluck Alron the jakerz!” sigaw ni Ripoc.

“Ogags si Nehamas 'yon!” giit ko naman.

Nakarating na ako sa room nina Jeremae. Tiningnan ko muna ang oras at maaga pa naman, 7:45 am. Mamayang 8:30 am ang pagpunta namin sa paaralan kung saan gaganapin ang MTAP.

Diary Ng Lalaking Tamad Mag-aral (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon