July 17, 2019
Hoy Diablox,Sobra-sobrang hiya talaga ang nangyari sa akin kanina, Diablox. MAPEH time namin kanina at may kung anong pinagawa si Ma'am sa amin sa labas ng classroom. P.E. namin at iyon ang pinkaayaw ko sa MAPEH subject. Nakakatamad kasi ang mga pathetic exercises na ipinapagawa. So kanina, para raw maiba, nagpalaro si Ma'am.
All we need to do is to run as fast as we could para makaikot sa upuan sa dulo at makabalik para tapikin ang kasunod sa iyo at siya naman ang tatakbo at iikot. Kung sinong grupo ang maunang makaikot ang lahat ng miyembro sa may upuan, siyang panalo. Oo Diablox, tama ka sa iniisip mo, napaka-common.
Hindi ako ang una sa aming grupo. Tinatamad pa kasi ako n'on kaya pinili kong pumagitna. Nakakahiya na nakakatawa 'yong mga kaklase kong babae na walang pakialam sa pag-alog ng kanilang dalawang bundok habang tumatakbo. Nakikipagsabayan ang dibdib nila sa karera. Mabilis tumakbo ang mga kaklase ko gan'on na rin ang oras kaya naman namalayan kong akin na pala.
Si Nehamas ang kasabay ko sa grupong nasa tabi lang namin, hindi ko naman na nakita pa ang iba kong kasabayan. Ang nasa isip ko kanina ay tumakbo ng mablis. Akala mo ikaw? Gago! Assuming?
Tumakbo ako nang mabilis at sinigurong ako ang mauuna. Nang malapit na ako para tapikin ang kasunod sa akin, bigla akong natisod at natumba. Mabuti at nabasbasan ako ng aking guardian angel kaya galos lang ang aking natamo.
Matapos kong matumba, puro tawanan at “Booo!” ang maririnig mula sa mga kaklase ko at ilang estudyanteng nanonood. Hindi ko alam kung paano ko lulusutan iyon. Nakakahiyang bumangon at harapin ang pangungutya nila. Mayamaya pa'y nakaramdam ako na may naglalakad palapit sa akin.
Agad kong ipinikit ang aking mata. Pakiramdam ko si Heysel na maraming kuto at may mabahong panty ang lumapit sa akin. May naaamoy kasi akong kakaiba.
“Alron?” tawag nito sa akin sabay tapik sa aking likod. Hindi ako kumibo, wala pa akong lakas ng loob para tumayo dahil hanggang ngayon naririnig ko pa rin ang mga pangungutya. Nahihirapan na rin ako sa paghinga dahil sa sobrang lapit ni Heysel sa akin. Parang tinutusok ang ilong ko sa baho ng naaamoy ko na nanggagaling sa perlas ng kanluran niya. May mga langaw din na lumalapit sa akin at ako pa ang nagmukhang mabaho. Peste!
“Ma'am, nahimatay si Alron!” Nagulat ako sa sinabi ni Heysel. Nag-iisip pa lang ako ng plano habang iniinda ang baho niya tapos bigla niya iyong sinabi. Nagkumpulan naman agad ang mga kaklase ko, hindi ko sila nakikita dahil nakapikit ako pero nararamdaman ko dahil umiinit. May putok din akong naamoy.
“Dalhin siya sa clinic!” nag-aalalang sabi ni Ma'am. Ginalingan ko sa pag-arte at kahit pa gusto kong pisilin ang ilong ko sa amoy ng kaklase kong nagbubuhat sa akin, hindi ko ginawa. Pinanindigan ko ang sinabi ni Heysel.
Habang dumaraan, naririnig ko ang ibang estudyanteng walang magawa sa buhay kung hindi ang maki-chismis. Sarap tahiin ng mga bibig, taas man o baba. P'wede ring putulan ng ulo, taas-baba rin.
“Ano ba 'yan ang lampa!”
“Ilang isda ang nahuli?”
“Napisa ba ang mga itlog mo?”
“Masarap ba ang semento?”
“Bakit ka kasi lumalangoy gayong wala namang tubig?”
Ilan lang iyon sa mga narinig ko. Andami 'no? Well, pakiramdam ko kasi buong estudyante ng campus ay nakisilip sa nangyari sa akin. Actually, may iba pa silang mga sinabi, nakalimutan ko lang.
Diablox, kung sa 'yo nangyari ang kahihiyan sa akin kanina, magpapanggap ka rin bang nahimatay? O kung hindi man, ano ang gagawin mo?
Nevermind. Balik tayo sa nangyari. Hindi lang kasi r'on nagtatapos lahat. Dinala ako sa clinic at pinahiga. Imagine, nahimatay ka tapos sa clinic ka dinala hindi sa hospital. Buti na lang at arte lang iyon kanina.
Nang maihatid ako sa clinic, nagsilabasan din ang mga kaklase ko at naiwan lang ako at ang school nurse sa loob.
Nang isara niya ang pinto, agad akong napabangon at nagulat ito sa ginawa ko. Napaatras ito at pagkaraa'y napaupo sa sahig. Ang OA niya, promise. Napahawak pa ito sa kaniyang puso habang nanlalaki ang mata.
“Sapi! May sapi ka!” bulalas nito.
“Sapi? Ikaw sapian ko riyan eh. Tumigil ka nga sa drama mo!” naiinis kong sabi kaya naman huminto ito sa kaniyang kaartehan at tumayo.
“I see. Hindi totoong nahimatay ka,” bigla nitong pagseseryoso. Siya 'ata ang sinasapian dahil sa pagbabago ng mood.
“Yeah. And I don't want you to tell them the truth,” wika ko animo'y nakikiusap.
“Napahiya ka 'no?” tanong nito. “Pupusta ako, napahiya ka kaya ka nagpanggap na nahimatay,” dagdag pa nito habang natatawa. Lumapit ito sa akin Diablox at umupo sa tabi ko.
“Bakit ba ganiyan ka kasigurado?” tanong ko. Parang kaedaran ko lang siya kung kausapin 'no? Ayos lang 'yon Diablox, bata pa naman siya.
“Kasi ginawa ko rin 'yan dati,” wika nito.
So ayon, iyon ang nangyari kanina Diablox. Makalimutan sana nila ang nangyari. Sana sa magaganap na Acquaintance Party, iyon ang maging dahilan ng pagkalimot nila. Iyong school nurse naman, kokonsentihin niya ang pagpapanggap ko dahil ginawa niya rin naman iyon dati.
Ang napahiya,
Alron
BINABASA MO ANG
Diary Ng Lalaking Tamad Mag-aral (COMPLETED)
HumorStudying is one of the important pillars in succeeding but for Alron, it's a waste a time. He's not into taking down notes but updates his Diary most of the time. Diablox, that's what he calls his diary. The diary that know his idiosyncrasies and ma...