KATAMARANTADUHAN 40: Inserted Page 2

57 16 5
                                    

Dear Diablox,

Isang napakalaking tanga ko kung sasayangin ko lamang ang isang Alron David Filipos. Ang lalaking pinapahalagan ang pagkatao. Handa niya akong patawanin kahit minsan parang hindi ko bet ang jokes niya. Siya kasi ang bet ko. Chos!

Kung may pinakamasayang nangyari man sa buhay ko, iyon ay ang nakilala ko siya. Akala ko tulad siya ng ibang lalaki na puro ganda lang ang gusto sa isang babae. Ang guwapo niya talaga at isang malaki himala kung magustuhan niya ako.

Sabi nga ng iba, jeje ako—baduy at huli sa uso. Ngunit, sa tuwing kasama ko si Alron ay hindi ko nararamdamang gan'on ang pagtingin niya sa akin. Hindi man lang siya nato-turn off sa ginagawa kong pagsuksok ng pagkain sa kung saang parte ng katawan ko. Sa halip na pandirihan ako, mas lalo lang siyang natutuwa dahil ako raw si Doraemon.

Dahil kay Alron, nagbago ang pagtingin ko sa mga lalaki. Noong una ay ayaw ko talaga sa dalawa niyang body guards pero nang makasama ko sila, ang bait din pala kahit pa medyo bastos si Nehamas kung magsalita.

Noong birthday ko, iyon ang unang araw na nagkaroon ako ng selebrasyon ng maraming pagkain. Noong kasalukuyang nagaganap ang battle of the bands, walang mapaglagyan ang nararamdaman ko n'on. Pakiramdam ko isa akong dyosa na hinaharana ng mortal na patay na patay sa akin.

Noong araw na iyon, iyon din ang unang araw na naramdaman kong higit pa sa “mahal” ang pagmamahal niya sa akin. Napakatapang niya para sabihin sa harap ng maraming tao ang nararamdaman niya para sa akin. Ang haba-haba ng buhok ko, mapataas o baba man.

Sa kaunting sandali na naging girlfriend niya ako, hindi siya pumapalyang iparamdam na special ako. Hindi special child ah! Special person, ganern! Mga bagay na hindi ko naranasan noong kami pa ni Maru.

Naaalala ko, noong kami pa ni Maru, nakakaranas ako ng physical abuse. Ang malaking pagkakamaling nagawa ko ay ang sagutin si Maru. Hindi ko alam kung anong masamang espirito ang sumapi sa katawan ni Maru at may mga patay na patay sa kaniya.

Sinasampal, pinagsasalitaan ng masama at ipinapahiya. Ilan lang iyon sa ginawa sa akin ni Maru. Kabaliktaran talaga ni Maru si Alron. Mula sa mukha maging sa ugali.

Diablox, alam mo bang kaya nakipaghiwalay ako kay Maru dahil pinipilit niya akong makipagtalik sa kaniya. Ayaw ko kaya naman naranasan kong itulak sa pader habang sapilitan niyang hinahalikan sa leeg. Maliban din sa pang-aabuso at gawaing sekswal na nais niya, may nalaman ako tungkol sa pagkatao niya.

N'ong naghiwalay kami ay agad akong nag-transfer sa Cardiff High. Ayaw ko nang makita pa ang pagmumukha niya kaya lang hindi ko alam na susundan niya pa rin ako.

“Bumalik ka na sa akin,” saad niya noong nasa plaza kami malapit sa campus. Tumayo ako at lumapit sa kaniya.

“Wala na akong planong balikan ka. Parang awa mo na, layuan mo na ako!” Tumawa lamang ito at malagkit akong tinitigan. Napakagat pa ito sa kaniyang labi.

“Ang sarap mo talaga!” bulalas niya at akmang hahawakan ako. Agad ko siyang sinampal sa takot na baka may gawin siya sa akin pero ako ang nasaktan. Nagkasugat-sugat ang kamay ko dahil sa mukha niyang tinadtad ng nakatihayang thumbtacks.

Umupo ako at umiyak na lamang. Ang hina-hina ko at ang pag-iyak na lamang ang tangi kong magagawa. Nagulat na lamang ako nang may dumating—si Alron at nasa likuran niya sina Nehamas. Walang katakot-takot, hinarap niya si Maru. Ipinagtanggol niya ako at iyon ang unang beses na ipagtanggol ako ng isang taong hindi ko inaasahang gagawin iyon sa akin. Sa plaza, roon naganap ang unang pagtatagpo ng landas ni Alron at Maru. Iyon din ang unang pagkakataon na ipagtanggol niya ako laban kay Maru.

Diary Ng Lalaking Tamad Mag-aral (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon