KATAMARANTADUHAN 3

157 51 18
                                    

June 7, 2019
Hoy Diablox,

Nahuli ako ng pasok kanina kaya naman pinaglinis ako ng mabahong C.R. ng campus. Nakasara ang mga pintuan sa bawat cubicles kaya naman isa-isa ko muna itong ni-check. Mukhang wala namang tao kaya patuloy lang ako sa pagbubukas.

Mabuti na lang at pinaglinis ako. Atleast dito hindi ako maririndi sa pakikinig sa discussions, iyon ang nasa isip ko kanina. Nga pala Diablox, alam mo bang hindi ko hinahawakan ang pintuan ng bawat cubicle kapag binubuksan ito? Alam mo na, nakakatamad humawak doon baka may mga maduduming kamay na naunang humawak doon at baka mapasa pa sa akin ang dumi nila.

Ang dulo ng mop ang ginagamit ko sa pagbukas hanggang sa pinakahuling cubicle na siyang gumulat sa akin.

Paano ba kasi, may tao pala roon. Si Mr. Paradas pa naman, 'yong matandang principal namin. At ito pa, saktong kakatayo niya lang mula sa pagdeposito kaya naman nakita ko ang señorita niyang saging na mas kulubot pa sa ampalaya at mas mabuhok pa sa buto ng mangga.

Wala lang naman sa akin iyon dahil pareho kaming lalaki kaya lang, bakit doon siya gumamit? May C.R. naman sa office niya.

Tumalikod na lamang ako at nagpanggap na walang nakita. Agad naman itong lumabas at sumilip naman ako sa cubicle kung saan siya nanggaling.

Gago, Diablox! Hindi niya ni-flush ang ang dineposito niya. Sa tingin ko talaga siya ang nasa likod ng mga inidorong naiiwang may pampasuwerte.

Janitor of the day,
Alron

Diary Ng Lalaking Tamad Mag-aral (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon