KATAMARANTADUHAN 5

122 39 28
                                    

June 24, 2019
Hoy Diablox,

Halos dalawang linggo akong hindi nakapagsulat. Saan ka ba kasi nagtago, Diablox? Pasalamat ka at nahanap ka ni Mama dahil kung hindi, baka nakahanap na ako ng ibang pagsusulatan.

Alam mo, maraming nangyari n'ong nakaraang linggo. Kaya lang, hindi ko makakalimutan ang nangyari kanina sa school.

Kanina kasi, tinamad na naman akong mag-aral. Hindi ako pumasok sa homeroom namin at naglibot na lamang hanggang sa mapunta ako sa library.

Alam mo Diablox, hindi rin pala pumasok ang kaklase kong si Nehamas at nagsilbi niyang taguan ang library. Abala siya n'on sa kaniyang pinapanuod sa cellphone kaya naman naisipan kong sumilip. Nakaramdam ako ng kaba nang makitang ang pinapanuod niya ay porn.

Niyaya niya akong manood din pero tumanggi ako. For heaven's sake, nasa paaralan kami para manuod ng gan'on. Ako nga nagtitiis manuod ng porn sa dyip kahit pa masikip at kung minsan ay may nakikisilip.

Dahil sa wala ako sa mood para manood ng gan'on, nagpunta ako sa cafeteria para r'on tumambay. May nakita ako r'ong isang babae, mga nasa Grade 8 pa lamang 'ata iyon at mukhang nahihirapan siya sa sinasagutan niya.

Lumapit ako sa kaniya at umupo sa harapan nito saka nakahalumbabang tinitigan siya habang nagpapa-cute. Nanatili lang itong nakayuko kaya naman hindi ko makita ang mukha niya.

“Ahem,” pagtawag ko ng pansin dito. Pag-angat ng ulo niya ay tumambad sa akin ang mukha niyang mapula pa sa mansanas dahil sa mga nakalagay sa mukha nito. Siya ang younger version ni Mrs. Dela Rama.

“Oh My G! Why are you staring at me? Oh, you're a pervert. You're fantasizing! Not my body please!” maarte nitong sabi. Kung ano-ano ang sinabi ng malanding batang iyon.

Tiningnan ko siya ng masama saka tumayo at nagtungo sa likuran niya. Agad kong isinubsob ang mukha niya sa mga answer sheets na nahihirapan siyang sagutan. Nagpupumiglas ito pero kawawa siya dahil hindi nito malabanan ang p'wersa ko. Ano'ng laban niya sa aking Grade 10 student?

Nang hindi na ito gumalaw at mukhang nawalan ito ng malay, dahan-dahan kong pinihit ang ulo niya pakanan para makita ko ang itsura niya. May mga lumalabas na sipon sa kaniyang ilong samantalang nagpapaunahan sa pagbagsak ang laway niya.

"Aral muna bago landi,” iyon ang sinabi ko bago siya tuluyang iwan doon. Mabuti na lang talaga at dalawa lang kami roon sa cafeteria kanina.

Diary Ng Lalaking Tamad Mag-aral (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon