July 19, 2019
Hoy Diablox,It's quite tiring pero masasabi kong nasiyahan ako sa nangyari kanina. I enjoyed seeing my classmates dancing on the quadrangle. Natanggal ang katamaran sa aking sistema at ang mayroon lamang sa akin ay makiisa sa kanilang pagsasaya. Hindi naman ako introvert kaya madali lang iyon sa akin. Maliban sa mga kaklase ko, a stranger caught my attention. Hindi ko alam kung outsider siya dahil kanina ko lang siya nakita.
By the way, naubos pala ang ilang tubs ng mango float na ginawa ni Tita Coreen. Sarap na sarap sila at gusto pa akong magdala. Dahil nga pala r'on, parang gusto ko silang imbitahan sa kaarawan ko. Matagal pa naman iyon pero pag hindi ako tamarin, iimbitahin ko sila.
6:00 pm na nang magsimula ang Acquaintance Party. Hindi naman madilim dahil napapalibutan ang quadrangle na nagsisilbing “area to have fun” ng mga ilaw. Sa campus na rin ako nagpalit, Pajama Party kasi ang theme ng aming section at nakakahiya naman kung papasok ako ng campus na naka-sleeping attire.
Masasabi kong cute tingnan ng mga suot namin. Ewan ko na lang sa mukha ng iba kong kaklase. Para kaming mag e-sleep over sa homeroom. Pagbukas mo ng pintuan ay bubungad sa iyo ang isang booth. Hindi ito 'yong usual booth na kung saan may hugis frame sa harap. It's a low budget booth. There's a white curtain serving as the background. Sa puting curtina, nakadikit roon ang mga printed papers at bumuo ng “Acquaintance Party 2k19”. Sa dalawang dulong gilid ng kurtina, naroon ang mga metal pot holders na denisenyuhan. Tinakpan din ito ng pink curtain at pinalibutan ng single colored lights. Pinatungan ito ng maliliit na stuffed stoys sanhi para mas maging kaaya-aya itong tingnan. Sa ibaba naman nito ay nakalapag ang comforter na halos punuin ng mga unan at maliliit na stuffed toys. If you want to have a picture in there, just grab a toy, lie in any position and you're done.
Madilim sa loob ng room. Sabi pa nga ni Nehamas n'ong nagpapalit kami sa loob ng room, “Sobrang dilim. P'wedeng-pwede mag-breeding.” Knowing Nehamas, I think alam mo na Diablox ang ibig niyang sabihin.
Pagpatak ng alas seis, ang lahat ay nagsipagtayuan para sa pagdarasal. Pagkatapos n'on, tinawag ang mga officers para manumpa. Agad naman iyong sinundan ng “section of the year” contest. By section ang pagpunta sa quadrangle para magpa-picture at ipakita sa mga SSG ang temang napili ng inyong section. Masaya ako at wala kaning nakapareho ng tema. And guess what, kami ang nanalo. Pero bago iyon, nang maghahanda na kami para pumunta sa quadrangle, napansin ko ang umbok sa pajama ni Nehamas.
“Hoy Nehamas, ibaba mo nga iyang pang-itaas mo. Umbok na umbok,” natatawa kong sabi at akmang sisipain ito.
“Alron kalma. Sinadya ko ito para mahumaling sa akin ang mga girls at isa-isa silang lumuhod sa harap ko,” ani Nehamas na walang ibang nasa isip kung hindi kamanyakan.
“Bahala ka, 'pag 'yang saging mo madurog, ewan ko na lang.” Biglang nanlaki ang mga mata niya.
“Hala p're, paano mo nalamang may saging?” Noong una ay akala ko hindi niya ako naintindihan. Ang totoo pala niyan Diablox, naglagay talaga siya ng saging sa loob ng brief niya para umumbok ito at sabihing malaki ang dinadala niya. Dinukot niya mula sa kaniyang brief at ipinakita sa akin. May mga hibla pa ng buhok ang saging nang ipakita niya ito.
“Ito oh. Gusto mong isubo?” tanong pa nito at parang wala lang sa kaniya ang kaniyang ginawa.
“Kung sapakin kaya kita at durugin ko ang mukha mo pati 'yang saging na 'yan?” tila naiinis kong sabi.
Diablox, naalala mo 'yong sinasabi kong stranger na kumuha ng atensyon ko? Ganiti kasi 'yon. Katatapos ko lang kain n'on nang magpunta ako sa labas at pagmasdan ang ilang estudyante na nasa quadrangle na sumasayaw. Bigla na lang nagbago ang tugtog at umalingaw-ngaw ang kantang Ako'y Tinamaan ng Reo Brothers. Hindi ko alam kung nakakaindak ba ang kanta pero ang ibang estudyante patuloy pa rin sa pagsasayaw. Papasok na sana akong muli nang may makita akong babae. Kasabay ng pagtama ng mga mata namin ay ang pagsapit ng chorus. Napako ang tingin ko sa kaniya. Morena ito, matangos ang ilong at hindi kalakihan ang mata. Ang buhok nitong kulot ay bagay sa kaniya. Diablox, based on my rating, 100% maganda. Kaya lang, parang baduy. Naka-dress ito na abot sa kaniyang tuhod habang nakapailalim ang jeans. Ang sapin naman nito sa paa ay ang school shoes.
“Hoy!” Natigil ako kakatitig sa kaniya nang biglang may tumulak sa akin. Si Ripoc.
“Bakit ka ba nanunulak?” inis kong sabi.
“Baliw! Ikaw dapat ang tinatanong ko. Bakit ba parang hypnotized and dating mo? Nakatuon ka lamang sa iisang direksyon at hindi gumagalaw.” Oo Diablox, ako pa ang sinisi ng mukhang aso.
Hindi na ako nagsayang pa ng oras at tinanong siya, “Kilala mo ba 'yon?”
Napasimangot ito nang makita ang babae. Sinundan din ito ng pagkamot ng kaniyang ulo.
“Naku Al, ngayon ko lang 'yan nakita. Baka naman kapatid ng isa sa mga estudyante rito. O 'di kaya'y outsider na gustong manood ng ganap dito sa loob,” sagot nito.
“Ah,” dismayado kong sabi.
Bumalik muna kami sa loob ni Ripoc at tinawag niya si Nehamas na nasa booth, nakaupo habang nakasilid ang kamay sa loob ng pajama at may pinapanuod ito sa kaniyang cellphone. Lumapit agad sa amin si Nehamas at sabay-sabay kaming nagpunta sa quadrangle para makisaya.
Sumayaw kami at kahit hindi kilala, nakikipag-dance showdown kami sa ibang estudyante. Naisipan ni Nehamas na maglibot kami. “Tren Pot Pot” ang tawag niya sa ginawa namin. Para kaming mga bata. Si Nehamas ang nasa unahan at nakahawak sa kaniyang balikat si Ripoc at ako naman sa likod ni Ripoc. Naglibot kami hanggang sa may nakikisabay na sa amin. May dumugtong at humaba lalo ang human train.
Nasa kalagitnaan kami ng pagsasaya nang biglang mawalan ng ilaw. Sobrang dilim, wala akong makita. Nagsitakbuhan ang ibang estudyante at bumabangga ako sa kung sino-sino. Nahimawalay ako kay Ripoc at Nehamas. Biglang may tumulak sa akin sanhi para matumba ako. Bigla na lang may pumaibabaw sa akin at bago ko pa man siya mapaalis, biglang bumukas ang ilaw. Kahit hindi ko pa nakikita ang kaniyang mukha, agad ko itong itinulak at nagpagulong-gulong ito. Parang bowling, ang natitirang estudyante na nagulungan niya ay natumba.
Tumakbo ako palapit sa kaniya para humingi ng tawad at doon ko pa lang nalaman na ang naitulak ko ay ang babae na pinagmamasdan ko bago pa man ako makisayaw.
Inalalayan ko itong tumayo at humingi ako ng tawad.
“I'm sorry.”
Tiningnan ako nito.
“O-okay lang,” tugon naman nito saka ngumiti sa akin. Nang itaas niya ang kaniyang dress para punusan ang kaniyang mukha, nakita ko ang bulsa ng jeans niya na may mga nakaipit na lumpiang shanghai .
“Ah—” Hindi ako nito pinatapos magsalita.
“Sandali ang hapdi ng dibdib ko,” usal nito at sa harap ko mismo ay kinapa niya ang dibdib niya. Mayamaya pa'y ipinasok nito ang kaniyang kamay sa loob.
“Mahapdi, mayroon kasing sawsawan sa loob ng bra ko,” tila walang hiya niyang sabi at ipinakita sa akin ang isang transparent cellophane na may lamang suka. Doraemon ang dating niya. Suksok dito, hugot doon.
Tumalikod na ito at naglakad palayo. Napansin ko namang hindi magkasing laki ang p'wetan niya. Kinabahan ako dahil baka dahil iyon sa pagkakatulak ko sa kaniya.
“Miss sandali!” Huminto ito at lumapit ako sa kaniya.
“Baka may sugat ka sa likod mo,” nag-aalala kong sabi.
“I-check mo nga,” utos naman nito. Wala 'ata siyang pakialam kung ano'ng maaari kong makita.
Tumalikod siya sa akin at nang itaas ko ang kaniyang dress, tumambad sa akin ang hita ng manok na nakasiksik sa isang bulsa niya. Sinabi ko na lang na wala at bumalik na ako sa room.
Diablox, 'yong mga bagay na nakita ko, nakaka-turn off 'yon 'di ba? Pati 'yong panunuot niya. Pero bakit, Diablox? Bakit pakiramdam ko mas nagiging interesado lang ako sa kaniya.
Siguro pagod lang 'to. Baka kailangan ko munang magpahinga. Sulit 'yong araw na 'to, sana maulit pa ito kasama ang mga kaklase ko. Sana hindi na ako tamarin.
Ang nakatagpo si Doraemon,
Alron
BINABASA MO ANG
Diary Ng Lalaking Tamad Mag-aral (COMPLETED)
HumorStudying is one of the important pillars in succeeding but for Alron, it's a waste a time. He's not into taking down notes but updates his Diary most of the time. Diablox, that's what he calls his diary. The diary that know his idiosyncrasies and ma...