August 15, 2019
Hoy Diablox,Muli na namang nagtagpo ang landas namin ni Maru. Nagpunta na naman kasi kami sa plaza kasama si Jeremae. Magpapahangin lang kami r'on at hindi para makipagkita sa engkantong iyon kaya lang, saktong naroon siya.
“Sinasabi ko na nga bang magbabalik kayo rito,” saad nito kahit pa malayo pa kami sa kaniya. Alam kong siya iyon, tanging uniporme lang kasi ang lumilitaw at makikita sa harap ng puno.
Sinenyasan ko silang huminto muna. Ayokong maulit ang pagkahimatay nila.
“Wear your face masks. Susugapa tayo sa isang nakakamatay na virus,” ani ko at kinuha ang face mask sa aking bulsa.
“Buti na lang at inabisuhan tayong magdala ng face mask dahil ipapaayos ang daan sa loob ng campus. Nagkataon talaga na may mabahong nilalang tayong makikita rito,” sabi naman ni Ripoc sabay suot ng kaniyang face mask.
Hindi na gaano kalayo ang distansiya namin mula sa isa't-isa. Tila napakataas ng confidence level ng engkanto dahil nagagawa pa nitong mag-pose sa harap namin.
“Hoy, Maru Miho, ano't palagi kang narito sa plaza na malapit lang sa campus? Si Jeremae ba ang sadya mo?” tanong ni Nehamas.
“Oo. Gusto kong magkabalikan kami,” ani nito sabay sulyap kay Jeremae at kinindatan ito.
“Asa ka pa?” saad ko saka hinawakan ang baywang ni Jeremae at mas inilapit ito sa akin.
“Wala ka sa kalingkingan ng kaguwapuhan ko, Maru Miho. Umuwi ka na lang at maligo na muna,” pang-iinsulto ko pero tinawanan lang ako nito at pagkaraan ay dinuraan ako. Mabuti na lang talaga at nakaatras kami agad. Nakita ko kasi kung paano malanta ang mga damo. Asido 'ata ang laway niya.
“Hindi mo ba alam na ako ang hearthrob ng Mava Ho National Highschool?” pagmamalaki nitong tanong. Sabay-sabay naman kaming nagtawanan nina Nehamas ngunit nanatili lang tahimik si Jeremae.
“Hearthrob? Baka hard rub!” Si Nehamas na napapahawak pa sa kaniyang tiyan dahil sa kakatawa.
“Totoo ang sinasabi niya.” Bigla kaming natahimik sa sinabi ni Jeremae.
“Seryoso? Kung iyan na ang hearthrob sa pinag-aaralan niya, ano na lamang ang medyo huli ng ligo sa kaniya?” Hindi makapaniwalang tanong ni Ripoc.
“Heee! Huwag nga kayong makisaling mga lamang-dagat na may pagka-shokoy. Si Jeremae lang ang nais ko,” pagsaway nito sa amin habang napapakuyom.
“Maru, tama na. Ayaw ko na. Tigilan mo na ako,” saad ni Jeremae na napapasigaw pa at tumalikod. “Bitawan mo ako, Alron,” dagdag pa nito.
“Jeremae, hindi kita hinahawakan,” saad ko naman.
Nanatili lamang na nakatalikod si Jeremae saka nagsalita, “Huwag ka nang magpupunta sa rito. Hindi kami makatambay ng maayos.”
Hindi naman na nakaimik si Maru. Nakakawa rin naman siya dahil naghahabol siya kay Jeremae. Pero alam ko, Jeremae won't reject him nang wala lang.
Bumalik na lamang kami sa homeroom. Hindi pa time para sa next subject kaya naman ay nagkumpulan na naman kami nina Nehamas. Ipapakita sana niya sa akin ang notebook niya na may malalaswang drawing kaya lang tinawag ako ni Heysel.
BINABASA MO ANG
Diary Ng Lalaking Tamad Mag-aral (COMPLETED)
HumorStudying is one of the important pillars in succeeding but for Alron, it's a waste a time. He's not into taking down notes but updates his Diary most of the time. Diablox, that's what he calls his diary. The diary that know his idiosyncrasies and ma...