KATAMARANTADUHAN 15

63 19 1
                                    

July 18, 2019
Hoy Diablox,

Diablox, nagdadalawang isip pa rin ako kung pupunta ba ako sa Acquaintance Party. Pero sa tingin ko, makakapunta talaga ako dahil nagboluntaryo ako na ako na lang ang magdadala ng mango float. Ayaw ko na kasing makisali pa sa grupo-grupong magdadala ng pagkain. Alam mo na, nakakatamad lang iyon. Wala pa naman akong masyadong alam sa pagluluto, ano'ng magiging ambag ko, kakaupo?

Tama Diablox, dadalo ako. Pambawi ko na rin sa mga kaklase ko sa nangyari. Raramihan ko talaga ang pagpagawa kay Tita Coreen hanggang sa maumay ang mga kaklase ko at makalimutan ang nangyari sa akin.

Shortened time nga pala kami kanina kasi nag-design kami ng room para bukas. May contest kasi na kung sino ang may pinakamagandang classroom, may matatanggap mula sa mga SSG. Babalik ngayong gabi 'yong mga kaklase ko sa campus para ipagpatuloy ang hindi natapos na pag-aayos. Mga officers at mga malapit lang sa campus ang kinakailangan kaya ako, hindi ako kasali r'on.

Alam mo, bago kami makapagsimula sa pag-design ng classroom, pumasok pa kami sa TLE subject at ewan ko kung major lang namin ang nag-practicum. Nga pala, nasabi ko na ba sa iyo ang major ko? Agricultural Crop Production ang pinili ko. Ang saya kasi kapag nakakapagtanim at hindi masakit sa tainga dahil hindi naman palagian ang discussions.

Nagpunta kami sa school garden kasama si Sir Elmer na siyang teacher namin. Nagpalit kami ng damit, hinubad ang uniform at isinuot ang PPE. Simpleng long sleeves lang ang pang-itaas. Hindi ko naman na pinalitan pa ang slacks ko. Hindi kasi ako nakapagdala ng used jogging pants. May kaniya-kaniya rin kaming salakot na gawa sa materyales na katulad ng sa banig. Hindi na kami nagsuot ng bota dahil hindi naman maputik pero naka-tsinelas lang kami. Nakakatawa ang suot ko lalo pa't naka-slacks ako. Nasa loob pala ng room ang mga sapatos namin. Kailangan kasi naming magtsinelas kapag practicum para maiwasang masira at marumihan ang sapatos. Kung minsan, napapatakip ako ng aking ilong dahil may mga kaklase akong mababaho ang paa. May nilalangaw pa nga eh.

Andito na kami sa school garden at malalaki na ang pechay ng mga kaklase ko at kay sarap nilang tingnan sa mata. Nakakabusog! Tanim na pechay ang tinutukoy ko ha hindi 'yong pechay na nasa isip mo, Diablox. Sayang kasi hindi pechay na tanim ang naibigay sa akin ni Sir kung hindi talong. Iba-iba kasi, may ilan na pechay ang naatasang magtanim at mag-alaga ng pechay, pipino, talong at kamatis.

Naglibot muna ako kanina nang matapos kong tanggalin ang mga damo at dumi sa palagid ng talong ko.

“Clarissa, ang laki at lapad na pala ng pechay mo,” masaya kong sabi nang makalapit ako kay Clarissa na abala sa pamumulot ng mga binunot na damo.

“Oo nga Alron, gusto mo bang hawakan ang pechay ko?” makahulugan nitong sabi matapos nitong tumayo. Nakatingin ito sa akin while she's biting her lower lip.

“Hoy gago 'yong tanim mong pechay ang tinutukoy ko!” sigaw ko sa kaniya habang tumatawa. Tumingin naman sa amin ang mga kaklase ko dahil sa aking naging sigaw.

“Ayaw mo ba sa pechay kong kakalinis lang? Hindi na mayabong ang paligid nito,” muli nitong wika at mukhang hindi lang pinansin ang sinabi ko kanina

Nagulat ako Diablox nang hawakan nito ang kamay ko at pinadakma sa pechay niya.

“Malambot ba?” tanong nito.

“Oo. Ano'ng ginamit mo?” pagbabalik ko ng tanong.

“Ano ka ba, organic fertilizer lang ang ginamit ko riyan,” she proudly said.

Tiningnan ko ang aking kamay at mukhang napapasarap ako kakahawak sa pechay ni Clarissa. Malapad kasi at malambot. Kailan niya kaya ito aanihin? Ikaw Diablox, nakahawak ka na ba ng pechay? Tanim na pechay ha.

“Ah Alron, baka masira ang pechay ko. Kanina mo pa kasi hinahawakan,” naiilang nitong sabi. Tinanggal ko na lang ang kamay ko. Bumalik na lang ako sa plot kung nasaan ang tanim kong talong. Hindi ko namalayan na sinundan pala ako ni Clarissa.

“Hala!” nagulat nitong sabi sanhi para mapaharap ako sa kaniya.

“Bakit?” kunot-noo kong tanong.

“Ang laki naman pala ng talong mo,” natatawa nitong sabi at napatingin sa aking ibaba.

Agad ko namang ibinaba ang PPE ko at siniguradong matatabunan ang talong este ang crotch ko. Hindi ko alam pero nanatili lang nakatingin si Clarissa sa ibaba at napapangiti pa.

“Mukhang masarap kainin kasi mahaba. Patikim naman ako ng talong mo,” muli nitong saad.

“Clarissa ano ka—” Hindi ko na nagawa pang tapusin ang nais kong sabihin dahil bigla na lamang lumuhod sa harap ko si Clarissa at naramdaman ng mga hita ko ang kamay niya. Napatingin naman ako sa kaniya habang nanlalaki ang mga mata at napapanganga. Muli ko na namang naramdaman ang kamay niya sa aking mga hita.

Bigla na lang itong napatingala at nakatingin sa akin habang pinipisil-pisil ang talong ko. Tumayo na ito at pinagpagan ang tuhod niya.

“Ano ka ba Clarissa? Kailangan ba ganiyan ang paraan ng pagkuha ng talong? P'wede naman akong tumabi na muna para hindi ka nahirapan. Exhibitionist na gago!” pangangaral ko. Nainis kasi ako sa kaniya Diablox. Akala ko kasi kung ano na ang gagawin niya.

“Wala eh, ayaw kong maunahan ng iba sa talong mo. Salamat nga pala dito. Isusubo ko talaga ang talong mo mamayang gabi.” Pagkatapos niya iyong sabihin, umalis na siya.

Isang pesteng tipaklong na may mukhang natiris na langaw talaga 'yong Clarissa na iyon. Nabawasan tuloy ng isang bunga ang tinanim kong talong.

Nanganib ang talong,
Alron

Diary Ng Lalaking Tamad Mag-aral (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon