KATAMARANTADUHAN 27

44 17 6
                                    

August 28, 2019
Hoy Diablox,

I don't feel being happy. It's already 28 at hindi man lang kami nakakapag-usap pa ni Jeremae. Kahapon, hindi rin kami nagkaabutan dahil umiiwas ito sa akin. This may sound exaggerated but I do lost strength with what happened kanina, Diablox.

Kanina, I saw  Jeremae at mag-isa lang siyang naglalakad papunta sa cafeteria. Agad ko naman siyang sinundan. Nang nasa loob na siya ng cateria at ako ay papasok pa lamang, nakita niya ako kaya naman ay dumaan siya sa isa pang pintuan at lumabas. Hahabulin ko pa sana siya kaya lang bigla akong dinumog ng mga estudyanteng nagsisipag-unahan para makabili.

Hindi na siya ngayon naka-pigtails nor ponytail. Nakalugay na ang buhok nito na mukhang makinang tingnan. Siguro'y sinimulan na niyang gamitin ang mga pinamili ko para sa kaniya. She look so beautiful lalo na at naka-uniform siya.

After not being able to talk to her, hinintay ko na lamang na mag-lunch break. Medyo huli kaming nakalabas para sa lunch break dahil sa observation, ang daming pakulo ng teacher namin. Nang makalabas na ako, agad akong tumakbo palabas at nagpunta sa room nina Jeramae.

“Asan si Jeremae?” tanong ko sa kaklase niya na nagpapaganda sa harap ng salamin. Hindi talaga matatawag na magpapaganda kasi lalo lang siyang pumangit.

“Umuwi siya agad. Sabi niya sa akin, wala raw siyang baong pagkain. Kung nagtataka ka kung bakit alam ko, ako kasi ang katabi niya,” sagot ng kaklase niya. Wala akong pake kung katabi siya. Jeremae, she's all that I care. I know she's doing this para iwasan ako. I need to talk to her. Ayaw ko ng ganito, kailangan ko siyang makausap.

Bumalik na ako sa homeroom para sabay-sabay na kaming lumabas nina Nehamas para kumain.

“Ano, nakapag-usap na ba kayo ni Jeje?” May bahid ng pag-aalala ang tanong ni Ripoc. Umiling lang naman ako bilang sagot sa kaniya.

“Hayaan mong kami ang kumausap sa kaniya,” ani Nehamas at lumapit ito sa akin.

Humakbang naman ako palayo sa kanila, “No, thanks. Ako dapat ang kakausap sa kaniya.” Naglakad ako papunta sa aking p'westo at kinuha ang bag ko. Nang maisukbit ko na ang bag, may naamoy akong mabaho, parang perlas na hindi napapaliguan. Sa amoy pa lang, I knew it's Heysel.

“Mukhang hooked ka na talaga doon sa cheap girl ng kabilang section. What's in her ba? Mabahong hininga? Kabaduyan? O baka naman ina—” I didn't let her finish the filthy words coming from her mouth. Agad ko siyang tinulak at tiningnan ng masama. Hindi niya inaasahan na gagawin ko iyon dahil halos mapanganga siya sa ginawa ko.

Jeremae isn't a cheap girl. She wouldn't be that interesting to me if she was. I wouldn't follow and impress her instead of bullying and disrespect everyone in the campus if she is futile. I'm being motivated to study because of her—to impress her as always. I'm still lazy but not that lazy compared to before. Jeremae matters to me.

“Bakit mo ginawa iyon? Kay Heysel pa talaga?” Si Ripoc na nag-aalala sa babaeng impakta na mabaho ang perlas. Pakiramdam ko ako lang ang nakakaamoy or maybe they're loving the foul smell.

“Para layuan niya ako and to stop her belittling and saying bad words on Jeremae,”  sagot ko at tumango senyales na lumabas na kami.

Bago pa man kami tuluyang makalabas ay bigla na lang sumigaw si Heysel, “Ako na lang kasi.” I never dare to look back. Sinulyapan ko na lamang si Ripoc at ganoon din si Nehamas dito.

“She's all yours. I asuure,” saad ko kay Ripoc na halatang napilitan lang ngumiti.

After eating to the eatery where we usually go, bumalik agad kami sa campus. Pinauna ko na si Nehamas sa room samantalang ako naman ay nagpunta sa labas ng room nina Jeremae. Nababahala na ako dahil magta-time na pero hindi pa rin siya dumadating. Nagpalingongon-lingon ako at napapatingin rin sa king relos. Bigla na lamang akong nabuhayan at napangiti nang makita siyang naglalakad palapit sa akin.

“Jeremae,” tawag ko habang ipinakita ang malapad na ngiti sa aking mukha at sabay hawak sa pulsuhan niya para mapahinto siya. Tiningnan lang nito ang kamay kong nakahawak sa kaniya at pagkaraa'y tinanggal nito ang kamay ko. A pleasing scent invaded my nostrils. Ito 'yong pabango na binili ko sa kaniya. It made me happy knowing na ginagamit niya ang mga binili ko kahit pa pilit niya akong iniiwasan.

Magsisimula na ang klase. Kailangan ko nang pumasok sa room at ganoon ka rin,” she coldly said without taking a time on looking or staring at me. Nasa harap ko lang siya pero ang paningin niya ay nasa likuran ko.

“Let me finish what I'm about to say. Give me a minute or two para magpaliwanag,” saad ko habang nakapako ang tingin sa mga mata niyang hindi niya magawang itutok sa akin.

“Sapat na sa akin ang mga sinabi mo,” walang emosyon nitong sabi at nagsimula nang humakbang na sinundan ng pagbunggo nito sa akin. Kasabay rin ng pagbunggo niya ay ang pagtunog ng bell. Mabilis kong hinigit ang kamay niya at mahigpit itong hinawakan. Nakatalikod kami sa isa't isa at parehong naestatwa.

Before saying a word to plead, someone in front of me spoke, “Go back to your room, Mr. Filipos. It's already time.” Malungkot kong tinitigan si Mrs. Dela Rama saka napayuko.

“I will,” mahina kong tugon sabay bitiw sa kamay ni Jeremae.

Diablox, kung may natutunan man ako sa kung ano ang nangyayari sa amin, iyon ay ang umamin ng mas maaga at huwag matakot sa maaaring maging resulta ng pag-amin. Kailangan mo ring siguraduhin na hindi pa matatapos ang pesteng load mo. Sa nakakalitong laro ng ating nararamdaman, kahit wala kang kasiguraduhan sa nararamdaman ng isa para sa iyo, amin na at huwag nang paabutin sa punto kung saan may magtatanong ng, “Ano nga ba tayo?” Alam kong ako ang may kasalanan dahil hindi ko nararamdaman na may gusto na pala sa akin si Jeremae. I hate myself for being numb. Dahil sa kamanhiran ko, pati si Jeremae ay ayaw na rin sa akin.

Young Numb and Broken,
Alron

Diary Ng Lalaking Tamad Mag-aral (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon