KATAMARANTADUHAN 4

140 39 37
                                    

June 10, 2019
Hoy Diablox,

Araw ng Lunes ngayon kaya naman halos hindi ko maibangon ang aking sarili mula sa pagkakahiga. Tinatamad akong pumasok lalo pa't dalawang araw akong bakante. Kung p'wede lang talagang hindi ako mag-aral eh.

Bagamat tinatamad, pumasok pa rin ako. Kasabay ko sa pagpasok ang matanda naming principal at nginitian pa ako nito. Gusto ko siyang patirin dahil sa ginawa niya kahapon.

Patakbo akong pumasok sa classroom namin. Pagbukas ko ng pinto ay nakita kong nakaupo si Mrs. Dela Rama habang mariing nakatitig sa akin. Ang pisngi niya'y putok na putok sa makeup at ang labi nitong makapal pa sa nilapis nitong kilay ay pinapupula ng lagi nitong dalang lipstick.

Nginitian ko lang si Mrs. Dela Rama at pumunta na ako sa aking p'westo para r'on ipagpatuloy ang naudlot kong pagtulog. Hindi rin ako ginaganahang makinig kasi nga tinatamad akong pumasok ngayon.

Inilabas ko na ang aking Math notebook gan'on na rin ang textbook. Patayo kong ibinuklat ko ang libro at inilapag ko sa harap nito ang notebook. Ipinatong ko naman ang pisngi ko rito at pumikit na.

Mayamaya pa ay nakarinig ako ng malakas na pagtawag sa apelyido ko.

MR. FILIPOS!”

Boses baka kaya alam kong si Mrs. Dela Rama 'yon. Agad kong inangat ang ulo ko at pagsidlit pa lamang ng aking noo mula sa nakatayong textbook, tinamaan ito ng lipstick.

Napasabi siya ng, “headshot” nang masapol ako. Kinuha ko ang lipstick at akmang ibabato sa kaniya kaya lang pinatayo ako nito para sagutan ang problem sa board. Hindi na ako nag-aksaya ng oras pa para tumayo kaya gamit ang lipstick, isinulat ko na lamang ang sagot sa aking palad.

Napatayo si Mrs. Dela Rama dahil sa galit. Hindi raw ako marunong makinig kaya lumapit ito sa akin at kinaladkad ako papunta sa chalkboard.

Binura niya ang naunang problem at nagsulat na naman ng bago. Inagaw ko sa kaniya ang chalk at wala pang isang minuto ay nasagutan ko ito. Napaawang siya dahil nasagutan ko ang pagkahaba-habang problem nang gan'on kabilis. Sagot na lang kasi ang isinulat ko. Hindi na ako nag-solve sa harap nila dahil nag-solve na ako sa aking isipan. Nanatili siyang nakanganga at nakita ko ang pagtulo ng laway niya.

Gamit ang lipstick na ibinato niya sa akin kanina, nilagyan ko ang aking labi at minarkahan si Mrs. Dela Rama ng halik sa kaniyang flat na ilong.

Ang Math Wizard,
Alron

Diary Ng Lalaking Tamad Mag-aral (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon