KATAMARANTADUHAN 10

72 21 9
                                    

June 5, 2019
Hoy Diablox,

Balak ko sanang sipagin mag-aral para kay Heysel kaya lang nagbago na ang desisyon ko. Hindi ko alam, pero Diablox, nanghina ako sa nasaksihan ko kanina.

Half-day lang ang lecture time namin. Shortened time kasi dahil may meeting ang mga teachers. Gan'on pa man, we're still not allowed to go home.

Nakakaurat sa homeroom namin dahil masasaksihan ko lang naman ang ibang mga kaklase kong halos maglampungan na lang at ang iba naman ay matutulog lang kaya naman naglibot-libot na naman ako.

Nakita ko si Heysel na naglalakad papunta sa cafeteria. May nag-udyok sa akin Diablox na sundan siya kaya naman ginawa ko iyon. Ang ganda niya talagang tingnan mapaharap man o talikod.

Mabilis siyang nagtungo sa counter at ganoon din ako. Nang nasa likod na niya ako, umakto akong may nagtulak sa akin Diablox.

Erey ke!” Iyon ang pabebe niyang sigaw nang matusok ang puwetan niya ng aking matigas at mahabang belt.

Sorry Heysel. May nagtulak kasi sa akin eh,” rason ko sabay turo sa likuran ko. Kumunot naman ang noo ni Heysel nang makitang walang tao sa likuran ko. Nagtataka siya. Impakto, Diablox! Sablay 'yong palusot ko.

“Wala namang tao sa likuran mo ah,” nagtataka nitong tanong at dahil magkalapit ang aming mukha, amoy na amoy ko ang germ-free and lavander scent niyang hininga.

Hindi ako sumagot, Diablox. Inilapit ko pa lalo ang aking mukha sa kaniya. Halos magtusukan na nga kami ng ilong eh. Palapit nang palapit hanggang sa mandiri ang mukha ko. Napakagat ako sa aking labi samantalang ang aking mata ay halos matanggal na sa lalagyan dahil sa pandidiri.

Diablox, hindi ko alam kung maniniwala ka. MAY MGA LISA ANG KILAY NI HEYSEL! All caps para maramdaman mo ang katotohanan sa sinasabi ko.

She's the example of a percfect girl for me pero nagbago na nang malaman at makita kong may lisa ang kilay niya. Sa pilik mata naman nito, nakita ko rin ang pagduduyan ng kuto. Normal lang ba iyon, Diablox?

Umatras na lang ako at nang mapatingin ako sa baba, nakita ko ang nalaglag niyang panty. No! Hindi lang basta panty, Diablox . May mga maliliit na kulot na buhok na nakadikit dito.

Ang linis-linis niyang tingnan at ang ganda-ganda niya pero sa kasuluksulukan pala ng katawan niya ay may mga nakatagong kababalaghan.

Maya-maya pa'y biglang humangin at umalisngaw ang amoy tuyo na mukhang bagoong na basta mabaho!

Napanganga ako nang makita ang estudyanteng nagbabantay sa may counter na nahimatay. Mabuti na lang talaga at may panyo ako. Kung wala, baka napunta ako sa clinic kanina.

Hindi kaya siya ang tinutukoy ni Ripoc na hindi nagpa-panty? Ay wait, may panty siya.  Basta pagdating sa usapang panty at perlas ng kanluran, automatic na si Heysel 'yon.

Ikaw lang ang pagsasabihan ko nito, Diablox. Hindi ko na papalabasin pa sa iba ang nasaksihan ko kanina. Nakakapanghina! 'Yong amoy, 'yong lisa at 'yong kutong nagduduyan.

Papabayaan ko na lang si Ripoc na matuklasan ang sekreto ni Heysel. I won't tell him anything. Kawawa rin naman si Heysel kung ipagkalat ko pa.

Eyewitness,
Alron

Diary Ng Lalaking Tamad Mag-aral (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon