KATAMARANTADUHAN 18

51 19 6
                                    

August 5, 2019
Hoy Diablox,

Umagang-umaga ay agad na bumungad sa amin ang paalala ni Mrs. Dela Rama. Napapatawa pa ito habang sinasabi iyon dahil ayon sa kaniya, makakaganti na siya sa amin.

“August 22 and 23 will be our examination period. Study well my dear students. I'll swear to death that this examination will be my sweetest revenge.”

Gumawa ng ingay ang sinabi nito. Ako lang 'ata ang walang pakialam sa examination ang nanatiling tahimik.

“Mr. Filipos, you look so calm. Are you confident that you'd be able to answer the test facilely?”

Tumayo ako at sumagot, “Yes.”

Bigla na lang itong tumawa nang malakas dahil sa aking sinabi. Siguro iniisip niya na hindi ko kaya dahil tamad ako mag-aral.

Lunch break na at lumabas kami nina Ripoc at Nehamas para kumain sa may pinakamalapit na karinderya. Nagsisiksikan at maraming tao. Hindi ko alam kung saan kami sisingit. Nasa labas pa rin kami at hindi pa rin nakakahanap ng p'westo gan'on na rin ang pagbili ng ulam. Aalis na sana kami para magpunta na lang sa ibang karinderya o 'di kaya'y sa cafeteria na lang na walang lasa ang itinitinda nang makita ko si Jerame na mag-isa sa isang table.

Habang nakikipagsiksikan, nagtataka kami ni Ripoc kung bakit tawa nang tawa itong si Nehamas.

“Ano bang nakakatawa?" iritadong tanong ko. Diablox, hindi ibig sabihin n'on na pangit ang ugali ko. Nakakairita kasi alam na niyang nakikipagsiksikan kami, nagagawa pa niyang tumawa.

“May sumsagi kasing dibdib sa aking braso. Malalaki, college level mga bruh!” Abot tainga ang ngiti nitong sabi. Binatukan kaagad naman ni Ripoc si Nehamas dahil sa sinabi nito.

Nagtinginan si Ripoc at Nehamas nang makarating kami sa table kung saan nakaupo si Jeremae. Nagtataka siguro sila. Ang ganda-ganda ni Jeremae kanina. Kahit kakalipat lang, mayroon na itong uniporme. Naka-ponytail siya ngayon at may malaki pa itong headband. Nagmumukha naman siyang genius dahil may suot din siyang malaking eyeglasses.

Ipinakilala ko siya kay Ripoc at Nehamas. Mukhang hindi siya type ni Nehamas at hindi niya ito magagawang pagnasaan. Sabay-sabay kaming kumain kanina. Katabi ko si Jeremae at nasa harap namin ang dalawa kong kasama.

Hindi ko talaga maiwasang hindi mapangiti nang sabay-sabay kaming bumalik sa campus. Naiisip ko kasi ang cute na mukha ni Jeremae. Iyong kabaduyan niya, iyon ang nagiging rason para mas maging interesado ako sa kaniya.

“Bye.” Nagpaalam na si Jeremae at humiwalay na ng landas sa amin. Tanging ang section lang nila sa 10th grade ang nahihiwalay.  Ilang hakbang pa ang aming gagawin bago marating ang homeroom.

“Nakita niyo si Jeremae—” Hindi natapos ni Ripoc ang dapat niyang sabihin dahil biglang sumingit si Nehamas.

“Ay hindi, Ripoc! Hindi namin siya nakita dahil bulag kami. Ikaw, bulag ka rin ba?” sarkastiko nitong sabi.

“Manahimik kang buwayang manyakis at pati ahas na hindi kauri ay pinagnanasaan. Patapusin mo ako sa pagsasalita ko kung ayaw mong putulin ko 'yang hotdog mo na mas maliit pa sa hinliliit ko!” Galit na sabi ni Ripoc habang itinututok ang kamao kay Nehamas. Para silang mga bata.

“Okay chill, bruh. Ano ba ang nais mong sabihin?” Ako na ang nagtanong para rin hindi na sila mag-away pa.

Hindi naman ako binitin ni Ripoc at nagsalita ito, “Na pangit at baduy si Jeje.”

Awtomatikong gumalaw ang aking kamao at sinuntok si Ripoc. Tinamaan naman ito sa kaniyang ilong at napaupo.

“Oo baduy at jeje si Jeremae pero hindi siya pangit!” sigaw ko. “Huwag kayong kokopya sa akin sa Math,” tumalikod ako sa kanila at matapos ang ilang segundo ay humarap na naman. “Magtatampo lang ako mga 1 hour. Mga gago!” dagdag ko pa at naunang naglakad pabalik sa may classroom.

Diablox, pauwi na kami kanina nina Ripoc nang makita naming mag-isang naglalakad palabas si Jeremae. Agad kaming tumakbo palapit sa kaniya para sabay-sabay na kami papunta sa may sakayan.

“Hi Jeremae,” masaya kong bati nang makalapit kami sa kaniya.

“Alron? Ihahatid niyo ba ako? Hoy huwag na nga kayong mag-abala. Ako lang naman 'to eh,” saad nito sabay kamot sa kaniyang ulo at may pinisang kuto pagkatapos.

“Medyo assuming ka 'no?” may bahid ng pag-aalangang sabi ni Ripoc.

Biglang lumapit sa akin si Nehamas at bumulong, “Maganda nga siya, kulang lang sa ayos at dasal.”

Agad ko namang siniko ang tiyan ni Nehamas kaya napaungol ito sa sakit.

“Akin na 'yan,” makahulugan kong sabi.

Narating na namin ang waiting station. Umupo kami sa bench at naunang makasakay sina Ripoc at Nehamas. Naiwan naman kami ni Jeremae na tahimik at balot na balot ng hiya.

Ununahan ko na si Jeremae at binasag ang katahimikan, “Jeremae, kapag wala ka nang masakyan, sumabay ka na lang sa akin.”

“Naku huwag na kasi nakakahiya..” hinampas nito ang balikat ko. “nakakahiya naman kung hindi ako papayag. Dahil mapilit ka, sige na nga.” sagot nito. Unang beses ko pa lang siyang inalok pero sinasabi niyang pinipilit ko talaga siya.

Hindi naman humaba pa ang pag-uusap namin dahil biglang dumating si Tito.

“Andito na si Tito, tara sumabay ka na.” Agad na tumayo si Jeremae at sumakay na kami.

Sinabihan ko si Tito na kaibigan ko si Jeremae. Itinuro naman ni Jeremae kung nasaan ang bahay nila.

“David, nagtawas ka ba?” biglang tanong sa akin ni Tito. Palagi niya akong tinatawag sa second name ko, hawig kasi ito sa pangalan ni Papa na Davidson.

“Yes po, Tito,” sagot ko naman.

“Bakit may naaamoy akong putok? Sino ang may putok sa inyo?” walang pag-aalinlangan nitong tanong. Nagulat naman ako nang biglang magsalita si Jeremae.

“Baka po 'yong bibig niyo kasi malapit lang ito sa pango ngunit may malaking butas niyong ilong. May lumalabas nga pong kulangot na malagkit eh. Kung hindi man, baka kayo po talaga ang may putok dahil maging ang katawan niyo ay naghihimutok na sa katabaan.”

Hindi naman na nakasagot pa si Tito at itinuon na lang ang sarili sa pagmamaneho. Pero alam mo, amoy putok talaga kanina si Jeremae.

“Dito lang po,” biglang saad ni Jeremae kaya naman inihinto na ni Tito ang sasakyan. Pinagbuksan ko si Jeremae at inalalayang makalabas.

Nagpakita si Jeremae ng senyales na susuka na ito kaya awtomatiko ko itong naitulak. Bumagsak ito sa semento at sumuka. Naglabas ito ng isang pirasong saging, dalawang dahon ng kangkong, isang lumpia, naka-cellophane na suka at maraming tubig. Pati bunganga ni Jeremae ay may mga nakasuksok 'ata.

Hindi na ako nakapag-sorry sa kaniya dahil pinaandar na ni Tito ang sasakyan. Ngayon naman, pagkatapos kong magsulat dito, magse-send ako ng friend request sa kaniya.

Hindi talaga ako nato-turn off sa ginawa kanina ni Jeremae. Para siyang utang, kasi habang tumatagal mas tumataas ang interes ko sa kaniya .

Diablox, alam mo na bang hindi talaga ako sa amin nakatira? Siguro hindi ko pa nasabi sa iyo 'yon 'no? Saka ko na lang sasabihin. Gusto ko na talagang magfre-friend request lang ako sa kaniya.

Prince charming,
Alron

Diary Ng Lalaking Tamad Mag-aral (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon