LAST UNWRITTEN PART

110 15 34
                                    

7 Years Later


"Welcome back to Philippines!" sigaw ni Tita Coreen na siyang sumalubong sa akin sa airport.

"I never stayed there for long but the way you greeted me, just wow! Feels like I lived there for how many years," saad ko at niyakap siya. "Tito," saad ko naman at tinapik ang balikat ni Tito Davis saka niyakap siya.

"Englishero ka na talaga ah," pagbibiro ni tita kaya naman napailing ako.

"Ano ka ba naman, kahit noon pa man ay magaling na talaga sa english si Alron," paliwanag ni tito. "Mana kasi siya sa akin," dagdag pa nito.

I really missed these two persons. Kahit sandali lang ako sa America, pakiramdam ko ang tagal ko silang hindi nakita.

My life went well. I finished my 10th grade on Cardiff High at hindi sumama kay mama papunta sa ibang bansa. I chose to stay beside my acting parents until I graduated college. Last year, nag-decide akong pumunta sa ibang bansa to visit mama.

I experienced how much she changed. Napakabait niya sa mga kapatid ko at masaya akong s'werte naman pala siya sa asawa niya. My step-father treated as his own kahit hindi naman ako nagtagal d'on.

Akala ko n'ong grade 10 ako, sasama ako kay mama papunta sa ibang bansa to start a new life. New people, new environment and new friends-maybe. But, pinili kong hindi na lang sumama dahil nariyan naman ang mga kaibigan ko at sina tita who comforted me when I was heart broken. They gave me some advices and spoiled me with what I want. Aside from them, Nehamas and Ripoc were at my side proving friendship shares everything through good and bad times.

"Ano 'yan? Is that your diary?" pagtatanong ni tito sabay nguso sa hawak ko.

"Yeah. I was so bored kanina kaya naisipan kong magbasa na muna," I answered then raised the diary.

"Mabuti at hindi mo iyan tinatapon. Sobrang tagal na niyan ah," tila namamanghang sabi ni tita.

"This is mine. He's my buddy. He's Diablox," saad ko at napangiti.

Tama si tita, sobrang tagal na nga ni Diablox sa akin. Gan'on pa man, ang huling araw na nagsulat ako sa pahina nito ay n'ong nag-perform kami sa Cardiff High. It was also the last time that I saw her. The last time we talked but never been my last to shed tears for her.

It took me two weeks before I read her two entries on my diary. I couldn't believe that she really did it for me. She had written that I am her knight but what's actually right is that she's a female warrior who protected me.

I searched for her on social medias but I couldn't reached her out. I asked her parents where can I find her but they refused to give me an answer. She just did what she had also written, a peaceful life at the province.

All over the years, my mind kept scanning the memories we had. I kept reminiscing how fate tangled our lives. From the moment I first met her, through the laugh and tears we had together and until she walked away.

Attending the acquaintance party was the life changing event that happened on me. That was when I saw her and when our paths first crossed. Everyone calls her "cheap" but for me she's precious.

Just like what I always thought, she taught me a lot-realizations and lessons in life.

Someone would come into our life not to stay at our side but in our heart. Just like Jeremae, she was the storm that blew me away, poured deep sense of feeling over my body and reconstructed the aftermath of what I was before. It might not be the holistic part but she changed me.

Everyone knew how tardy and lazy I am in our class. I skipped classes and bullied innocent students. With my actions, no one had thought that I will be the top 1 of our class during the first grading. Well, over the remaining days before the grading ends, I was motivated by Jeremae. She reintroduced "Mr. Studying" and with the urge in me to impress her, I welcomed "Mr. Studying". She became my inspiration and the source of my happiness.

May mga tao talagang darating sa buhay natin para baguhin tayo kahit pa hindi sila nanatili. Katulad ni Jeremae, binago niya ang pananaw ko sa pag-aaral pati na rin sa buhay. Kung hindi ko siya nakilala, baka nanatili akong tamad at walang pakialam sa marka basta lang makapasa.

Her decision to walked away was her wisest and bravest decision. Sacrificing her happiness for my safety is incomparable. Alam kong pinag-isipan niya ang maaaring mangyari sa akin o sa amin sa hinaharap. Bagamat nagkalayo kami at matagal nang walang balita, batid kong nakapagtapos na rin siya ng pag-aaral at baka nga nagtratrabaho na.

Kamusta na kaya siya ngayon? May asawa na kaya siya? Mukhang siya pa 'yong nauna. Kung sakaling may bago na siya, sayang dahil siya pa naman ang laman ng puso ko hanggang ngayon. I never dated other girls din. Wala akong ibang inibig kahit n'ong nag-college ako. Kahit pa pinagsasabihan ng college friends to make out with someone, umaayaw ako. I was deeply attached to her. Kung sabagay, kakaiba siya sa lahat ng babae kaya nga napaibig niya ako. All these years naghihintay ako sa pagkakataong magkikita kaming muli dahil siya pa rin. Siya ang una't huling babaeng inibig ko. Sa ngayon, ako dapat 'yong nagsasabing "sana ako pa rin" dahil wala akong kamalay-malay sa mga ganap niya sa buhay.


"ALRON!" Napalingat ako sa direksyon kung saan nanggagaling ang sigaw. Pinipilit kong kinikilala kung sino iyon dahil sa distansiya namin sa isa't isa at dahil na rin sa teacher's uniform nitong suot.

"Ripoc?" Tumakbo ito palapit sa akin at sinalubong ako ng yakap.

"Ay iba. Teacher!" pagpuri ko rito.

"Ako pa ba?" natatawa niyang sabi. He must be the campus crush. Bagay sa kaniya ang kaniyang uniporme. Mas lalo siyang guma-guwapo pero mas guwapo ako

"By the way, where's Nehamas?" pagtatanong ko. Dapat kasi kasama niya ito para naman makompleto ang MasAlPoc boys. Hindi sumagot si Ripoc bagkus ay may itinuro siya sa likod ko. I saw a guy wearing a military uniform at kasalukuyan itong malayo sa amin pero kita ko ang malapad na ngiti nito.

"Lakas naman! Tagapagtanggol ng bayan!" saad ko kay Ripoc pero binigyan lang ako ni Ripoc ng nagtatakang tingin.

"Ha? Hindi si Nehamas 'yang sundalong 'yan," wika niya sanhi para magulat ako. "Nasa likod ng sundalong 'yan si Nehamas."

Umiba na ng direksyon ang sundalo kaya naman ay natanaw ko na ang nasa likuran nito. Palingat-lingat at mukhang may hinahanap.

"Si Nehamas 'yan?" hindi makapaniwala kong sabi. Who would have thought na ang pinaka-pasaway sa aming tatlo ay magiging isang fire fighter? Tumango-tango lang naman si Ripoc bilang pagsang-ayon.

Nagtagpo ang mata namin at mula sa kalayuan ay mukhang sinisigurado niya kung kami na ba ang hinahanap niya. Napanganga ito at napangiti saka mabilis na tumakbo palapit sa amin.

N'ong college kami, magkakaiba kami ng unibersidad na pinasukan. Kahit magkakalayo, nakakapag-usap pa naman kami at madalas naming mapag-usapan ang tungkol sa magiging trabaho namin. Pare-pareho naming iniisip na baka hindi kami makakapagtapos pero look at us now. Ripoc is now a teacher, Nehamas being a fire fighter at ako naman, papasukin pa lamang ang business world. Gaya nga ng sabi sa kantang Believer ng Imagine Dragons "Second things second dont you tell me what you think that I can be, I'm the one at the sail I'm the master of my sea."

Nang makalapit siya sa akin, agad niya rin akong niyakap at nagtitigan sila ni Ripoc. Napangisi at mukhang may gagawin na naman.

Biglang akong hinawakan ni Ripoc para hindu makapalag at mahina akong pinagsusuntok ni Nehamas. Nasa kamay ko pa rin ang diary at nag-iingat ako dahil baka malaglag.

Para akong bolang ipinasa ni Ripoc papunta kay Nehamas tapos itong si Nehamas ay itinulak ako sa ibang gawi sanhi para mabunggo ko ang isang dumaraang babae.

Nalaglag ang diary naibuklat ito sa likurang bahagi. Agad akong yumukod para damputin ito dahil baka iba ang isipin ng mga taong dumaraan.

Hindi ko inaasahang yuyukod din ang nabunggo ko para pulutin ang diary. Dahil nakabuklat ito, nakahawak ako sa kanang bahagi samantalang sa kaliwa naman siya.

Nagtitigan kami at nagkailangan. Biglang lumakas ang tibok ng dibdib at dinig ko rin ang kaniya. Mabilis na nagsipag-unahan ang pawis ko habang nanatiling nakapako ang tingin sa kaniyang mga mata.

Mga matang kilalang-kilala ko.

"Alron?"

"Jeremae?"

🎉 Tapos mo nang basahin ang Diary Ng Lalaking Tamad Mag-aral (COMPLETED) 🎉
Diary Ng Lalaking Tamad Mag-aral (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon