September 23, 2019
Hoy Diablox,Tatlong araw na akong hindi pumapasok. May tubol kasing sumaksak sa akin. Akala ko talaga n'on ay huli na ang lahat sa akin. Sobra 'yong reaction ko dahil unang beses kong masaksak at hindi ko na gusto ng pangalawa pa.
Ito 'yong nangyari after kong masaksak. Ngayon lang ako nakapagsulat kasi nagpapahinga ako most of the time at palaging nakahiga.
N'ong nasaksak ako, akala ko talaga ay huli na ang lahat sa akin. Ginising ako ng kirot mula sa paglaho ng aking malay. Nang tuluyang bumalik ang aking dili, napagtanto kong nasa hospital na pala ako at may bandage na ang aking tagiliran.
“Are you okay, Alron?” Nakakatanga talaga 'yong tanong na gan'on. Alam na ngang nasaktan tapos magtatanong pa.
“Opo, tita. I bet mawawala rin agad ang sakit after I got home,” sagot ko. Nakapagpahinga na ako sa hospital dahil mga ilang oras pala akong tulog ayon kay tita.
“Shouldn't you spend a night here? Baka mabinat ka,” sabat naman ni tito na ngayon ko lang nakita kung gaano kaseryoso at nag-aalala.
“My wound isn't that deep. Isa pa, hindi naman ito kumikirot like how I felt kanina nang masaksak ako. In short, hindi na siya masakit,” giit ko at bumangon. Napahawak ako sa bandage dahil masakit pala kapag gumagalaw-galaw, kainis. Hindi ko iyon inaasahan. I faked my reaction and acted as if I'm really okay. Pakiramdam ko mas mabilis akong gagaling sa bahay kaysa sa hospital.
“Okay. Just stay right here,” saad ni tita na napasinghal pa. “Davis, samahan mo na muna siya. I'll just talk to the doctor.”
Lumabas nga si tita at kami lang ni tito ang naiwan. Akala ko ay susuntukin o papagalitan ako ni tito pero hindi, sabay kaming natawa nang magkatitigan ang mga mata namin.
“You said kaya mo na ang sarili mo. Scammer ka, David,” natatawa niyang sabi at umupo sa tabi ko.
“I never thought na aabot sa gan'on. It even confuses me kasi kilala ako nang sumaksak.”
“Lucky for you at hindi malalim ang saksak.” Inakbayan ako ni tito at ginalaw-galaw ang balikat ko.
“Just as I thought. Pero, what could be motive, tito? Kasi guwapo ako?” Tiningnan ko si tito at nakita ko ang pabirong pagkabigla niya. “Baka naiinggit sa akin?”
“Iyan talaga ang problema sa ating mga guwapo, marami ang naiinggit,” sagot niya habang napapailing.
Napatingin ako sa may wall clock at hindi ko inaasahang magtwe-twelve na pala.
“Alron, nga pala.” Inalis ko ang tingin sa may orasan at ibinaling ito kay tito na mukhang may importanteng sasabihin.
“Bakit po?”
“Kanina, nag-text ang mama mo. Nag-aalala siya sa nangyari sa 'yo.”
I smirked at inalis ang tingin kay tito. Diretsahan kong tinitigan ang pader.
“Sino nagsabi sa kaniya? And, kailan pa siya natutong mag-alala? Ang galing talaga magbiro ni mama. Pakitang-tao!”
Nakikita ko sa peripheral vision ko na nakatingin siya sa akin. He expected this response from me.
“You still have the grudge against her. Alron, she's still your mama. Kung galit ka pa rin, let time heal.”
Pagkatapos ng pag-uusap namin ni tito, dumating si tita at sabay-sabay kaming lumabas.
BINABASA MO ANG
Diary Ng Lalaking Tamad Mag-aral (COMPLETED)
HumorStudying is one of the important pillars in succeeding but for Alron, it's a waste a time. He's not into taking down notes but updates his Diary most of the time. Diablox, that's what he calls his diary. The diary that know his idiosyncrasies and ma...